2. 1st poem

200 6 0
                                    

Rodney's point of view

Lahat kami ay tahimik lang, tahimik at nag iisip kung sino ang gumawa nito o kung nagpakamatay ba siya, pero bakit?

"WALA BA KAYONG GAGAWIN?!"aligagang sigaw ni Lea sabay hagulgol.

Doon lang ako bumalik sa ulirat ko, walang magagawa at wala kaming malalaman kung tutunganga lang kami dito at titignan ang bangkay niya, mabilis akong pumunta doon at tinakpan ng kumot ang bangkay ni Angelina pero bago yun ay may napansin akong isang papel, kinuha ko yun.

"G-guys, may papel,"sabi ko sabay pakita sakanila ang hawak ko.

"Find who's killing
So the blood will stop dripping
You're not free
So be prepared for my killing spree

Play my guessing game
And know my name
I am your friend
That will cause your life to an end

In this game I make the rule,

Never ever be a fool,"pagbabasa ko ng nakasulat.

Iisa lang ang ibigsabihin ng sulat na ito, isa sa amin ang killer, isa sa amin ang pumapatay.

I am your friend.

"Is this some kind of a sick prank?! Joke lang to diba? Nasa wow mali tayo?"sabi ni Ira at nag peke ng tawa.

"Guys this is not a good joke!"sabi ni Eunice.

"Pero sana joke nga lang to, pero wala ng pulso si Angelina!"iyak ni Blesilda.

"We're going to find that killer!"sabi ni Zach.

"Guys... L-look...."nanginginig na tinuro ni Mae ang isang pader, pader na may nakadikit na papel.

'R'

***

LA MORTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon