Chapter 29

48 4 0
                                    

Clarisse POV

It was third day of class this whole week but I didn't go to school today. Kasi ang tanging gagawin lang namin don ay magche-check lang kami ng papers ng mga nag-entrance exam dito sa school na 'to. Seriously?! Sa amin pa talaga ipapacheck yon?!

nagtext sa akin si Ate na magiging half-day lang daw sila doon. Pinilit niya akong pumasok kahit daw ma-late na ako, hindi pa rin ako nagpapilit sa kanya kahit na half day lang. Ayoko! Ayokong magcheck ng papers! Masasayang lang yung tinta ng ipang-che-check ko!

Kaya eto, mas piniling kong tumambay dito sa bahay. Kahit nakakabagot dito, naisip ko naman na puntahan ang kwarto ni Ate gusto kong icheck kung malinis pa rin iyon.

Pagkapasok ko hindi nga ako nagkamali, pinanatili niya talaga yung kalinisan ng kwarto. Bakit ba kasi hindi ko magawang linisin kwarto ko?

Nahagip naman ng paningin ko ang study table nya roon napansin ko rin yung mga calligraphy pen nya at mga brush pen na kanyang ginagamit sa pagca-callig na napaka-organize ng ayos, naupo naman ako roon at kinuha ang sketch pad niya at kumuha rin ng iilang mga marker nya. At una ko munang ginamit is yung ballpen para madali muna, ginaya ko naman ang isa sa mga own qoutes nya na nakasulat don na 'even I hate you so much, I still love you so much' at nakita ko ang nakalagay na date dito. This past few weeks nya lang ginawa. Ghad!!!

Sinimulan ko na ang paggaya sa calligraphy niya... at natapos na nga ako, nang pinagmasdan ko ang gawa ko feeling ko ang galing galing ko na rin mag-calligraphy HAHAHAHA!

hindi ko tinanggal yung gawa ko doon at hinayaan ko na lang iyon don para naman makita ni Ate yung gawa ko at para may remembrance rin sya na galing sa akin. With matching signature  pa iyon HAHAHA feeling calligrapher ako eh HAHAHAHA!

Muli kong inilibot ang mata ko sa loob ng kwarto nya at nakita ko ang nakadikit sa pader niya na sobrang gandang calligraphy ng pangalan niya. Siguro eto yung pinaka magandang ginawa niya sa mga piece niya.

May pa shadow effect pa si Ate sa gawa niya at pinaghalo-halo nya pa yung iba't ibang kulay para mas colorful, hindi ko alam tawag don e siya ang may alam nun. At napansin ko pang parang may mga nakasabit doon na pasipit-sipit pa at pagtingin ko dito, mga pictures niya pala ito.

Ayss, sanaol ganto kaayos yung kwarto. Yung akin kasi waleya e HAHAHA! umupo ulit ako sa study table nya at binuksan isa isa yung drawer na nasa ilalim nitong mesa.

May gusto akong makita pero hindi ko alam kung ano iyon. Napaka pakealamera ko no hahahaha! Habang busy ako kakahanap dito may nakita akong isang pirasong picture na nakaagaw ng atensyon ko.

Napaawang ng kaunti ang labi ko at nanlaki naman ang mga mata ko nang titigan ko yung picture at kilala ko kung sino ito. Kilalang kilala ko ito pero yung isa niyang kasama ay hindi ko kilala. B-bakit meron si Ate nito?

Kinuha ko iyong litrato na yon at itinago ko. Gusto kong malaman kung bakit siya meron nito? At gusto ko rin malaman kung sino yung isa? Gusto kong malaman lahat lahat. Gusto ko nang itanong lahat iyon kay Ate. Hindi na ako makapag intay na makauwi siya. Bat kasi ang tagal ng oras?!!!

Hindi ako mapakali at muli kong tinitigan ang litrato na nakatago mula sa drawer ni Ate. Bakit ka meron nito ate?! Anong meron sa inyo noon?!

Binulsa ko naman ulit iyong picture at lumabas na sa kwarto ni Ate. Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV saka pinalipat lipat ko ang chanel wala akong magandang mapanuod kaya pinatay ko na lang ulit ito.

Lumabas naman ako para magpahangin, sumalampak na lang ako ng upo sa unang baitang ng hagdan dito malapit sa pinto. Ramdam ko ang hampas ng hangin sa katawan ko.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon