Kwarto

255 4 0
                                    

[Patugtugin ang video sa itaas habang ikaw ay nagbabasa...]

(Patnubay sa nagbabasa na ang mga pangalan ay di nila tunay na pangalan para sa dahilan ng praybasi ng mga ito)

Normal na araw, mainit pa ang sikat ng hapon. Nasa sala lang ako at tahimik na naglalaro ng online game. Nasa probinsya kasi ang girlfriend ko, at nandito ako sa Maynila, di ako makapunta sa kanya. May trabaho pa eh.

Nagulat ang lahat nang nagsisisigaw ang sutil kong pamangkin na si Gio.

GUMALAW UNG ANO GUMALAW GUMALAW!!!

Inakyat ng buntis na katulong ang kawarto niya. Ang ingay eh, duwag na duwag.

Kulang sa batang yon ang tatlong plato ng kanin. Wala na nga ako minsan makain.

Umiiyak ang katulong nung bumaba siya at nahimatay ito. Pinagkumpulan namin ang katulong at pinaypayan. Ang putla ng labi nito.

Hinintay namin siyang makabangon uli.

"Maiitim...

pula ang mata...

nakatingin siya sakin at ngumiti...

babaeng maitim...

at nakaitim...

pula ang mata...

NAKATINGIN SIYA SAKIN AT NGUMITI..."

Umiiyak siya.

Sinubukan naming tignan ang kwarto kung saan sinasabi ni Gio na may gumalaw. Ang kwento nito, ung imahe sa may altar ay gumalaw daw.

Pagtingin naman namin at pagusisa sa buong kwarto, maayos at nakabalik naman sa dati ang imahe at wala namang kakaiba sa kwarto. Sira ulo talaga tong mokong to at pinagloloko ata kami. Mag-kaiba naman sila ng kwento ng katulong.

Kaso...

Pagdaan ko sa kaliwa ng imahe, malamig ang parteng iyon. Eh ang init-init ng panahon...tirik pa ang araw...

Paano naging malamig doon?

Nagtaasan ang balahibo ko.

Wala nakong third eye. Matagal na atang nagsara eh. Bata pa ako nung sinasapian ako ng multo. Doon sa third floor ng apartment namin. Kitang-kita pa namin non ng ate ko at pinsan namin ung dumaan na babaeng nakaputi sa labas...eh...wala namang apakan doon at kami lang ang nasa third floor. Palagi pa raw akong nakikita ni mama noon na nakaupo sa may siwang ng bintana sa thirdfloor, gawa ito sa bakal at tulog daw akong naka-upo doon. Buti at hindi ako nahuhulog. Pero ngayong matanda na ako dito naman sa bahay ni lola, isang araw na paakyat ako sa may hagdan at may nakita akong puting usok na pormang bata na naglalaro at tumatakbo pababa sa hagdan at dinaanan ako.

Di kaya, bukas pa ang third eye ko?

Dahil wala naman kaming nakikita tulad nung nakita ng katulong, at di naman gumalaw ang imahe. Hinayaan na namin.

Pero bago kami lumabas ng kwarto...nakita ng mga mata ko.

Unti...unting...umikot ang imahe ng santo niño pakaliwa... kung saan ko naramdaman ung malamig na hangin.

Nagsipagtakbuhan kami pababa dahil parehas namin nakita yon ni auntie.

Kinabukasan, pinautos ni auntie na idonate sa simbahan ang imahe. Pinauwi rin ang katulong na buntis sa probinsya at baka madisgrasya pa sa trauma na naranasan.

Wala na akong balita sa kung anong nangyari sa imahe.

Ikatlong MataWhere stories live. Discover now