Marifeliz or EM's Point of view
Nakaupo ang lahat sa kani kanilang upuan, hindi man masiyadong maingay pero halata sa mga mukha nila na sila ay Physically present pero Mentally absent. Ang iba ay nagbabasa pa ng wattpad sa knilang cellphone, lalo na sina Raj, Ira, Lin at si Althea na nasa medyo kalapit na pwesto ko lang except si Lin at Raj na medyo nasa harapan naka upo, nakaupo kasi ako sa likod. Ang iba naman ay naka headset, sila Blessilda, Zachrie, Janedelle at Ericka. Ang iba naman palihim na nag ce-cellphone na tila ba may ka-text, sila Jonalyn, Zelwyn, Mae, Maylene, Nicole Ashley, at si Lady. Ang mga lalaki naman nagdadaldalan, mangilan ngilan lang talaga sa section namin ang medyo nakikinig at isa na doon ang mga top students na sina Eunice, Clarivelle, Heizel, Zxcy (Pronounced as Zeksi), Daniel, Allyana, Jan Levi at Angelika. Ang iba naman ay tahimik nga pero ang utak naman ay lumilipad sa Outer Space. All in all, 41 kami sa section.
"Okay class, bukas na ang araw ng camping nakapaghanda na ba kayo ng inyong mga dadalhin? Ipapaalala ko lang sa inyo na hindi kayo pe-pwedeng gumamit o magdala ng mga gadgets ninyo, dahil walang signal doon."Napa ungol sa inis ang mga kaklase ko ng malamang bawal magdala ng gadgets. Nakakainis nga naman kasi, parang ang boring doon.
Section lang namin ang mag ca-camping doon, parang ang nayayari eh punishment sa amin dahil sa mga ginagawa naming kabalbalan at sa mga kalokohan namin. Ang section namin ay ang pinaka kinaayawan na section ng lahat dahil maiingay kami at lagi kaming nasasangkot sa gulo, kinaayawan man kinatatakutan din ng lahat ng kapwa namin estudyante, sabi ko nga lagi kaming nasasangkot sa gulo. Ang section namin ay parang isang Gang na kinatatakutan yun nga yata ang tawag nila sa amin, akala yata nila ay isa kaming Gang na laging naghahanap ng gulo kaya iwas sila sa amin.
Tinatawag ang section namin na Devil's Section, sabi nila It suits us daw. Totoo naman, we are Devils wearing a fake Halo.
"Sigurado akong ang boring doon."sa isip isip ko at napabuntong hininga na lamang.
"Ang wait! There's more kids, I will not be with you in that place, I will be leaving all of you so that you can and will learn how to stand by yourselves without needing anyone."Nagsigawan ang mga kakle ko sa tuwa dahil hindi namin kasama ang aming guro sa camping. Ang nasa isip siguro nila ay walang magbabawal, Freedom kumbaga.
"For how many day?"Tanong ni Eunice.
"Until we're satisfied,"sagot naman ng aming guro. So it means walang exact date kung kailan kami makakauwi ganon? Well, on the other hand it was a good thing because we will not be having a class and boring lectures but wala namang gadgets! It will be kinda boring. Well, that's if kung walang mangyayaring something amusing.
"Are you sure we will not die there?"tanong ko naman. Hindi pa kasi talaga namin alam kung saang lugar kami pupunta, malay mo sa isang lugar na walang kuryente at malayo sa kinagisnan namin at panno rin kung pahirapan kumuha ng paghkain at tubig? We will die from starvation and dehydration, tamad pa naman ako.
"Ofcourse, all your needs are already prepared. Lahat meron na doon, even incase of emergencies. Do you guys wanna know kung saan gaganapin ang camp?"tanong ng teacher namin tapos tumalikod siya at nag sulat sa board.
"Isla Morte,"pagbabasa ni Blessilda doon sa isinulat ng teacher namin.
"Yes, you read it right. Dito gaganapin yung camping niyo sa isang Private Island na kayong 41 lang, may malaking rest house doon na may taas na 3rd floor at kasiyang kasya kayo tag iisang kwarto pa. So any more questions?"
"Anong oras darating ang bus na susundo sa amin bukas?"tanong ni Clarivelle.
"Basta 5 in the morning dapat nandito na kayo sa school or else maiiwan kayo,"sabi nung teacher namin at tumayo na siya sabay kuha ng bag and then pak! Walk out.