Chapter 5: Time lapse

6 0 0
                                    


= JOY'S POV =

Dalagang pilipina.... oo ako iyon. Natapos yung buong year na hindi kami naging close o hindi naman lang kami nag-usap. Approachable ako pero hindi ako iyong nagpapapansin sa crush o gumagawa ng first move. 

"Joyyyyyyyyyy!" tawag sakin ni Mike Villas na kababata ko. Kindergarten palang magkakilala na kami. Hindi lang kami gaanong nag-uusap dahil magka-iba kami madalas ng section pero mabait, matalino at gentleman siya.

"Oh Mike, anong meron?
tanong ko sa kanya pagkalapit niya saakin.

"Nakita nyo na ba yung magiging section ninyo next year? Naka-post na kasi sa Bulletin Board puntahan ninyo nalang ah sasabihan ko pa kasi ang tropa, sige paalam."
nagmamadaling bigkas niya.

Oo, tama kayo ng narinig dahil 3rd Year na kami. Mabilis no? wala naman kasing espesyal nung 2nd year bukod doon sa nakilala ko si Crush, Sshhhh wag kayo maingay ah. Kayo lang kasi yung nakaka-alam, nabasa ninyo naman siguro na crush din siya ng best friend ko kaya tina-try ko na pigilan yung feelings ko.

Nasa tapat na kami ng Bulletin Board ng School. Nandoon lahat ng pangalan at section. Una kong hinanap yung saakin. 

"Lala, nakita mo na yung name mo?" tanong ko sa bff ko.

"Ang dami ei, hindi pa. Ikaw? balik niyang tanong.

"Lala............. nakita ko na yung pangalan natin!" seatmate kami ni Lala palagi dahil magkasunod ang apilyedo namin. Lalaine Arcibal ang buong pangalan niya. 

"Joy! Section III-Blue tayo! Si Unique kaya?" excited niyang sabi. Pero hindi ko pinansin dahil busy narin ako sa paghahanap ng pangalan niya. Nalungkot ako, hindi ko kasi nakita yung name niya sa section namin.

"Oh, classmate pa rin pala natin sila Mike!" pag-iiba ko ng topic

"Oo nga noh, pero wala si Unique." 

"Ayieeee, hinahanap!"  panunukso ko sa kanya

*3RD YEAR - FIRST DAY

Nakakatuwa na block section parin kami, oo pero may nadagdag at naalis din, isa na si Unique doon. Pero laking gulat namin nung pumasok sa pinto yung isang pamilyar na postura. May kaba at pagtataka yung naramdaman ko. Mix emotion, hindi ko kasi alam kung matutuwa ako kasi magka-klase kami o maiinis dahil magugulo na naman yung puso ko, hirap kaya mag-focus kapag nandyan siya. Matalino kasi si Gian, hindi pala recite pero written exam din siya bumabawi katulad ko, pareho kaming nagta-top sa class pero mas matalino siya. Hehehehe

"Classmate natin siya? Hindi ba sa ibang section siya?" tanong ng mga nagkaka-gulong girls.

"Ewan" tugon ko sa kanila ng may pagtataka din.


= GIAN'S POV =

Hi, naaalala ninyo pa ba ako? Ako yung crush ni Joy, nagulat kayo noh? oo, alam ko pero hindi ako sigurado. Yung mga beshies niya kasi palagi ang pakikipag-close saakin at sa mga friend ko, hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo at matalino rin ako katulad ng Best friend kong si Mike. 

"Giannnnn!" nagulat ko sa pagtawag ng isa kong classmate na lalaki, pero hindi ko sure kung lalaki talaga siya hahahahah :-D

"Crush ka daw ni Alyssa!" "Crush ka daw ni Charlene!" "Crush ka daw ni Joy!" panunukso at pang-bu-bully niya sa grupo nila Joy. Pero lumingon parin ako. 

"Oy, ano ka ba nakakahiya, baka maniwala sila, loko-loko ka talaga Nikko" pagbawi ni Joy 


*2ND YEAR - LAST DAY

Akala ko hindi ko ma-eenjoy yung 2nd year ko kasi nahiwalay kami sa mga dati kong kaibigan pero na-realize ko na mas masaya dito sa batch na ito, doon kasi sa dati kong section puro aral at pagpapagalingan lang yung meron. Dito kasi sa section nila Joy walang pressure, puro chikahan lang tapos nakakapag  laro pa ako ng DOTA hahahaha :-D. 

"Giannnnnnnnn!" kilala nyo na siguro kung sino yung ganyang tumawag diba? Siya yung bff ko na si Mike.

"Oh pre, ok ka lang?" pagod na lumapit siya sa amin.

"Tol, Nakalagay na sa Bulletin Board yung mga name at section para sa susunod na school year, hindi na tayo magka-klase." balita ni Mike saakin.

"Totoo ba yan Tol? sige tignan ko nalang mamaya" Nagulat ako pero nanatili parin akong kalmado. 

Naririnig ko yung iba kong mga kaklase, karamihan sa kanila iisang section parin. Tinignan ko yung pangalan ko sa Board. Tama nga sila, napunta ako sa Star Section, doon sa section ng matatalino at boring. Agad kong kinausap ang aking guro, ipina-alam ko sa kanila na kung pwede ay sa ibang section na lang ako, ipinaliwanag ko ang dahilan sa kanila ang dahilan, pero hindi ang dahilan na mga nasa isip nyo. Hahahaha Sa tingin ko kasi mas mag-eexcel ako sa section na iyon kaya pinayagan nila ako. Tsaka hindi rin kasi ako ganun ka friendly kaya gusto ko parin na kasama yung mga kaibigan kong sila Mike at Vince.


*3RD YEAR - FIRST DAY

Nagulat lahat ng mga kaklase ko sa pagpasok ko sa silid-aralan. Yung mga kaibigan ko biglang nag-ingay at yung ibang girls natulala joke hahahaha. 

"Tol, akala ko sa star section ka?" tanong sakin ni Vince Santos.

"Nagpalipat ako Tol, hehehe" kamot sa ulo na tugon ko sa kanila.

"Oy crush, dito ka na sa section namin este natin magka-class?" tanong sakin ni Bea, oo ganun siya ka open. Sinabi kaagad niya saakin last year na nakita nya ako na crush niya daw ko. Maganda siya pero hindi siya yung gusto ko.

"Hahaha, Oo eh, ok lang ba?" ngiti ko sa kanya ng konti sabay tawa. 

Pero sa iba ako nakatingin ;-) Alam nyo na siguro....  o__O
Sa kanya, kay Joy, she's beautiful pero hindi niya iyon alam, malaki din yung puso niya, matalino at mabait. Ewan ko ba, there's nothing special about her but she's the only one who got my attention, she's different. 


Bumilis ang araw at panahon, pero hindi ko pa rin nasasabi ang nararamdaman ko sa kanya, torpe ako eh. Naging busy din kami sa academics and extracurricular activities. Pinakita ko din sa mga teachers namin na worth it yung pagpapalipat nila sakin ng ibang section. I ranked top of the class and she's the second.








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 years na kitang CRUSH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon