George

30 0 0
                                    



Napalingon ang lahat sa isang malakas na pagbukas ng pinto. Si Katherine Sectary ng CEO na si George Damian ang lumabas.

"He is coming! Go, go, go" sigaw nito.

Nataranta ang lahat at nag-mamadaling pumunta sa kanilang mga pwesto ang mga staff nito.

"Bakit ang aga nyang pumasok?" Tanong ng isa sa mga staff.

"12:30 pa ang meeting!" Pahabol na tanong ng isa pang staff.

"Di ko rin alam, ipanalangin nyo na lang na sana nasa good mood sya ngayon" sagot ni Katherine.

Nagmadali ng umalis si Katherine at sunduin ang kanilang boss na papasok na nang building. Sa lahat ng madadaanan nitong office station ay makikita mong natataranta at nag-mamadali rin ang lahat sa paparating nitong boss nilang si George. Lalo ngayon na doble ang kabang nararamdaman nang lahat dahil kahapon lang ay may nasesante nanaman sakanila. Sa pagpasok ni George, tahimik ang paligid na kung saan ang tunog ng takong sa black shoes nito na naglalakad sa tiles ng hallway at tunog ng mga typing sa keyboard ang tanging maririnig. Pigil lang sa paghinga ang lahat ng staff hanggang sa malagpasan sila at maka-akyat ito sa taas kung saan ang office nito saka lang sila makaka-luwag sa paghinga.

SABI NGA NILA matatalino, may magandang pangangatawan at may mga itsura lang ang nakaka-pasok sa Damian Incoporation, tataas ang tingin sa'yo kapag nalaman nilang nagta-trabaho ka dito, kung galing ka na sa kumpanya na ito at lilipat sa ibang kumpanya ay agad kang matatanggap kapag nalaman nilang galing ka dito. Swerte kung tutuusin hindi dahil sa mag-iiba ang tingin sayo ng ibang tao kundi sa taas ng sweldo na matatanggap mo dito. Araw-araw ay madami ang gustong palarin na matanggap sila dito pero marami ang nabibigo, ang Damian Incorporation ay ang pinaka-malaking kumpanya sa buong syudad hindi lang kumpanya pati na rin ang gusali nito na purong gawa sa salamin. Pina-patakbo ito nang nagmamay-aring si George Damian ang young multi-millionaire.

Mapalad nga talaga ang makapasok dito pero karamihan sa mga nagta-trabaho dito ay kinakatakutan at iniiwasan itong si George Damian, kaya ganon na lang sila kabahan ayaw nilang magkamali dahil gusto nito ay laging perpekto ang lahat ng gagawin mo, binansagan nga sya dito ng iba na Mr. Perfect.

Kung titignan isa lang si George Damian sa mga terror boss na kina-iinisan sa mga trabahong pinapasukan natin. Pero sa likod ng di maipintang muka at striktong pag-uugali nito. Ay isang George na di masaya at naghahanap ng kalinga sa buhay. Iba dati ang buhay ni George umibig na sya dati at sumaya dito. Nang makilala nya si Sophia, unica ija, ng mag-asawang doktor na nagmamay-ari rin ng mga business sa syudad. Sya ay may mahabang makintab na itim na buhok, perlas ang kutis ng balat, matalino at higit sa lahat ay may edukadong pag-uugali na nakabihag lalo sa puso ni George. Sa isang okasyon ang unang pagkikita nila at nagka-gaanan ns sila agad ng loob at noong araw ding yun ay nakita na ni George ang babaeng gusto nyang makasama habangbuhay, di pa umibig si George sa unang pagkikita sa isang tao. Isang taon ang nakalipas at napag-pasyahan ni George na pakasalan na itong si Sophia. Magpo-propose sya sa darating na First Annivesarry nilang dalawa.

Isang linggo na lang at darating na ang araw ng kasal na hinhintay nang lahat. Pero isang araw, tatlong araw bago ang kasal may natuklasan si George sa fiancé nitong si Sophia na naging dahilan ng di pagtuloy sa darating na kasal nilang dalawa. Natuklasan nito ang relasyon ni Sophia sa kaibigan ni George na si Johnny. Sa huling pagkakataon nagtanong si George kung sino ang pipiliin nito, mapapatawad naman ni George si Sophia kung sakaling sya ang mahal at pipiliin muli nito. Pero sa huli hindi si George ang pinili ni Sophia. Lahat ay walang nakaka-alam sa nangyari, nag-pasya ang dalawa na ipaalam na lang sa lahat na hindi pa sila handa.

Pagkalipas ng isang taon napansin ng lahat ang pagbabago sa ugali ni George lalo na ang mga magulang nito at malalapit na kaibigan, lalo na ang Mama nito. Simula noon ay di na muling nakita ang ngiti sa muka ni George. Pero naging mas matatag sya at nagpursigi lalo sa buhay at lalong mas yumaman at naging usap-usapan sa galing nito.

Di na muling naniwala sa pag-ibig si George. May mga araw na pumupunta ito ng bar at nakikipag-one night stand lang ito pero di pa rin makaka-ila sa mga babaeng nakakasalumaha nya ay lagi pa rin nyang nakikita ang muka ni Sophia sa mga ito hindi nya ito maikukumpara sakanila.

Matagal na ang lumipas pero nakatatak pa rin sa puso ni George si Sophia. Di pa rin sya maka-move on dito. Isang gabi habang pauwi na ito galing ng trabaho, dinala muli sya ng mga paa nya sa bar natatakasan nya ang lungkot na nararamdaman sa twing magpupunta sya rito para maglasing at humanap ng panan-daliang masasandalan.
Sobrang kalasingan ang inabot nya ng gabing iyon nang umalis sa bar at nagmaneho ng kotse pauwi. Habang nagmamaneho ay blanko syang nakatingin sa dinaraanan nito sobrang lungkot ang nararamdaman na hindi nya namamalayan ay tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. 
Habang nagiisip ito ng mga bagay na nagpapatuloy sa pag-iyak, napalingon si George ng may nakitang ilaw na sobrang liwanag na papunta sa direksyon nito. Iniwasan nya ito. Sa pag-iwas ng kotse ay may di inaasahan na nangyari sumalpok ang kotse nito, na sa sobrang lakas ay nawarak at nayupi ang harapan ng kotse.

Kinabukasan ng makarating ang balita, sa hospital kung saan nandoon ang kapatid, malalapit na kaibigan at magulang ni George ay sinabi ng doktor kung ano ang nangyari kay George kung saan walang makakaalam kung kailan ito gigising kung papalarin man na mangyari ito. Swerte kung tutuusin ang nangyari kay George dagdag ng doktor.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon