KUNG AKO NALANG SANA

1.7K 7 0
                                    

Mataas na ang araw at hindi pa rin bumabangon sa kama nya si Arthur. Palibhasa’y puyat sa paglalasing kagabi kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagpunta sila sa isang bar sa Makati. Alam niya sa sarili nyang hindi nya kayang uminom ng alak dahil di naman talaga siya sanay uminom nguni’t naglasing pa rin sya dahil sa akala nya’y matatakasan nya ang kanyang problema sa pamamagitan ng paglalasing. Kahit alam nya sa sarili na hindi alak ang sagot sa kanyang problema, ay wala syang pakialam at hindi nagpapigil sa pag-inom. Hindi rin naman nagtagal ay halos di na makalakad at makapagsalita ng maayos si Arthur dala na rin ng sobrang kalasingan. Ipinahatid na sya ng mga kaibigan, kahit ayaw pa ni Arthur na paawat sa pag-inom. Si Marvin ang naghatid sa kanya sa bahay, halos humandusay at di nya kayanin ang paglalakad. Si Marvin ang bestfriend nya simula pa ng high school sila. Kasama sa mga kalokohan, kadamay sa mga problema at ang tanging taong nakakaintindi ng lahat ng kanyang pinagdadaanan ngayon.

Bago pa man sila makarating sa kwarto ni Arthur ay sa banyo muna sila dumiretso dahil nasusuka ang huli. Buti na lamang ay umabot si Arthur sa banyo upang mailabas nyang lahat ng isinuka nya sa toilet bowl dahil di na talaga kinaya ng huli kahit ang tumayo, kaya’t imbis na sa sink ay sa toilet bowl na sumuka si Arthur. Pagkatapos sumuka ni Arthur ay pinagmumog muna sya ng kaibigan ng isang basong Listerine, pagkatapos ay binigyan sya ng isang basong tubig ni Marvin upang maalis ang matapang na lasa ng pangmumog na kemikal. Halos buhatin ni Marvin ang kaibigan upang itapat sa dutsa para maibsan ang pagkalasing ng kaibigan. Medyo nawala nga ang pagkalasing ni Arthur at medyo nahimasmasan. Sa banyo pa lamang ay pinalitan na ng damit ni Marvin ang kaibigan, sya na rin ang naghubad ng basang damit ni Arthur. Pagkatapos ay inalalayan nya ang kaibigan sa kama, dala na rin ng sobrang antok at epekto ng alak ay agad nakatulog si Arthur. Lumabas ng kwarto si Marvin at nasalubong si Yaya Doring sa sala at nagbilin na lang para sa kaibigan.

“Sabi ko naman sa ‘yo Marvin, ako na ang bahala dyan sa kaibigan mo” si Yaya Doring.

“Naku, Yaya, nakakahiya naman sa inyo, masyado ng late at inabala ka pa ng alaga mo. Don’t worry, ayos lang sa akin yun, sanay na ako sa alaga mong pasaway” tugon ni Marvin habang palabas ng bahay ng kaibigan.

“Ano na naman ba ang problema ng batang iyan, hindi na kasi nagsasabi si Arthur sa akin e. Mukhang problemang pag-ibig na naman ata yan a, kasi last time na naglasing yang batang yan, ang alam ko ay broken hearted siya.” Pag uusisa ni Yaya Doring.

Natawa na lamang si Marvin. At pabulong na sinabi sa yaya ng kaibigan.

“Sa atin 2 na lang ito Yaya ha, oo, broken hearted na naman ang alaga mo. Kaya ikaw na ang bahala sa pasaway kong kaibigan, tiyak pakiramdam na naman nya ay sya na ang pinaka kawawang nilalang sa mundo.” Anas ni Marvin

“Baka bumalik din ako tomorrow Yaya, so I could check on him and cheer him up. Alam mo naman yang alaga mo, kulang sa pansin! Baka kung ano pa ang maisipang gawin. Remember last time, muntik na tayong maglamay” pabirong sunod ni Marvin.

“O siya sige hijo, mauna ka na at masyado ng late. Ako na ang bahala sa kaibigan mo. Mag ingat ka sa pagmamaneho mo ha.” Bilin ni Yaya Doring.

“Sige po, Yaya. Mauna na po ako. Good night” sabay halik sa pisngi ng yaya ng kaibigan.

“O siya, sige hijo, kaawaan ka ng Diyos. Mag-ingat ka sa daan, ha.” Sabay tapik sa balikat ni Marvin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROMANCE BOYxBOY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon