Prologue

76 8 9
                                    

Normal naman ang buhay ko noon nang makilala ko si Keiron Lee at Simula noon ay naging magulo na ang mundo kong mapayapa.

Tuwing papasok ako ay laging maaga upang hindi kami magkasabay ng mokong na iyon at panira ng buhay.Minsan nga pagkapasok ko sa room ko ay nakita ko syang nakaupo sa tabi ng upuan ko tapos pinapalibutan siya ng mga babae kong kaklase.

Nagtaka ako dahil narito siya.
Sabi nila lumipat daw si Keiron sa room namin noong nalaman niyang ito ang section ko.

Anak kasi ng may ari ng school at saka mayaman kaya kahit anong gawin pwede.Kaya iyan.

Lagi nga akong inaasar kaya kahit na anong group or by partner activities kami ang magkasama.Sa pagkakataon na magkasama kami ay nagiging close na din kami.

Nagkekwentuhan pero madalas ang asaran . Nalaman ko din na pareho kaming mahilig magbasa at magluto kaya lalo kaming naging close.

Habang tumatagal ay nahuhulog na pala kami sa isa't isa.Niligawan nya ako at di nagtagal ay sinagot ko siya,saktong nagkaroon ng Blue Moon.Pareho kaming nangako sa isa't isa sa harap ng buwang iyon.

Nasa college na kami ni Keiron at dalawang taon na din kami.Lagi kaming nalabas after class .Parehong HRM ang kurso namin nasabi kasi kasi Sakin na someday ay gusto niyang maging chef.

Paulit ulit namin iyong ginagawa nang makilala namin si Leira Santiago isang exchange student sa school namin . Maganda siya,sexy at mayaman din.

Mabilis silang naging close ni Keiron at simula noon ay naging madalang na ang paglabas namin.

Isang araw nakit kong lumabas ng bahay nila si Keiron.Sabado kasi noon at gusto ko sanang yayain siya mamayang gabi dahil nalaman ko na magkakaroon ng blue Moon .Sinundan ko sya at lab is na nabigla ng makita ko si Leira na hinalikan nya si Keiron.

Lalapitan ko na sana sila ng mapansin ko na muka silang nag eenjoy.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naramdaman na namasa ang aking mga mata at nagsimula ng mag unahan sa pagpatak ang aking mga luha.

Saglit silang tumigil at kinuha ni Keiron ang cellphone niya pagkatapos ay ibinalik na niya I to sa kanyang bulsa.Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang may text si Keiron sakin.

"Magkita tayo mamaya.Susunduin kita."sabi nya.

Kinabahan ako at lumingon sa kinaroroonan nila kanina ngunit wala na sila doon kaya umalis na ako.

Nag ayos na ako pagkauwi ko dahil mamaya maya lang.ay susunduin na ako ni Keiron.Bandang ala singko ay sinundo na niya ako.

Tahimik ang naging biyahe namin.Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng dagat.Madilim na din sa labas. Tumingin kami sa langit at muling namangha ng makita ang asul na buwan.

" Let's break up"sabi niya at nagsimula na muling mangilid ang aking mga luha.

"Because you love Leira ,right?" sabay tingin sa kanya.

Halatang nagulat siya kasi bigla nalang siyang napayuko.

"Nangako ka pa sa harap ng buwan na iyan tapos di mo pala tutuparin." sunod sunod pa ring tumulo ang luha ko.

"Simula ngayon ay ipinapangako ko sa harap mismo ng buwan na iyan na walang Keiron Lee akong na kilala."

Lumabas ako ng sasakyan at sumunod naman siya sa akin.Tuloy tuloy ako sa paglalakad kahit na tinatawag niya ako.Patawid na ako sa kalsada ng may nakita akong liwanag.

"AIR!!!!!"ang huling narinig ko mula sa kanya.Muling tumulo ang luha ko sa huling pagkakataon.

" Paalam Keiron" at naging madilim na ang aking nakita.

Once in the Blue MoonWhere stories live. Discover now