"may problema ka ba, Yna?"
Napa lingon ko mula sa aking likuran si Mommy, nasa balcony parin ako habang hawak ang aking notebook at lapis. Inabot nya saakin ang gatas na tinimpla nya at naupo sa kaharap ko.
"Hindi ba maganda pakiramdam mo?" Umiling ako at ngumiti.
"Okay naman po ako, Mommy." I sighed and face her. "where's Dad?" Nag kibit balikat sya. Ibig sabihin hindi na naman ito umuwi. "I.. I see." Pilit na ngumiti ako.
"Workaholic ang Daddy mo, Yna. Ginagawa nya iyon para saatin, para sayo." Napa yuko ako.
"I know. I just.. Miss him." Tumayo ito at nilapitan ako. Hinaplos nya ang buhok ko at iniangat ang tingin sakanya.
"Matulog kana. Lalamigin ka na naman dito." Tumango ako at nauna na itong umalis. I sighed. Napa tingala ako sa kalangitan kung saan nag iisa na naman si Buwan--hindi pala sya nag iisa. Venus never left him. Sadly, I am that venus but my Moon is no longer here.
Maaga akong nagising at nag ayos para sa pag pasok sa school, hindi ko na inenjoy ang umagahan ko dahil medyo inaantok pa ako. Nag paalam na ako kay Mommy at lumabas na ng gate. Hindi pa man ako na kakalayo may naririnig na akong huni ng motor mula sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Reigh na sakay nun.
Napa ikot na lang mata ko at nag patuloy sa pag lalakad. Hindi naman kalayuan ang school sa subdivision namin sadyang hambog lang talaga ang walang kwentang lalaking ito. Halos mapa sigaw ako ng bogla na lang akong harangan nito.
"Ano na naman ba problema mo?" Inis na bulyaw ko sakanya. Umagang umaga sinisira na naman nya ang mood ko. Hindi ko ma klaro ang itsura nito dahil naka suot ito ng helmet. "Bakit pa harang harang ka?" Wala naman itong sinasabi. Naka harang lang sya at ang motor nya sa harap ko.
Hindi ko alam kong ano na naman tumatakbo sa isipan nya siguro nag sawa lang sya at pinasibad na nya ito habang nilalanghap ko naman ang ginawang alikabok ng bwiset na iyon.
"Argh! Bwiset ka talaga!" Padabog na ng lakad na ulit ako. Wala naman akong mapapala kong mag aalburuto na naman ako dun dahil baka malate pa ako dahil sa walang kwentang lalaking iyon.
Walang bago, ganun parin naman ang sasalubong saiyo pag pasok mo pa lang sa classroom. Maingay. Naiiling na lang ako. Hindi ko pa man naabot ang inuupuan ko ay malakas na sinipa ng kung sino man ang pinto kaya lumikha iyon ng malakas na ingay.
"Putangina mo, Reigh!" Sigaw nito.
"Migs." Napa lingon ako kay Pia na puno ng pag aalala ang mukha.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Migs na ikina tahimik ng lahat. Napansin ko si Righ na naka upo lang sa lamesa at parang nang aasar pa itong naka tingin kay Migs. "Girlfriend ko pa talaga ang sinusulot mo ah." Nang gigigil na kinuwelyuhan sya ni Migs. Napasinghap ako at agad naman na umawat ang mga kaklase kong lalaki sa kanila.
"Sisisihin mo ba ako sa katangahang meron ka?" Walang filter na bibig na sabi ni Reigh. Kita ko ang pang gigil ni Migs at humigpit lalo pag kaka hawak sa kwelyo ng uniform nito. "Hindi ko pa naman nililigawan si Sophie." Bigla ay tumingin si Reigh sa direksyon ni Sophie. "Hindi ko alam na kontong landi ko lang sakanya ay mag kakaganito na ka sira ang relasyon nyo---" Malakas na napa singhap ako pati ng mga ka klase ko ng dumapo ang kamao ni Migs sa mukha ni Reigh.
Napa baling ang tingin nito sa direksyon ko. Kita ko ang galit sa mga mata nito. Napa lunok ako at pinilit na alisin ang gulat na bumalandra sa mukha ko pero diko magawa. Gulat ako at yung puso ko sobrang lakas ng tibok. Unti-unting tumutulo na ang dugo mula sa bibig nito. Ngumisi ito na parang wala lang habang naka tingin parin saakin. Sa gulat namin ay mabilis na kinuwelyuhan nya rin si Migs at sinuntok rin iyon.
BINABASA MO ANG
Troublemaker First Love [COMPLETED]
Teen FictionI'm still inlove with my first love.. Secretly loving her is the only thing I could do for now.