PROLOGUE

0 0 0
                                    

Mula sa aking kinatatayuan, tanaw ko mula dito ang syudad ng buong Elphraihm. Elphraihm o El Prime kung tawagin ng mga mahaharlika ay isang maliit na syudad kung saan naninirahan ang mga kagaya kong mahirap lamang o nabibilang sa pinakamababang uri ng mamamayan, ang low class.

Napapalibutan ito ng mga matatayog na puno at mga maliliit na bahay na pawang magkakadugtong na tirahan ng mga mamamayan dito sa El Prime. Ang mga katulad kong walang sapat na kakayahan na mapabilang sa High class, ay tinuturing na walang pangarap sa buhay ng mga taong nabibilang sa Royals, tawag sa mga taong nasa High class.

Ang lipunan o estadong kinamulatan ko mula pagkabata ay maituturing ko na isang malaking kalokohan. Ang balanse ng mundo na kinalakihan ko ay masyadong mapang-alipusta sa mga kagaya naming lumaki sa hirap dahil malaki ang pagkakaiba ng pakikitungo mula sa bawat class na kinatatayuan ng bawat indibidwal.

Mula sa mga katulad kong nasa low class ay masasabi kong pinagkaitan ng karapatan. Ang mga mamamayan na naninirahan dito sa Elphraihm ay...

Hindi mga nakapagtapos o hindi na nakapag-aral. Isa sa mga dahilan kung bakit naaalipusta at nagiging alipin ang mga taong nasa low class katulad ko. Hindi ko masasabing tadhana nga ang nagdikta na maging ganon ang kahantungan ng bawat isa na naninirahan dito dahil sa pagkakaalam ko dati, may mga nakapagtapos naman ng pag-aaral na nasa low class ngunit hindi naging madali ang tinahak nilang landas sa loob ng Del Grishma, ang nag-iisang Akademya na tinayo upang makapag-aral ang lahat na nagnanais na matuto. 

Labis na naghatid ng pangamba at takot para sa mga low class ang makapasok sa akademya ng Del Grishma na napapaligiran ng mga taong mahaharlika o sa madaling salita lugar ng mga nasa high class.

Kaya dahil dito mas pinipili ng ilan na
hindi na lamang pag-aralin ang kanilang mga anak at manatili na lamang na isang mahirap na labis kong di sinang-ayunan.

Dahil para sakin kung ang mga katulad naming magpapalamon na lamang lagi sa takot ay tiyak na walang patutunguhan. Walang saysay ang buhay kung pipiliin mong alipinin ka na lamang nang mas nakakataas sa iyo at magpatalo sa takot at yakapin ang kalupitan na pinapataw sayo ng mundo.

Nabalik lamang ako mula sa aking malalim na pag-iisip ng may tumawag sakin. Napalingon ako sa aking likuran kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Nakita ko si Sharra Crishnan, ang matalik kong kaibigan.

Si Sharra ay iba pa sa aking mga kaibigan dito sa El Prime. Ako lamang ang nakakakilala sa kanya dito sapagkat isa sya sa mga tinitingala ng mga katulad ko. Si Sharra ay hindi lamang isang pangkaraniwan na tao dahil nabibilang sya sa Royals. Sa isang maharlikang pamilya siya nanggaling.

Lihim lamang ang aming pagkakaibigan dahil labag ito sa rules ng bawat class.

Hindi pwedeng magkaroon ng ugnayan ang magkaibang estado. Kung nasa high class ka dapat mga taong nasa high class lang rin ang pwede mong kausapin. Parehas sa mga katulad naming nasa low class.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kaya kita hinahanap."

Napatingin ako sa kanya at umiling na lamang. Kinuha ko ang dala kong sibat na ginamit ko kanina sa pangangaso.

"Nasaan yung mga bantay mo?"

"Edi ano pa ba, tinakasan ko hehehe!"
Malokong sambit nya.

Matipid na lamang akong ngumiti at napailing sa kanya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Umiling lamang sya. "Naisipan kong pumunta dito dahil may magandang ibababalita sana ko sayo."

Mula sa paghakbang ay napatigil ako at lumingon sa kanya.

Muling nagbalik sa aking isipan kung paano kami nagkakilala.

Isang maulan na gabi at katatapos lamang ng pagdiriwang namin dahil sa masaganang ani ng mga magsasaka, naglalakad na ko mula sa kalagitnaan ng gabi sa gubat habang mahigpit na kapit ang payong sa kanang kamay at sa kabila naman ang isang supot ng bigas na binigay kanina lang ni Mang Agusting.

Napatigil ako mula sa aking paglalakad ng maulinigan ko ang maraming boses malapit sa aking kinatatayuan. Saglit akong tumigil at binaba ang aking hawak. Sumilip ako mula sa pinagtataguan kong puno.

Mula sa kinalalagyan ko, nakita ko ang isang babae na may takip na itim na plastic sa kanyang mukha habang hawak siya ng dalawang lalaki na nakakulay itim na kasuotan. Sa harap ng mga ito, nakatayo ang isa pang lalaki na sa tingin ko ay pinuno nila.

Hinawakan nito ng mahigpit ang pisngi ng babae.

"Alam kong may nalalaman ka... Kaya sabihin mo, saan nakatago ang susi?!"

Susi?

Susi para san?

"Sa tingin mo ba sasabihin ko yun sa iyo?" Sambit nung babae habang nang-uuyam na ngumisi sa kaharap.

"Alam ko namang hindi mo yun sasabihin. Expected sa isang tagasunod ng head ng council."

Council?

Di kaya... Kabilang sila sa high class?

Hindi ko mapigilan ang kuryosidad ko kaya mas lalo pa kong lumapit para mas malinaw kong marinig ang kanilang pinag-uusapan. Kaso mukhang mali ata ang ginawa kong hakbang....

Nabaling ang atensyon nila sakin ng marinig ang ingay ng kaluskos na ginawa ko. Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kaba ng mag-umpisang humakbang ang lalaking kausap nung babae at naglabas ng armas.

"Sino yan? Lumabas ka!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Del Grishma AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon