Tips about love : Painful Facts in Life and Love

984 23 52
                                    

Here are painful facts that could happen to our love life:

#1 Flashing your smile to someone you don't want to see.

• Di ganoon kadaling ngumiti sa harap ng taong ayaw mong makita lalo  na kung nagawa ka niyang lokohin at saktan. Kailangan mo ng lakas ng loob para magawa iyon. Sabi nga nila "smile is the best revenge" you'll ever do when it comes to that. Walang mangyayari kung iiwas ka. Ipakita mong matatag ka, ipakita mo na di siya kawalan sayo at ipa-realize mo sa kanya na kahit wala na siya sa buhay mo, masaya ka.

#2 Bringing back the feeling you've learned to forget.

Yung akala mong nakalimutan mo na siya, pero hindi pala.

#3 Showing that you care.

•  Thats the time na mahal mo ang isang tao kaya nagagawa mong alagaan, intindihin at magmalasakit sa kanya.

#4 Finding a way to mend a broken heart.

• Sa sobrang broken-hearted mo nagagawa mong maghanap ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman mo. Pero matatanggal ba kaagad ang sakit? Hindi yun instant! It's a process. It takes time. Period.

#5 Learning that you've been used by someone you truly love.

• Grabe! Ayokong mapunta sa gantong sitwasyon! Aba! Masakit malaman na ginagamit ka lang pala ng mahal mo dahil makikinabang siya sayo. Samantalang mayroong ibang tao dyan sa tabi tabi na handa kang pahalagahan. Know your worth!

#6 Letting go of a person you've just learned to love.

• Oo, mahirap pakawalan ang isang tao lalo na kapag natutunan mo na siyang mahalin. Pero depende sa kung anong sitwasyon meron kayo, kung may mahal siyang iba, pakawalan mo, hindi ka naman siguro ganung ka-desperado para ipilit ang sarili mo sa kanya di ba? Makakaget-over ka din! Maniwala ka!

#7 Realizing that you love the person you've just broken up with.

Kung kelan wala na ang isang tao sayo, doon mo malalaman ang kahalagahan niya. Yung tipong di mo na siya nakikita, di mo na ramdam presence niya, doon mo mare-realize na mahal na mahal mo pala talaga siya. tss *iling-iling* Mapapasabi ka na lang: "D*mn! Bakit ko ba siya pinakawalan?" Oh? Sinong di nagiisip?

#8 Waiting for promises you know she or he'll never keep.

• Wag ka ng maghintay sa pangakong alam mong kailan man di niya tutuparin. Para ka lang naghihintay ng jeep sa train station. Imposibleng mangyari.

#9 Saying your love for someone who loves somebody else.

Tibay ng loob ang kailangan para dyan! Walang masama kung aamin ka sa isang tao kahit alam mong may mahal ng iba,yung hindi ka manghihingi ng anumang kapalit. Atleast nasabi mo, wala kang pagsisihan.

#10 Reminiscing the good times you shared together. Shielding your heart to love somebody.

• Para ka naman stranded dito, naka-hang. Hindi makapagmove on. Okay lang naman alalahanin yung times na magkasama kayo eh, mga happy moments niyo, wag lang dumating sa point na pati puso isarado mo na. You deserve to be happy, but not in this situation.

#11 Trying to hide what you really feel.

Bibilib ako sayo kung magawa mong itago ang nararamdaman mo towards someone. Habang kasi tinatago mo yan, doon mas lalong maguumapaw yan! Ikaw rin!

#12 Having a commitment with someone that you know would not last.

•  Oo, couple kayo ngayon. Pero mapapaisip ka na lang magbe-break din kayo balang araw. Para saan pa? Kaya pala may mga taong ayaw ng commitment kasi it will never last. Pero di ako naniniwala dyan. May forever pa din. Tiwala lang!

#13 Loving a person too much.

Too much love can kill you and at the same time dangerous to the point na makakalimutan mo na sarili mo, makakagawa ka ng bagay na pagsisihan mo sa huli, at hindi mo inaasahang magagawa mo, makakasakit ka, magiging selfish ka. Make sure kapag nagmahal ka, magtira ka muna para sa sarili mo. Love yourself first and learn how to handle your emotions.

#14 Having the right love at the wrong time.

• Mahal mo nga, wrong timing naman. Hindi pa din tama. Bakit di mo subukang maghintay? There will be someone na darating para sayo sa tamang oras at panahon. Sadyang may mga bagay lang talaga na hindi nadadaan sa pagmamadali. Don't rush.

#15 Exerting effort to make the relationship last or work.

Para mag-work ang relationship niyo dapat parehas kayong nageexert ng effort. Kapag isa lang kasi feeling ko nasa one-sided love ka lang, sarap isipin may nageeffort sayo, dun pa lang dama mo na yung pagmamahal ng isang tao eh. Mararamdaman at mararamdaman mong espesyal ka. Ano? Papakawalan mo pa ba?

#16 Not being appreciated when you know you've given your best.

Ginawa mo na ang lahat para sa kanya pero hindi parin niya ito naaappreciate. Wag ng magbulag-bulagan! Siguro nga di ka niya mahal. Accept it even if it hurts you. Maling tao ang ipinaglaanan mo ng best mo. Just let go!

#17 Taking the risk to fall in love again.

Darating yung panahon na magta-take ka ng risk just to fall in love again. Lahat tayo gustong sumaya. Tama? Matututunan mo pa din buksan ang puso mo para sa iba kahit alam mong my posibilidad kang masaktan muli. Parte yan ng buhay. Parte yan ng love.

#18 Controlling your feelings to avoid hurting a friend.

• Ex: Mahal ka ng kaibigan mo, pero ikaw may mahal na iba.

Kumplikadong sitwasyon. Mas kino-konsider mo pa yung friend mo kesa sa feelings mo. How about your happiness? Iseset aside mo na lang ba ito? Isip isip din! Kung mahal ka talaga ng kaibigan mo maiintindihan ka niya. Sadyang hindi natuturuan ang puso.

#19 Choosing between two persons whom you really love.

•  ♪♪ Sana dalawa ang puso ko ♪♪E-ehem!

Kahit saan anggulo mo tignan, kahit pagbali-baliktarin man, may isang tao sa kanila na talagang MAS mahal mo eh. Choose wisely! Wag mo ko hayaan bigyan pa kita ng timbangan para malaman mo.

#20 Seeing the person you love with someone else.

Wala ng mas sasakit pa na makita ang mahal mo na may kasamang iba. Siguro nga huli na para sa inyo. Hindi na maibabalik pa ang relasyon niyo. Pero hindi pa end of the world! Hello? Kailangan mo lang tanggapin na wala ng pag-asa. Yun lang. Kahit mahirap at masakit, kayanin mo. Walang ibang gagawa nyan kundi sarili mo, dahil maaari ka pang sumaya!

#21 Falling for your best friend and knowing that things can never be the same again.

•  Sa pagkakaibigan naman talaga nagsisimula yan eh. Kaya lang yung iba mas pinipili maging magkaibigan na lang kasi doon sila magtatagal. Masyadong tine-treasure ang friendship, baka masayang. Yung iba hindi natatakot mag-take ng risk at humakbang sa panibagong level ng pagmamahalan. Which side are you?

#22 Accepting that it was not meant to be..

Tanggapin na lang na di kayo para sa isat isa. Wag ng ipilit kasi parehas lang kayong masasaktan.

#23 Saying that you are over someone you still love.

Wag mong lokohin sarili mo, maging totoo ka sa nararamdaman mo. Baka sa susunod pagsisihan mo pa yan sa huli.

#24 Having to let go because you know that he/she deserves someone else.

• Kailangan ba talagang dumating sa point na papakawalan mo siya dahil sa tingin mo mas karapat dapat siya sa ibang tao kesa sayo? Don't think that you're not good enough to him/her. Bakit di mo gawin ang best mo para maging deserving sa taong iyon? I-push mo na yan!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Waa pagpasensyahan na lang sa mga lumabas sa isip ko Hahaha. Antok na antok na eh >_< Sige salamat:)

Tips about loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon