Christen - "What's happening?"
I'm still wearing my headphone and the music is still playing when I woke up, tinanggal ko naman Ito agad.
Iniikot ko ang paningin ko at napansin kong wala sila mom dito sa loob ng sasakyan, Gabi na.
"Mom? Where are you?" I shouted. Pero wala akong narinig na sumagot.
"Caden! Dad! Mom! Nasaan kayo?" Sigaw ko ulit.
Bumaba ako ng sasakyan at napansin kong nasa gitna ako ng Highway. Wala akong nakitang kahit ano, maliban sa ilang patak ng pulang likido, sinundan ko ang mga patak hanggang sa likurang parte ng sasakyan.
Nagulat ako kasi nandoon ang dad ko na walang malay, duguan at nakabulagta sa sahig. Agad ko naman siyang nilapitan.
"D-dad? Dad? Wh-What happened? Wake up. Dad!"
Marahan ko rin siyang tinapik sa pisngi niya, nagbabakasakaling magising si dad.
Tumingin ako ulit sa paligid ko at may nakita akong isang lalaki ang naglalakad patalikod, medyo malayo mula sa kinaroroonam namin. I think I can ask that guy for a help.
Tumayo ako at sisimulan ko na sanang maglakad papunta sa nakita kong lalaki ng mapansin ko medyo gumalaw si dad.
"D-dad? Dad! My god, I'm glad your finally awake!"
Isang malaking ngiti ang ginawa ng labi ko. Niyakap ko agad si dad.
"What h-happened dad? Where's mom and Caden?" I said after I hugged dad.
Pero walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya. Tinitigan kong maigi ang mga Mata ni dad kasi nag iiba Ito ng kulay, from black to Grey.
"A-re you okay dad..?"
Sa totoo lang nanginginig na ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari Kay dad.
Nagulat ulit ako ng biglang hawakan ni dad ng mahigpit ang isang braso ko.
"Da-d? M-masakit" ngiwing sabi ko.
Pumikit si dad at..
"K-kill me Christen, ki-kill me!"I Gasp, what's happening to dad? He knows I can't do it. I can't do his request!
"G-get this one Chris, use this."
Inilabas niya ang isang baril mula sa kaliwang kamay niya, h-hindi ko yun napansin kanina?
"no.. NO..! I can't kill you dad..! 'O my, I-I cant believe this."
Naramdaman ko ang kamay ni dad at ang pagpatong niya sa isang kamay ko ang isang mabigat at malamig na bagay, isang Baril.
"Kill me Chris, I don't want to be like them, please.."
Nanlalaki ang mga Mata ko at pinagpipilitang ibaba ang inabot niya sakin pero, pinagpipilitan niya ring Hindi ko mabitawan ang baril.
"D-dad..." Nanghihina ako sa sitwasyon ni dad. Hindi ko Alam ang rason niya kung bakit gusto niyang patayin ko siya. May sugat na nga siya sa binti, tapos gusto niya pang barilin ko siya?
"Dad.. Why? W-WHY?!" I scream, Hindi ko na talaga kaya itong nakikita ko. Alam kong umiiyak na ko.
Napatigil ako sa paghikbi ng marinig kong may papalapit. Lumingon ako at nakita ko si mom. Nakayuko siya at naglalakad ng mabagal, pero Hindi ko yun pinansin at nilapitan siya.
"M-mom? What happened to you? Bakit ang putla mo? Nasaan si Caden? Mom...?"
Hindi ako sinagot ni mom, imbes, luminga-linga siya na parang may hinahanap na kung sino ang nagsalita, gumagalaw din ang Ilong niya na parang may inaamoy..
Lumayo ako Kay mom at bigla siyang tumingin sakin. Napahawak ako sa bibig ko at lalong napaiyak.. S-si mom kasi.. May malaking sugat siya sa leeg na animo'y kinagat ng kung ano, kulay abo narin ang mga Mata ni mom.
Humakbang ako ng dalawang beses patalikod ng maglakad siya papunta sakin. Diretso lang siyang nakatingin sakin at umuungol na parang mabangis na hayop.
Agad naman akong tumingin Kay dad at nakita ko siyang nakatayo na, tumingin din siya sakin at naglakad palapit.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nanlalamig ang buong katawan ko at nanginginig. Napaupo ako ng Hindi ko namamalayan. Bakit ba Ito nangyayari sakin? Anong nangyari sa mga magulang ko?
Napadilat ako ng biglang nahawakan ni mom ang braso ko at akmang kakagatin Ito, tinulak ko si mom at iniwasan si dad na papalapit Sakin. Dumiretso ako sa likod ng sasakyan at kinuha ang baril na inaabot ni dad sakin kanina. Pumasok na ako ng sasakyan at agad na ni Lock ang mga pinto nito.Doon na ako umiyak ng umiyak. Hindi ko na Alam kung ano ang gagawin ko, Hindi ko na alam kung saan ako pupunta at Hindi na rin alam kung Nasaan na ang kapatid ko. Kung, buhay pa ba siya o... Katulad na rin ba siya nila mom at dad.
Napasigaw ako ng kinalampag ni dad ang window shield ng sasakyan. Nabahiran na rin ng dugo ang salamin. Iyak lang ako ng iyak. Pero bigla kong naalala ang request ni dad. "Kill me Chris, I don't want to be like them, please..". Hindi ko naiintindihan kung bakit nia sinabi yon.
Kinuha ko ang baril at tiningnan kung ilan ang laman nitong bala. Isa lang. Hinawakan ko ng maigi ang baril at ikinasa ito. Tiningnan ko ang nasa kanan ng window shield ng sasakyan at.. Po
Tiningnan ko si mom.
" I love you mom" at nilapat ko ang isang palad ko sa salamin pero, kinalampag lang yun ni mom na parang gusto niya akong malapitan. Natatakot ako sa inaasal niya.. Kaya Hindi ko na lang iyon pinansin.
Sinunod ko naman tingnan si Dad na nasa kabilang window shield. Lalo lang akong napaiyak, ganun din ang reaksiyon ni dad. Naglalaway na siya na may kasamang dugo at pumutla na kitang kita ang mga ugat niya sa mukha ngunit hindi ko parin pinansin.
"Mahal kita.. Dad."
Itinutok ko na ang baril sa sentido ko.
God, S-Sana ay mapatawad mo ko.. Sa gagawin ko.
Nang kakalabitin ko na ang trigger ay may nakakasilaw na ilaw ang nahagip ang mga Mata ko. Narinig ko ang malakas na pagbasag ng salamin at naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig ng sasakyan kasabay ng pagkawala ko ng Malay.
*****
I open my eyes and gasp for air. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, buhay naman ako at may naalala ako.. A dream.. That was just a dream! Sobrang saya ko! ang saya saya ko! pero.. Napatingin ako sa paligid ko. N-nasaan ako?
BINABASA MO ANG
Living with the Undead
Mystery / ThrillerAs I walk slowly across the street, I strongly hold my gun. I want to live, I want to survive. But I realize how ironic my life is.. Living with the Undead