Uno

1 0 0
                                    

I used to love dogs. Halos lahat ng asong nakikita ko ay nilalapitan ko ito pero noong nakagat ako ng aso ng kaklase ko ay halos hindi na ako makatingin sa isang aso. Takot na takot ako lalo na at hindi lang isang beses akong nakagat, tatlong beses pa.

It was so painful at ayaw ko ng maalala iyong mga araw na umiiyak ako dahil lang sa aso, pero yung totoo hindi naman dahil lang sa aso. Ang mga magulang ko ay walang pakialam sa akin at yun yung mas masakit at yun ang tunay kong dahilan kung bakit ako umiiyak. They don't care about what will happen to me and what happened to me. The will just send me to a hospital with my Yaya and then just it. No comforting words and no kisses to ease my pain.

Kinuwa pa nila sa akin ang isang taong nag-aalala at nagmamahal sa akin. They sent Rhegen to Australia para mag-aral doon. Naiwan ako sa Pilipinas mag-isa at walang nagmamahal. Ngayon nandito na ako sa Bangal, isang probinsya na hindi ko alam na nag-eexist pala. This province is like heaven. Too peaceful and too lonely.

Nasa labas na ako ng bahay at hinihintay si Vixon. Umalis pa kasi upang magpagasolina habang kumakain pa ako. Kaya't hinihintay ko siya sa labas ng bahay. Nakatanaw si Lola sa terrace sa second Floor. Kumakaway siya sa akin habang nakasakay sa wheelchair niya. Nasa likod niya ang babaeng Nurse na kinuwa ni Tita Danica. Kahit na nasa second floor siya ay tanaw ko pa din ang mapuputi niya ng buhok. Matanda na nga si Lola at kulubot na ang kanyang mukha. Maputla at payat na.

Kahit na tumanda na siya ay halata pa rin na maganda siya noong bata pa siya. I can see the white pearls in her ears. She's beautiful. Lola can't speak because of a trauma. Simula noong namatay si Lolo ay hindi na siya nagsasalita.

I waved at Lola at sinenyasan ang Nurse na papasukin na si Lola sa loob ng bahay.

Si Tita Danica ay nasa loob ng bahay kumakain. Noodles lang ang kinain ko at nagpaalam na sa kanya dahil ayaw kong ma-late sa unang araw ng klase.

Tinalikuran ko ang bahay namin at tumambad sa akin ang tahimik na paligid. Tapat ng bahay namin ay isang plain green fields. May mga hayop sa paligid nito. There are chickens, cows, goat, and horses. Pakalat kalat lang sila.

Malamig pa rin kahit na 6:50 na. Suot ko na ang uniform ng eskwelahan na papasukan ko. The light green skirt is fitted hanggang sa taas ng tuhod ko. The white blouse with a light green necktie is so perfect. I love the uniform because it looks good on me.

Kumpara sa dating uniform ko ay mas gusto ko ito. Decent and beautiful. Tumingin ako sa school shoes ko, it's beautiful pero medyo malaki sa akin dahil hindi ako ang pumili nito. Vinxon bought my school shoes, kaya medyo mahaba. Kung may oras ay pupunta na lang siguro ako ng Mall at bibili ng mas komportableng sapatos.

Napatingin ako sa aking harapan. A black Jeep Wrangler is shining brightly under the morning sun. This is not Vixon's car. 

What is he doing here? His hair is messy but he still looks good. Ang uniporme ng San Bangal Academy ay bagay na bagay sa kanya. He looks so hot sitting in the driver seat. Ang mga malalalim niyang mata ay nakatingin sa akin.

"What are you--"

"Vixons said th--"

Tumaas ang mga kilay niya dahil sabay pa kaming nagsalita. Napakurap ako dahil hindi ko inaasahan na magsasabay kaming magsalita. His face shouldn't be here because his face is screaming that he is so damn handsome. 

Nalabhan ko na ang Jacket niya ngunit hindi ko ito dala ngayon. Plano ko sanang si Vixon na lang ang magbibigay sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya kahit nahihiya ako. "Ah. Ako na lang ang mauunang magsalita?"

Ngumisi siya. This guy is so damn gorgeous! Paano siya nabubuhay ng may ganyang mukha? Kung ako ang nanay niya ay hindi ko na ito palalabasin ng bahay dahil alam kung dudumugin lang ito ng mga kababaihan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to Let Go Cedric FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon