CHAPTER 1: Girls POV.

36 2 4
                                    

Ann’s POV

Second Semester ngayon. And I’m a 2nd year College taking up BS Business Administration Major in Business Management. Bongga no??? Gusto ko maging negosyante at ayaw ko maging simpleng employee lang. hahah…

Nakita ko ang BestFriend kong si Ellah yes. With H talaga. Hihihi classmates kami since 1st year high school kaso ngayon year ahead sya sa akin kasi shifter ako dating BS Accountancy and turn to BusMan. Sya Nursing student.

“Ann narinig mo ba yung balita? May transferee daw dito. Galing Manila Medical Center College” sabi sa akin ng bestfriend ko na hindi ko na lang kinibo dahil ang hilig nya boys. As in B O Y S.

Sya kasi CHIX. Sexy, Maputi, pero di katangkadan unlike me. Matangkad ako, Morena, and Chubby.

“Oh tapos? Anong gagawin ko?” Sarkastikong sagot ko.

“Diba dun school ni Carl? Yung kababata mo. Baka knowings niya te”

“Di ako interesado. Tigilan mo ako. Alam ko na yan eh.” Walang ganang sagot ko.

Papunta kaming Canteen ngayon. Vacant ako ng 3 hours. Kaya foodtrip muna. Hihihih.

Habang naka pila kami. May isang lalaking bigla na lang humila sa akin. Unexpected at hindi ko alam kung bakit. Dahil sa kaba ko napasigaw ako at tinakluban naman nung lalaki yung bibig ko. Hindi ko sya Makita kasi nasa likod ko sya at dinala nya ako sa CR ng mga boys.

Sa Loob ng Boy’s Cr

“Ann. Grabe ka naman mag panic.”

“ha? Sino ka ba?” nakatungo kasi ako sabi kasi ng Mama ko wag daw agad titingin sa mata ng ibang tao pero nabosesan ko kaya tumingala ako.

“Anak ng… ikaw lang pala Carl. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo dito? Owver ka naman kasi maka hila kala ko nakidnap na ako.. OWVERRRR”

“HAHAHA gwapo ko no? anong ginagawa ko? Sinamahan ko lang yung mga kaibigan ko. Sinong kasama ko? Si Dave at David friends ko. Sorry naman.. papasama sana kami sayo kasi di ko alam kung san pasikotsikot sito sa school nyo.” Sabi ni Carl habang kamot kamot ang batok nito.

“Hi I’m Dave Rivera” sabi nung lalaking chubby cheeks

“Hi I’m David Alvarez” sabi nung isang kasama nila.

“This is awkward. Alam nyo naman na babae ako diba? Hindi nga lang halata. Pwede ba ilabas nyo na ako dito sa Cr. :3

“ay oo nga pala sensya na ANNtaba..” pang-aasar sa akin ni Carl

Akmang patayo na ako ng maapakan ko yung palda ko that causes me to fall. Akala ko tatama yung ulo ko sa bowl. Kaya pumikit ako ng makaramdam ako na may sumalo sa akin. And what’s next? Pag mulat ko nakadagan na ako dun sa lalaking chubby cheeks and arghhhh… nagka lapat yung lips namin as in magka kiss kami..

“This is more Awkward. Hahahah” sabi ni Carl at ni David

Kaya naman biglang bangon ako. At tinulungan naman tumayo ni David yung Dave. Ewan ko basta may narinig ako na bumulong di ko lang alam kung sino sa dalawa. Paglabas ko ng CR ay tinginan lahat ng tao. Wow na wow instant celebrity haist baka mapa SMU Memes ako :3 syempre para iwas kantyaw tumakbo ako palabas ng Canteen.

Ellah’s POV

Hi I’m Ellah as in with H for short pero My Real name is Elizabeth Louise Lacorte Alvarez yung H keme lang. I’m Ann’s Bestfriend pambato ng College naming for Beauty pagents.. Maputi, Sexy and sakto lang height ko..  

Sinamahan ko si BFF sa Canteen kasi vacant naman kami. Nung nakapila na kami bigla na lang may humila sa kanyang matangkad at chinitong lalaki. I know him. He’s Carl Ann’s EX-Mutual partner landi eh no? but when I look at him he just sign me a silent sign.. yung pang Victoria Court na sign. Hehehe. And hinayaan ko na lang alam ko naming walang masamang mangyayari.

 Nagulat na lang ako ng nahita kong papunta sila sa BOY’S CR… and ang pinaka nilalag ng panga ko? Nung nakita kong kasama ni Carl si David and may kasama silang isa pang lalaki na mejo chubby. Syempre as a friend kinabahan ako. Baka mamaya anuhin nila si Ann. Pero joke. Hahah school to kaya alam kong safe sya.

Matagal din sila sa loob ng CR. Nakakuha na din ako ng food tyaka lang sila lumabas. Ang unang lumabas si Ann patakbo syang lumabas ng CR and the crowd just look at her. Kilala ko si Ann ayaw nya ng na iissue sya dahil iniingatan nya ang reputation nya. Ang Honor nya. Ang image nya.  And I saw her running going outside the canteen I want to run after her. But someone hold my arms. It’s Carl…

The Stupid Princess (True To Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon