Idaan na lang sa Tula

26 1 0
                                    

"Tubig saking mata’y gustong kumawala.

Ang aking damdami’y muling nagdadrama.

Gusto pa yata sumabay sa bagyong ipinagaalala

Tulad ng bagyo ay kailangan ko ding kumalma."

Hindi na ito bago,

Ngunit ito pa rin ako,

Naiiyak ngunit itinatago,

sabi ko kasi “okay lang ako’.

Alam ko naman,

Ako’y may kasalanan,

Di naman itinatanggi,

Di naman ikinukubli.

Ngunit ito ba’y mali din?

Nais ko lang naman sabihin,

Saloobin ng damdamin,

Na aking kinikimkim.

Wag sanang masamain,

Aking sasambitin,

Ito sana’y pakinggan.

Kahit may makamalian

Kahit papaano’y malaman,

Laman ng isipan

At ang nararamdaman,

hindi na kailangang hulaan.

Ngunit kong ito’y mali din,

Aking pilit muling uunawain,

Nararamdama’y babalewalain

Wag lang masakatan ang bawat damdamin.

Idadaan na lang sa ibang gawain.

Nararamdamang ito’y lilipas din.

Dahil di ko din naman kakayanin,

Ito’y hindi ko kayang patagilin.

Idaan na lang sa TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon