;𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘭𝘢𝘯

1 0 0
                                    

               Lumipad ako sa ere upang magpahangin at pagmasdan ang maganda na nilikha ng may kapal. Nagpaoasalamat ako sa kanya ng marami dahil binigyan niya ako ng kakayahang gan'to, oonti lamang ang tao na may gan'tong talento. Habang aking pinagmamasdan ang ganda ay umupo ako sa mga ulap.
               
                Napakasarap sa pakiramdam nito, pagkatapos ng mahabang araw ay titingin sa nakakabighaning ganda ng mundo. Ngunit, pagtingin ko sa'king panlaylayan ay may lumilipad din. 'Di gaano kalayuan sa'kin.
               
                 "Paumanhin, may tao ba riyan?" sigaw ko, subalit wala pang sumasagot. Hinanap ko siya nang hinanap ngunit wala pa rin ako makita. "Maaari po ba kayo magpakita?" hiling ko sa tao na nakita ko. 

                 "Hindi ko nais kayo saktan, subalit maaari ko po ba kayo masilayan? Kahit ilang segundo lamang?" wika ko, desperado na'ko makita itong taong ito. At iyon, pagkalingon ko sa'king kanan ay nakita ko siya. Isang napakagandang lalaki, ang kanyang kagwapuhan ay makikita mula sa malayo palang.

                      Bigla akong napatanto, paano siya nagkaroon ng ganong klase ng kakayahan? Nais ko siya tanungin subalit ginugulo ako ng kanyang magagandang tampok, mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang mga bughaw na pakpak. Naroon ako, lumilipad at pinagmamasdan ang kanyang kagandahan di man lang nasabi ang nais kong sabihin nang siya'y biglang umalis. Lumipad siya pababa at palayo sa'kin.

         "Makikita kaya muli kita?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝙆 𝘼 𝙇 𝘼 𝙒 𝘼 𝙆 𝘼 𝙉 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon