Apartment

153 2 2
                                    

[Pakitugtog po ang musika sa itaas]

Masama talaga ang pakiramdam ko at namimilipit ang tiyan ko sa sakit. Nagdidismenorhea na naman ako. Kakababa ko lang ng video call namin ni Ren.

Wala akong ganang maglaro ngayon ng WOR. Nakakasawa na minsan. Kung di lang ako GL at top player, iqquit ko na ito eh. Kaso ang dami ko ng nagastos dito, sayang naman ang ginastos ko. Si sis A naman kasi iniwan ako. Puro lalake na lang naiwan sa server namin.

Matutulog na muna sana ako kaso may naramdaman ako.

Madilim ang kwarto at wala pa ang pinsan ko na pumapasok sa hospital. Salisihan kami kasi ang pasok ko sa IT company, simula alas otso ng gabi hanggang alas cinco ng umaga. Pero wala akong pasok ngayon. Kaya gabi ako nandito sa apartment.

Ayoko isipin na tama ang nararamdaman ko pero...

Hindi ako makagalaw.

May gumagapang sa kama ko...sa itaas ko!

Hindi ako makagalaw naiiyak ako. Pumikit ako at nagdasal ako.

"Umalis ka na dito...mawala ka na....in Jesus name"

Umalis ka na please.

Naririnig ko ang boses ko kaya hindi ito panaginip.

Nararamdaman ko ang bigat niya. Maitim siya...

Umiiyak na ako sa takot.

Tinawagan ko agad si mama. Hindi ko na kaya. Aalis na ako dito sa apartment. Sabi ko ibenta na lang nila ito. Lilipat ako ng ibang tirahan. Agad-agad lumuwas sila mama mula Pangasinan hanggang dito sa QC.

Pinuntahan ko agad ung pinsan ko sa hospital kung saan siya pumapasok. Hindi ko kayang magstay doon! Umalis ako agad ng maramdaman kong wala na siya.

Nanginginig pa rin ako sa takot.

Nagchat ako kay sis A. 2:45 a.m.

"Sis huhu..."

(Itong mga mensahe ay kuha mula kay Sis A)

(Itong mga mensahe ay kuha mula kay Sis A)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikatlong MataWhere stories live. Discover now