CM#21

387 7 0
                                    

Nakangiting ibinaba ko ang cellphone ko sa gilid nang kama ko kung saan nakaupo ako at nakasandal sa unan na nasa likod ko.

'Sa wakas, nasabi ko na sa kanyang mahal ko siya, at matagal na.' na sabi ko nalang sa utak ko.

"Tanga! Anong sinabi?! Naichat mo lang kaya sa kanya!" biglaang sigaw ko! "Tsk. Ang hina ko!" hindi ko alam kung anong lakas pa nang loob ang magagawa ko kapag nagkaharap na kaming dalawa.

Habang nag-iisip ay hinahayaan kong maglaro ang paa ko na naggegewang gewang. Iniimagin ko nalang na siya yung isa kong paa at ako naman yung kabila, sabay kaming dalawang sumasayaw sa isang magandang lugar....

I M A G I N A T I O N . . .

Sa di kalayuan ay natatanaw ko na agad ang magaganda nyang mga mata, syempre nagsuot muna ako nang salamin ko sa mata. Mas lalo kasing lumiliwanag ang mundo ko kapag suot ko ang salamin ko e. Pero si JM lang ang mundo ko! Ayieeee! ^___^ <3

Ang gwapo gwapo nya! Mas lalo siyang gumawapo sa paningin ko sa suot nyang simple pero bumagay sa katawan nya. T-shirt na pink, pantalon at rubber shoes na pink. Ang layo layo nya pa pero naaamoy ko na ang hininga nya sa bibig ko. Ang bango bango din nang katawan niya, feeling ko nakayakap na siya agad sakin.
Hanggang sa naramdaman kong nasa harap ko na sya, kaya naman unti unti ko nang binuksan ang mga mata ko mula sa pagkakapikit.

'Tadaaaa!'

"Aba, Emy! Kanina pa ko dito! Nakakailang tawag nako sayo. Emy ako nang Emy, aba'y nakapikit ka pa din!?"

'Yan si Emman, kakambal ko.'

"May payakap yakap kapa sa panda mo, ano bang nangyayari sayo?!"

'Lagi siyang ganyan, OA na nga minsan e.'

"Siguro nag-de-daydreaming ka na naman nu?" OA talaga to sa lahat!

"Fyi. Hindi ako nananaginip nu! Tsk!" pagkasabi ko nun sa kanya ay inirapan ko siya agad.

"Yan! Dyan ka magaling sa katarayan mo! Kaya pati yang sakit mo ayaw kang iwan. Sabagay iyan lang naman ang nagmamahal sayo nang to-to-o!"

"SHUT UP! TWINNIE!" nakakainis na talaga siya. Hindi man lang nya inisip ang mararamdaman ko sa sinabi niya! Pero nginisihan lang nya ako at pinagkrusan nang braso niya. "Bumangon kana dyan. Nandyan na yung magsusukat nang susuotin natin sa Sunday. Tapos na ko, ikaw naman." pero sinipa ko lang siya. Yung katamtamang lakas lang para makaramdam siya nang sakit. "Ano ba?!" sigaw niya.

"Okay na? O may ihahabol kapang pang-aasar mo ha?! Sige na umalis kana dito sa kwarto ko at naiinis ako sa pagmumukha mo!" sigaw ko sa kanya habang pinagsisipa siya.

"Wow!" napatakip siya sa bibig niya, namangha. "Sa mukha ko pa talaga, twinnie, ha? Hahaha!" pero inismiran ko lang siya.

Lumapit na naman sya sa pwesto ko, panigurado mang-aasar na naman to! Kaya tinignan ko siya nang masamang masama, tanda na pinagbabantaan ko ang paglapit niya. Agad naman nyang itinaas sa ere ang dalawa niyang kamay na tanda nang pagsuko niya. Pero masyado kong kilala ang kakambal ko na to, hindi niya ako maloloko!

"Ipapakilala kita sa mga tropa ko sa Sunday. Kaya kailangan mong maging mas maganda pa okay?" nakangiting inilapit nya sakin ang kanyang mukha para lang halikan ako sa noo ko. "I love you, twinnie! Magpagaling kana, okay?" bulong niya sakin pagkatapos nya akong halikan sa noo. At wala sa sariling napatungo naman ako sa sinabi niya.

Kahit ganyan yang kakambal ko, na mapang-asar at lagi akong pinagtri-tripan. Alam kong mahal na mahal niya ako. Mahal ako nang pamilya ko at alam ko yun.

Tanging si JM nalang ang hinihintay kong mahalin din ako.

#familyislove

Chat MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon