Mafia Princess 2
Avrille's P.O.V
"Siya ang kumiss kay Raymond!"-girl1
"Gaga si Raymond yung kumiss sa kanya!"-girl2
Tiningnan ko ng masama si girl1 at girl2. Mga chismosa! Ako pa daw yung nanghahalik! Huta! Di pa nga ako maka get-over syempre first kiss ko yun noh! tss!
"Bes halik ang nawala, hindi virginity, kaya dont be sad na!"loko lokong Allysa to! Kanina pa niya ako inaasar. Pano kasi! Walang hiyang Raymo- aisssh! Nakakabadtrip!
"Hala Bes nangangamatis ka nanaman!Naiisip mo nanaman si Raymond noh? Ayieee inlove na si Bes!Hihihi!"-sinapok ko nga! Tss!
"Gaga to!Nahali- aiisssh! Basta ikaw ba naman manakawan ng ha-- haaays!"-nakakalungkot talaga :(
"Hi beautifuls!"ayan nanaman yung lalaking kinakapitan ng higad kanina. Tss! Awts siyempre anjan nanaman yung hinayupak. Dapat yung mga nagnanakaw ng halik pinapakulong din eh!
"If you dont mind, we will be sharing the table with you"sabi naman nung lalaking medyo bulol sa 's'. Ay oo nga pala, andito kami sa canteen ngayon.
Tapos hala, pagkasabi nun nung lalaking medyo bulol sa 's', biglang naglapag ng maraming pagkain yung staff ng canteen dito sa table namin.
"Madami pa namang mga bakanteng table sisiksik pa kayo dito!"totoo naman diba?!! haler! nung pumasok sila naglabasan yung mga ibang students.
Nagsnap yung lalaking naka-eyeliner. Tas pumasok yung mga students na lumabas kanina, kaya tuloy ayun, puno agad lahat ng tables. Arrrgh!
"Maawa ka naman na Missy, wala na kaming mauupuan oh!"sabi nung lalaking mukhang babae. Tapos eto namang si Raymond(kumukulo talaga dugo ko pag binabanggit yung pangalan niya) naka cold stare, tas tinanguan si Allysa.
"Ahm ah sige hehe.Upo kayo!"-sabi ni Allysa, tss!
"Allysa naman!!!"pagrereklamo ko kay Allysa.
"Kumain ka lang ng marami Avi,mapapagod ka sa mangyayari mamaya"mangyayari mamaya?pero the hell! AVI?!? SAN NIYA NAMAN NAKUHA YUN!
"San mo naman nakuha yung Avi huh?!!!"sabi ko kay Raymond.
"Stupid!Edi siyempre sa pangalan mo!"gutom ako kaya hindi ko pinapansin yung kung anu-anong sinasabi niya.
*riiiiiiiiinnnnggggg*
Bell na. Wala naman kaming next subject kaya pupunta nalang muna siguro kong library.
"Bes cr lang ako. Text mo nalang ako kung asan ka ha! Byieee!"pagpapaalam ni Allysa. Kaya heto ko ngayon loner habang naglalakad sa hallway.
"HOW DARE YOU TO KISS MY BOYFRIEND??"
"A-ako?"sino ba naman kasing boyfriend nito na kiniss ko daw teka di kaya si RAYMOND?!!
"OO IKAW! AKO LANG ANG MAY KARAPATANG HUMALIK KAY RAYMOND HAH!TANDAAN MO YAN"sabi niya sabay sambunot sa kin. Papa-api ba naman ako diba?kaya tinadyakan ko siya sa tiyan gamit yung tuhod ko.
"HOW DAREEEEE YOU!"nakisama na yung mga kaibigan niya. Puro sila sambunot tss!
"Ang cheap niyo naman puro kayo sambunot!"pagkasabi ko nun pinagsusuntok ko sila sa mukha, sa tiyan. Tss pasalamat sila naawa pa ko.
Nung nakaupo na silang lahat sa sahig, dumating yung Dark Auras.
"Anong nangyayari dito huh?"tanong ni Raymond. Tss! Edi kampihan niya yang girlfriend nya!
"Eh kasi Baby kiniss ka niya eh. Sa kin ka lang diba?"sabi nung babae.
"Baby baby! Hindi mo ko property ah! At lalong lalo na hindi ako boyfriend mo para saktan mo yung babaeng ikikiss ko!"sabi ni Raymond.
"Eh hindi ka naman pala girlfriend eh lakas ng loob sumugod!"sabi ko tas sinuntok ulit yung babae sa braso sabay alis.
Bwiset! Nang dahil sa Dark Auras na yan mukhang di ata magiging maganda yung last year ko sa HS.