Paalam

1 0 0
                                    

Nagsimula lahat sa asaran
Isama nadin natin ang mga pamilya nating ipinipilit na tayo'y umabot sa kasalan
Pero alam ko naman na sa ating dalawa ako lang ang may nararamdaman
Ewan ko ba kong bakit nahulog ako sa isang taong na di ako kayang bigyang halaga

Ay! Hindi mali pala! Kasalan ko kasi ako yong umasa
Nagdaan ang araw at taon na hindi na kita nakita
Nalaman ko nalng na ikay may niligawan at sinagot ka ng walang pag alinlangan
Alam mo ba?nong malaman ko yon puso koy nasaktan ng sobra?

Tangina ganto pala yong feeling na nagmahal
Nagmahal ng lubusan at  nasaktan
Pero hindi ko ipinakita sayong akoy naapektohan kasi simula palng Wala ka namang pake-alam
Walong taon ko na tong itinago, pangalan mo sa puso koy di naglaho

Nag kita tayo muli
Gustong-gusto ko ng sabihin sayo ang nararamdaman ko
Oras na para malaman mo na ikay matagal ko ng gusto
Pero! Naunahan mo ko

Naghalo ang saya at lungkot ng marinig ko ang sinabi mo sinabi mong "Wala na kayo" ng jowa mo
Diko alam kong sasaya ba ako dahil sinundan mo ito ng  "Diko kayang mawala sya, gagawa ako ng paraan mapasakin lng ulit sya"
Tangina ang sakit na talaga sobra!
Hindi ko alam kong ano pa ang mararamdam

Iniisip ko nalang ang sarili kong paulit-ulit na nasasaktan pero dibali na kasalanan ko naman dahil nahulog ako sayo ng tuluyan at di ko man lang ito pinigilan
Ngumiti ako para malaman mo na masaya ako sayo dahil ikay nakahanap na ng taong mamahalin mo samantalang ako heto nag hihintay sayo
Ipinapakita sayo ang mga ngiti ko kahit na durog na durog na ang puso ko dahil sayo
Sa mga oras nato diko na hahayaan pang umiral ang puso ko, tatapusin ko na to

Oras na siguro para mag let go
Tatanggapin na ikay hindi magiging akin
Ang magkakaibigan ay hanggang kaibigan lamang, at ang nararamdaman ko ay sa akin nalang
Ang tangi ko nlng magagawa ay supportahan ka sa iyong kasiyahan

Salamat sa mga ala-ala nagawa
Salamat at ng dahil sayo naliwangan ako na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo
Salamat sa mga lambing, pagpapasaya,alaga na binigyan ko ng motibo
Ito na, ito na ang oras para mag paalam na
Paalam dahil akoy lilisan na

Lalayoan ka para maiwasan ang puso ko na masaktan pa
Paalam dahil akoy aalis na iiwan ang lahat ng ala-ala
Paalam at ipapaubaya na kita sa taong iyong ikakasaya at minahal mo ng sobra
Dito na mag tatapos ang ating storya

Ay Mali, storya ko lang pala
Maraming salamat at paalam na.

                         
                                              Nagmamahal,
                                Kahit kailan hindi mo minahal

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paalam Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon