Love kita, Promise! [One Shot]

125 4 1
                                    

Twitter: @Ezraaa16

Youtube: AmericanGhost

Wattpad: @AmericanGhost

☆☆☆☆☆

The names of person, places, and events used in the story is a product of the author's imagination. Any resemblance to real life is purely a coincidence.

☆☆☆☆☆

A/N: Flashbacks po yung scenes between asteris. Yung mga naka-italic.

"Fibiiiiiii~" Ugh.

"Bakit ganon, Perseus. Kapag ikaw ang tumatawag sakin, nakakainis?" Men, realtalk yon.

"Grabe ka naman, Phoebe my loves." Tapos nag-pout pa siya. Kainis! Lagi-lagi na lang siyang naka-buntot sakin. Itong pink-haired guy na matangkad, maputi, matangos ang ilong, tapos ang ganda ng ngiti na kapag ngumingiti eh nawawala ang mata! (Omg, bakit pinupuri ko siya?) na 'to! Simula bata pa lang kami, ganyan na yan. Sabi pa niya, Papakasalan pa raw niya ako. Like duh.  ̄︿ ̄.

"Alam mo, Percy. Mag-aral ka muna, okay? At pwede ba, lubayan mo muna ako. Kahit mga 1 day lang? Try mo."

"Hindi pwede! Baka may mangyaring masama sa'yo. Ayokong mangyari iyon!" Hay. Kailan ba ako titigilan ng mokong na 'to?

Bumalik na lang ako sa klase para maka-iwas sa kanya. Kaso, shet. Kaklase ko pala siya. Kainis!

Lord, please. Kahit one day lang. I'll give everything kahit yung ganda ko. (Lols parang may ganda ako.)

***

Kinabukasan...

Maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit pero parang may kulang. Pag ganitong oras kasi, mag-riring agad ang telepono at automatic nang si Percy iyon. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Ano ka ba naman, Phoebe! Dapat maging masaya ka 'no! Hindi ka na niya kinukulit.

Pumasok agad ako ng school. Bakit ganito? Parang hindi ako sanay. Wala na kasing 'Good morning, Phoebe ko!' Tapos yung pag-kakabigkas pa niya, Fibiiiii. Binatukan ko ang sarili ko. Ano bang nangyayari sa'kin? Nakakapanibago, grabe.

Hanggang sa classroom, wala paring nangungulit sa'kin. Absent siya. Nakakapanibago pala pag wala siya. Naalala ko pa noon...

***

"Phoebe! Bakit parang namumutla ka?" Tanong niya sa akin. Shet lang, ang sakit ng puson ko!

"Ang OA mo, Perseus. Masakit lang ang puson ko." Sabi ko sabay hawak sa puson ko.

"Nako, Phoebe! Tara, dalhin kita sa clinic!" Tapos tumayo siya. Tragis ka, Perseus Serano! May klase kaya!

"Mr. Serano!" Sigaw ni Ma'am English.

"Sorry ma'am! Pero dadalhin ko lang po si Phoebe sa clinic!" Litanya niya. Piste. Kung hindi lang masakit yung puson ko, kanina ko pa 'to sinipa!

"Perseus ano ba-" nagulat ako ng binuhat niya ako. Yung pang bagong kasal.

*Dub dub dub*

Hala, inatake ako ng kalandian, oh no!

"Mamaya ka na mag-ingay, dadalhin na kita sa clinic." Sabi niya sa malambing na boses.

Nakakainis ka, Percy! Nakakainis ka!

***

"Hoy!" Sigaw sa akin ng isang kaklase ko. Ang tagal ko na palang nag de-daydream. Wala na kaming teacher eh!

Recess time. Ang lungkot. Wala kasi akong kaibigan dito sa school, si Percy lang. Wala tuloy akong kasama ngayong recess.

Kumakain ako ng recess ko nang may lumapit sa aking grupo ng mga babae.

"Hoy, Garcia. Umalis ka nga dyan. Kakain kami." Sabi nung maldita 1. Hindi ko lang siya pinansin.

"Aba't! Matigas ka rin ha?!" Tapos hinila ako ng isa sa kanila. Hindi ka takot, Phoebe. Huwag kang papatalo sa kanila!

"Tigas din ng mukha mo no? Dikit ka na nga ng dikit kay Perseus, tapos matapang ka pa." Sabi naman ni maldita 2. Hindi ako nakapag-salita. Perseus...

Nagulat na lang ako ng sabunutan ako ng isa sa kanila. Tapos hinila-hila nila ako. Natumba ako at pinag-sisipa. Shet, ang weak ko. Kaya ko naman sila kung tutuusin eh. Wala lang si Percy na nag-binigay ng courage saking lumaban.

Nagsimula na akong umiyak. Hindi ko pala kayang wala si Percy sa tabi ko.

***

"Hinding-hindi ko iiwan si Phoebe!" Sigaw niya.

"Tss. Para kang tanga, Percy." Natatawa ako sa hitsura niya. Naka-close fist pa siya tapos nasa dibdib niya yung kamay niya.

Lumapit naman siya sa akin. "Ulitin mo nga 'yon, Phoebe."

"Anong ulit ka dyan?"

"Yung pag-tawa mo. Please." Para siyang bata. Pfft. Natawa na naman ako.

"Shet." Tapos bigla niyang tinakpan yung bibig niya. "Sorry. Ang ganda mo kasi." What the ef. Bakit parang nag-iinit yung pisngi ko?

"Phoebe."

"Oh?"

"LOVE KITA, PROMISE!"

***

"Love kita, Promise!"

"Love kita, Promise!"

"Love kita, Promise!"

Mas lalong bumuhos yung luha ko. Lord, sorry po. Mali pala yung sinabi ko. Wag niyo na pong alisin sa buhay ko si Perseus kahit one day. Hindi ko kaya.

"Sinong umaway kay Fibiii ko?" Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Tumingin ako sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Wala kayong karapatang saktan ang Phoebe ko." Tapos binuhat niya ako. Mas lalo pa akong napahagulgol.

Dinala niya ako sa clinic. Pagkalapag na pagkalapag niya sa akin sa kama, pinagsusuntok ko na yung dibdob niya.

"Shet ka! Saan ka ba galing? Sino ba may sabing umabsent kang tanga ka? Hindi mo ba naisip kung ano ang mangyayari sakin pag wala ka? Hindi mo ba naisip kung gaano kita ma-mimiss? Piste ka! Hindi naman totoo yung sinabi kong one day! Joke joke lang yun! Alam mo bang hindi ko kayang wala ka? Alam mo ba yon ha, gago ka? W-wag m-mo nang u-ulitin yun..." Tuloy tuloy kong sabi habang humahagulgol.

Umupo siya sa upuan sa tabi ng kama. Pinahid niya ang luha ko.

"Sorry, Phoebe. Alam mo namang gagawin ko ang gusto mo diba? Gusto ko masaya ka. Sinunod ko lang yung sinabi mo."

"Gago ka din eh n-" pinutol niya yung sinasabi ko nang bigla niya akong halikan. Omgs ang sarap, isa pa. Lols, ang landi ko lang.

"Hindi pa ako tapos. Ginawa ko din yun para ma-realize ko kung magiging masaya ka ba talaga pag nawala ako."

"...Pero alam mo ba, buong araw kitang sinundan. Nung awayin ka ng mga yun kanina, nag-pipigil lang talaga ako kasi alam kong kaya mo sila. Kaso wala kang ginagawa. Hanggang sa narinig kong tinawag mo ko. At alam mo ba, nagpapasalamat ako sa nangyari. Napaamin kita." Sabi niya. Shet. Namumula ba ako? Ang ganda ko pala. *Flips Hair*

"Love kita, Promise!" Sabi niya tapos hinalikan yung noo ko.

"Ano ba, Perseus..."

"Love kita, Promise!" Tapos hinalikan niya yung ilong ko. Putek! Ang sarap mag-wala. Oo, men. Mahal ko nga 'tong mokong na 'to.

"Love kita, Prom-" Pinutol ko na ang sasabihan niya at hinalikan ko na siya. Shet, ang landi ko lang. Lols ano bang care niyo? Akin na siya eh! Hala, possessive din! Bongga!

"Love kita, Promise!" Sabi ko pagkahiwalay ko sa kanya.

☆☆☆☆☆

Ang gwapong-gwapong si Perseus sa multi-media. Omgs, sabog ovaries bi! Vote and comment juseyo~

-Ezra♥

Love Kita, Promise! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon