Meet the twins

1.7K 57 14
                                    

Zoey on the picture.

~~

Hay, Kalokang buhay to oh? Andito lang naman kasi ako sa Opisina, Pinag overnight Lang naman kasi ako ng boss kong demonyita. Its 11:40 pm!

Lahat umuwi na maliban lang sakin na hanggang ngayon andito parin.

'Beep beep'

Kinuha ko yung cellphone ko may nag text eh. OMYGAD si mamabear nag text,

Mamabear:

            Huy, Zoey umuwi kana gabing gabi na . Nga pala mag babakasyon kami ni papabear mo sa probinsya kasama si Teddybear.

Yan lang naman yung text niya.

'Mamabear, Sige po anong oras poba kayo aalis?'

Sagot ko naman.

Mamabear:

          Ngayon na kaya umuwi kana. Oh sige na zoey aalis na kami ng papabear mo iiwan ko muna sayo ang bahay ah kasama mo naman si manang rosa eh.

'Opo mamabear ingat po kayo dun nila papabear at teddybear'

Sabi ko, Tinapos kona yung ginagawa ko para makauwi nako.

Pagdating na pagdating ko sa bahay humiga na agad ako sa kama, At natulog..

**

*Ring ring*

Kinapa ko yung cellphone ko sa table na katabi yung kama ko.

"Oh?"

"Huy, bruha bilisan mo magkita tayo sa *** manuod tayo ng cine yung Tragic theater."Hyper na sabi ni Liza yung bestfriend ko.

"5 minutes pa inaantok pako.."Sabi ko ng hndi pa dumidilat.

"ZOEY ANN REYES! Pag hindi ka bumangon diyan papasundo kita dun sa baliw sa kanto mukhang gusto ka pa naman nun."O_o Langya.

"Naaaaah. Opo na babangon na."Dali dali akong bumangon mahirap na noh pagsinabi ng babaeng to magiging totoo..

Inayos ko muna yung higaan ko, Bago maligo .

Hays. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako nag suot lang ako ng maong short tapos T-Shirt na Superman.

Bumaba na ako sa, Para kumain.

"Hi manang rosa."Bati ko kay manang sabay yakap sa likod niya nakatalikod kasi siya.

"Ay nakung bata ka nakakagulat ka naman iha. O siya kumain kana Anak."Anak tawag sakin ni Manang Rosa kasi simula pagkabata siya na yung nagalaga sakin.

"Sige po. Tara manang sabay kana sakin sa pagkain."

"Naku anak wag na. May gagawin pa kasi ako eh."

"Ah okay po. Nga pala manang aalis ako pag katapos kong kumain, pupunta po ako ng ***  kasama si Liza."

"Ay, Ganun ba anak? Osige iha. Basta wag mag papagabi ah. Magingat kayo dun."Sabi ni manang. She's so sweet. Kaya naman mahal na mahal ko si manang Rosa eh

Pumunta nako sa kusina at kumain.. pagkatapos kong kumain, Pumunta na ako sa garahe para kunin yung kotse ko.

"Bye Manang rosa."Paalam ko sabay wave ng kamay ko.

"Bye anak."sabi ni manang sabay wave din ng kamay.

Inayos ko na yung seatbelt ko at nagdrive na..

Okay.. Ehem ehem hindi niyo pa pala ako kilala, Ako nga pala sa Zoey Ann Reyes 22 years old pure pilipino hindi naman kami mayaman may kaya lang talaga kami nagtatrabaho ako sa isa sa mga malaking kompanya sa pilipinas kaya naman mataas ang sweldo ko. May kapatid ako ay si  Lorenz Ivan Reyes 17 years old. College na siya. Dahil nga sa bakasyon ngayon sa skwelahan yan nagbakasyon sila sa probinsya. Dahil nga sa office girl ako at ako yung secretary ng big boss namin ay bawal akong umabsent. Kaya naiwan ako dito sa manila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Instant MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon