SALAMAT part2

24 2 1
                                    

Nagulat siya ng inabot ko ang regalo ko na staff toy para sakaniya at ang unan at meron pa ako huling binigay at ang pinaka sopresa ko sa kaniya ay ang singsing na may kasamang pangako ko na ang sing sing nayun ang mag papatibay at mag papatunay na mas mamahalin ko siya at di ko na hahayaan na masaktan pa muli.

Niyakap niya ako muli ng mahigpit na mahigpit at halos ilang oras din ako sa bahay niya bago ako umuwi. At habang nandun ako ay nakuwento niya sakin na ang x daw niya ay gusto dawvsiya balikan at kinukulit siya sa fb. Wala silang anak at di sila kasal. Nag live in daw sila dati kasi dati pa daw niya bf un. Ung daw kasi ang first bf niya at may nalaman pa ako na mas lalo nag palakas ng loob ko para ipag laban siya dahil mag pinsan daw sila kaya din daw nandito sila sa manila dahil para mag tago sa family nila. At sabe niya noon sakin.

Ming: ikaw lang ang lalake na nag palakas ng loob ko ng ganto. Kasi mula dati walang gumawa sakin ng ganto. At matagal na akong niloloko nung x ko na un pero di ko maiwan dahil natatakit ako maiwan. Pero nung dumating ka lumakas ang loob ko. Nabuhayan ako at nagising. Maraming salamat sayo jun. (0sabay ngiti niya sa mga labi)

At siyempre ako ay bigla napa ngiti na din dahil sa sobrang tuwa ng naramdaman ko. Ang sarap sa feeling ng alam mong may tao na nakakakita ng halaga mo. Dahil minsan na din ako mag mahal pero di nagtagal dahil di pinaglaban at di pinahalagahan.

Habang naka tingin ako sa mga mata niya noon ay napa sabi ako sacsarili ko na siya na kaya? Siya na ang babae na mamahalin ko habang buhay. At bigla din ako napa dasal at ang sabi kom lord sana kung siya na nga ang para sakin ay sana di na siya mawala pa sakin.

At di ko namalayan ang oras ay 10 pm na pala kaya umuwi na ako ng mga orras na un at hinatid niya ako sa pinto ng bahay niya. Umuwi na nga ako samin nun ng sobrang tuwa dahil napasaya ko ung tao na nag bibigdahilan para sumaya ako.

Kinabukasan nun sa umaga lage ko tinitignan una ang akin cell phone dahil inaabangan ko ang chat niya. At mula nga noon ay lage na ako nakakatangap ng good morning mula sa kaniya. Ang sarap gumising sa umaga na may nag good morning sayo. Ang sarap simulan ang umaga na nag mamahal ka.

At lumipas ang 3 buan na sobrang sweet namin sa isat isa. Palage kame lumalabas sa tuwing day off namin at lage kame magka usap sa cell phone at niya ako pinapaalalahanan na lage ako mag iingat sa aking trabaho.

Hangang sa isang araw ay biglang tumunog ang kaniya cell phone habang nasa bahay niya ako para sunduin ko siya dahil lalabas kame nong mga oras na un at nasa cr na siya noon ng biglang tumunog cell phone niya. At nung aking tignan ay may nag chat. Jeff message from messenger.

Bigla ako kinabahan at natakot kasi ayaw kong mawala pa siya sakin. Nung buksan ko ang message.

Jeff: hello bheb miss na kita. Bakit di kana nag rereply?

At nung nabasa ko na ay bigla ako naka hinga ng maluwag kasi may tiwala ako sa gf ko. Alam kong mahal ako ni ming. Saka ang sabe ng jeff ay di na nag rereply sakaniya ang gf ko kaya naging komportable ako. Kaya ang ginawa ko ay sinigawan ko siya non para sabihin na may nag chat sa kaniya at jeff ang pangalan.

Ako: hon may nag chat sayo. Jeff ung name.
Ming: ah sige hon hayaan mo yan. Diyan mo lang phone ko.

At nung lubas siya ng cr ay agad agad niya pinuntahan ang cp niya para basahin ang chat. At bigla siya napa tingin sakin. Sa isip ko siguro inisip din niya kung ano reaction ko sa binasa ko ang message nung nag chat sa kaniya. Pero wala ako reaction nun kasi nga may tiwala ako sa kaniya alam kong ako lang mahal niya.

At lumipas ang ilang araw lang ay naka basa ako ng chat ulit sa kaniya mula kay jeff.

Jeff: bheb pauwi na ako kaen kana huh. Ingats ka diyan.

Ang don mula sa araw na un ako ay bigla na ako natakot. Kasi bakit nag chachat narin sa kaniya ung lalake na un kung wala lang sila? Kaya ang ginawa ko ay kinausap ko siya kung sino ba talaga ung lalake na un. Habang nasa bahay niya kame.

Ako: hon sino ba ung jeff? Bakit ganun makapag chat sayo? (sabay lungkot ng muka)
Ming: hon wala lang yan. Dati ko pang manliligaw yan bago ka manligaw. Di ko siya malayuan kasi ayaw ko makasakit ng iba.

At bigla ako napa isip. Ibig sabihin manliligaw parin niya ung lalaje habang kame. "girls" masakit un. Ang sakit noon kasi ano pa ang silbe ko kung tayo nga pero may manliligaw ka na ibam parang pinag sabay mo na din kame non. At kaya mula noon napatahimik na lang ako at di na kumibo kasi ayaw ko na lang na masaktan. At napansi niya ang pag ugali ko na ganun habang kumakaen kame sa labas ay bigla siya nag salita.

Ming: huy hon. Kanina kapa ganyan. Bakit ang hamik mo? Iniisp mo ba ung jeff na un? Wag ka mag alala ikaw lang mahal ko.
Ako: ah hon wala to. Hayaan mo na tom medyo sumama lang ung pakiramdam ko.

Ang buong araw na un naging tahimik ako. Di ako kumibo at hangang sa naka uwi na kame.

Lumipas pa ang ilang araw. Pinatawag ako ng boss ko sa trabaho at nasabihan ako na pumunta ng office asap.
Kaya ako ay dalidali na pumunta at pag dating ko ay kinausap ako ng boss ko na ako daw ay ipapadala sa bagio para doon humawak office namin at magiging stay in ako doon.

Boss: ow papayag kaba na punta ka bagio? Ikaw lang kasi puwede ko padala doon dahil wala naman ako puwede ibang pagka tiwalaan dito sa office para humawak sa office natin doon. Taasan ko suheldo mo at sagot ko kuwarto at foods mo doon. Tulungan mo ako kahit ilang buan lang.

Kaya ako naman ay biglang napa oo dahil marame din naman ako utang na loob sa boss ko at dahil mabaet din naman siya sakin.

Boss: ow sige this week papadala na kita doon huh kasi buo na office natin don at ikaw nalang hinihintay doon saka ung stock natin at saka may mga tao na din doon.

Nagulat nga ako dahil biglaan ang pag punta ko sa bagio. Kaya ang ginawa ko agad pag alis ko sa office ay pumunta ako sa bahay ng gf ko. Para mag paalam at sahin sa kaniya kung ano gagawin ko at kung saan ako pupunta.

Ngutin di siya pumapayag dahil bakit kailangan ko pa daw lumayo? At sino na lang daw kasama niya doon kapag umalis ako. Pero kahit anong pigil niya ay wala siya nagawa dahil naka oo na ako sa boss ko at para sa future naman namin un kaya ako pupunta sa bagio.

At naka alis na nga ako pa puntang bagio. Nag paalam ako sa kaniya at sabe ko babalik ako at uuwi ako tuwing weekend para magka sama naman kame ay ganun na nga ang nagyari samin nung unang lingo ko dun sa bagio. Ngunit isang gabe di ko siya maka usap. Di ko siya matawagan

Nag riring ang phone niya pero wala na sumasagot. Friday ng gabe yon at kinabukasan ang uwi ko.
Kaya pag uwi na pag uwi ko sa manila ay sa bahay niya ako tumuloy. Di ko alam kung bakit gustong gusto ko siya makita agad. Kadalasan kasi kapag galing ko work ay sa bahay muna ang deretso ko sabay na pupunta na lang ako sa bahy niya pag ka uwi ko. Pero nung mga oras na un ay gusto ko pumunta agad sa bahay niya. . .

. . . . . . . .
Nxt part po neto ay last na. Ending na. At sana po nagugustahan nyo ang kuwento. 😊

SALAMAT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon