Bakit kaya may mga bagay na mahirap ipaliwanag? Kesyo ganito, kesyo ganiyan, ang gulo diba?Sa dinami rami ng istorya tungkol sa pinagmulan ng sangkatauhan ay hindi mo na malaman o matukoy kung ano ang totoo.
Pero isa lang ang masasabi ko... ang mundo ay puno ng werpa.
Chapter 1
"Alton, anak pumunta ka dito may iuutos ako sa iyo!" Tila nabalik ako sa realidad matapos ko marinig ang boses ni inay
"Opo! Papunta na inay, sandali lang" inayos ko na muna ang aking sarili bago lumabas ng kwarto
"Ano po iyon Inay?" Sabi ko habang kumakain ng ubas
"Ikaw muna ang mamalengke, marami kasi akong gagawin eto ang eco bag. Nandiyan na yung listahan at pera. May pasobra na yan, pambili mo na din ng meryenda mo." Mahabang litanya ni inay
"Opo! Inay alis na po ako" pagkatapos kong magmano ay nagabang na ako ng tryke sa may kanto
Habang nasa biyahe magpapakilala na muna ako. Ako nga pala si Alton Mendoza, labing walong tong gulang. Normal na mamayan lang naman ako na nangangarap makapagaral sa mga sikat na akademya dito sa aming lugar.
Sa awa ng Dios may nahanap na akong paaralan na masasabi kong palaban at maaasahan pagdating sa paghasa ng mga abilidad ito ay ang Columbus Academy matatagpuan ito sa tagong parte ng Pilipinas.
Bago kami makapasok ay dadaanan muna kami sa pagsusulit upang mapatunayan kung karapat dapat bang pumasok dun.
Sana lang ay makapasok ako duon kasi pangarap ko talaga yun.
Mabuti pa ipagpatuloy ko na ang pamimili.
"Oy Panget!"
Hayst! Eto na naman ang bully na si Viktor. Ewan ko ba dito lagi nalang ako ang napapagtripan. Porket may malakas siyang werpa, akala mo kung sino.
Bahala siya hindi ko siya papansinin"aba! Ayaw mong lumingon ha!"
Maya maya pa ay naramdaman kong parang may pumipigil sa akin na humakbang. Ayst! Shadow manipulation kasi ang kaniyang werpa.
" Ano na naman ba Viktor? Marami akong ginagawa kaya kung pwedi ba paalisin mo na ako!" Pagsusungit ko dito
Aba nginisian lang ako!
"Balita ko magaaral ka rin sa Columbus Academy? Lakas ng loob ha!"
Sabi ko na nga ba e. Duon rin kasi ito papasok.
"Oo, at anong pakialam mo?" Akala niya papatalo ako. Pwes manigas siya
" Abay siya nga! Matapang ka ha! Sa tingin mo ba papasa dun ang pipitsugin mong werpa?! TAHAHAHAHA" pangaasar nito
Bigla naman akong natigilan. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Kung tutuusin napakawalang kwenta ng werpa ko kumpara sa kanila. Kaya kong masaulo ang isang bagay sa pamamagitan ng isang tinginan lang. Diba? Kung babalik sa nakaraan e baka sikat na sikat ako. E ibang iba na ngayon sa Pilipinas. Palakasan na!
Hindi ko maiwasang maluha pero ayokong makita ng iba lalong lalo na sa harap ng lalaking ito. Oo palaban ako pero pag usapang werpa na tumitiklop ako."Oh ba't natahimik ka?
Ano! Sagot Alton? Na realize mo na ba na napakawala mong kwenta? TAHAHAHA kung ako sa iyo, hindi ako magbabalak na magaral sa Columbus . Ipapahiya mo lang ang sarili mo! TAHAHAHA""Viktor pwedi ba tantanan mo na ako." Walang emosyon kong tugon.
Nawalan na akong ng gana sa lahat."Sige..! Basta ba tandaan mo yung sinabi ko sa iyo ha!" Banta nito sabay alis
Oo hindi mo na kailangang ipaalala. Siguro nga masyadong mataas yung pangarap ko. Napakaimposible kasi. Kung naging mas malakas lang sana ang werpa ko.
Tinapos ko na agad ang pamimili at walang ganang umuwi.
" oh anak ? Ang bilis mo naman ata?"
"Wala po ito inay, pagod na rin po kasi ako. Sige po magpapalit na po ako ng damit."
"Oh sige basta lumabas ka mamaya sa kwarto ng makakain na tayo ha!" Bakas sa boses ni inay ang pagaalala
Hindi ko rin siya masisisi. Nanay siya kaya mararamdaman niya kapag may kaiba.
Pagkapasok ko e napagpasiyahan ko na munang maligo
Kasabay ng pagtulo ng tubig ang pagpatak ng luha ko na kanina ko pang pinipigilan.
"Bakit kasi ang hina hina ko?!"
Sobrang sakit sa damdamin ng ganito.
Kinagabihan,
Pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan ay naisipan ko munang magonline.Puro mensahe mula sa Groupchat ng pamilya namin. Magla log out na sana ako ng bigla may nagmensahe.
Nakakagulat kasi hindi ko maintindihan ang pangalanYou can do it. Never give up!
Yan ang sabi sa mensahe. Hayst dami talagang walang magawa sa mundo. Baka pinagtitripan lang ako. Kaya naman naglog out na ako. Pagkatapos kong magdasal e naghanda na ako para matulog.
Tandaan niyo lalakas din ako. Yan na lang ang nasabi ko sa aking ng biglang magbukas ang bintana ay may pumasok na malamig na hangin. Bigla akong kinilabutan. Damang dama ko rin ang kakaibang pakiramdam. Siguro kailangan ko na talagang magpahinga masyado na akong pagod . Sinarado ko na ang bintana at unti unti na akong nakatulog.
#SanaAyosKaLang
BINABASA MO ANG
WERPA: Columbus Academy
AdventureSi Alton Mendoza ay isa sa bunga ng makabagong henerasyon sa bansang Pilipinas na kung saan laganap na ang may mga kakaibang abilidad o werpa. Gusto niya ang maging malakas upang maipagtanggol ang kaniyang mga mahal sa buhay. Kaya naman pangarap nit...