CHAPTER 22

160 41 0
                                    

ALLYSSON'S POV

Paggising ko ay tanging ang aksidenteng iyon lamang ang naalala ko. Aksidente kung saan ipinagkaluno ako ng taong mahal ko. Wala akong maalala kaya lubos akong nagpapasalamat kay Mr. Troy Dela Torre ang aking ama dahil siya ang nagkwento sa akin ng lahat. Lahat ng hirap na pinagdaanan niya ng iwan siya ng aking ina at kung paano ako inilayo nito sa kanya.

Nakalimutan ko man kung paano kami nagsimula nung lalaking iyon pero hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya ako ipinagkaluno.

Marahas akong napakapit sa dibdib ko nang muli akong makaramdam ng sakit mula roon. Hindi ko alam pero sa twing naaalala ko ang aksidenteng iyon 5 years ago ay walang araw na hindi ako nakaramdam ng sakit.

Matapos ang matagal na panahon na paghihintay at pagpaplano ay sa wakas dumating nadin ang tamang araw. Magagantihan nadin namin ni papà ang pamilyang iyon, at ang lahat ng hahadlang sa aming plano ay mamamatay. Buo na ang plano namin at walang sino man ang makakapigil sa amin.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsilyo na nasa kamay ko.

Hindi lingid sa kaalaman ko na namatay na si Dylan matapos ang insidenteng iyon, mabuti nga sa kanya pero hindi pa ako kuntento dahil hindi pa ako nakakaganti. At lalong lumaki ang galit ko sa kanila nang sabihin sa akin ni papà na malaki ang utang ng lolo nila sa kaniya dahil inagaw nito ang taong pinakamamahal niya noong sila ay mga bata pa, si Luseta.

Masyado ng maraming utang sa amin ang mga taong iyon at ngayon ay kailangan nilang pagbayaran ang lahat ng iyon, nadagdagan pa ngayon dahil sa pagpapahiya nila sa kapatid ko.

Masama kong tiningnan ang kutsilyo na hawak ko at ibinato sa pinto.

Nanlaki ang mga mata ko ngunit hindi iyon nagtagal. Napaayos ako at napalundag sa pagkakaupo ko sa lamesa ng makita ko ang aking ama na nakasandal sa hamba nito. Tumayo ako at tiningnan siya, hithit niya ang paborito niyang sigarilyo ilang sentimetro ang layo sa kutsilyo na ibinato ko kanina.

"Mukhang may galit ka ata, Ally" usal niya. "Ano ang bumabagabag sa iyo?" Dugtong niya pa.

Matiim ko lang siyang tiningnan sa mga mata.

"Nadagdagan nanaman ang atraso nila sa kapatid ko. Mukhang pati ang mga pakielamera na iyon ay makakatikim na sa atin" sabi ko sa kanya. Iniyukom ko ang kamao ko sa galit.

Bumaba ang tingin niya sa nakakuyom kong kamao. Makalipas ang ilang sigundo ay nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos ay nagpakawala siya ng nakakalokong ngiti.

"May naisip na pala akong plano papà" sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Spill" sabi niya.

Nginitian ko siya at ngiti lang din ang iginanti niya ng sabihin ko sa kanya ang plano ko. Papahirapan ko na muna kayong lahat bago ko kayo papatayin.

***

ASHLEY'S POV

Pagpasok ko sa gate ng eskwelahan ay halos masuka ako sa tanawin na bumungad sa akin.

May dalawang linta na pinaglihi sa higad lang naman ang naghahalikan, kulang nalang ay gawing hotel itong corridor ng eskwelahan.

Napahinto naman sila sa kababalaghan na ginagawa nila ng maramdaman nila ang presensya ko, aba! marunong din palang mahiya ang mga kulugo na 'to.

Binalingan niya ako ng tingin at tinaasan ng kilay na mukhang tatak ng nike.

"Why are you tingin-tingin at us?" Nakataas ang logo ng nike na sabi niya. Aba! Ang kapal ng mukha na tarayan ako. Gusto yata niyang makatikim nuli sa akin.

Secret Agent (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon