Kabanata 2

20 1 0
                                    


Maingay ang buong paligid at nakikita ko na marami ang nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Mukhang masaya doon! I wanna go there!

Sinusubukan kong isiksik ang katawan ko sa pagitan ng mga taong nagsasayaw upang makapunta sa cetro ng dance floor. Iba't-ibang kulay ng ilaw ang nakikita ko sa paligid. Masakit din sa mata ang ilaw  ngunit gusto ko talagang makarating doon.

Patuloy sa pakikipagsiksikan nang mabangga ako ng isa sa mga babaeng sumasayaw.

"Aray!" Sigaw ko at napapikit sa sakit. Tumama ang kung anong parte ng katawan niya sa batok ko. Probably her elbow? IDK! Napahawak ako sa batok ko habang iniinda ang sakit. What the actual fuck? Ang wild naman magsayaw! Hindi ko alam kung paanong natamaan ako sa batok.

Nilingon ko ang grupo ng mga babae na nakabangga sa akin. Ang dami nila.. 'Di ko na maalala kung sino ang nakabangga sa akin dahil hindi ko na iyong pinagtuonan ng pansin..

Umirap ako sa ere at ipinagpatuloy nalang ang pagsiksik sa pagitan ng bawat taong nagsasayaw.

Panay ang bigkas ko ng 'Excuse me!!!'

Ilang hakbang nalang ay mararating ko na ang cento ng dance floor nang may biglang humigit sa aking bewang.

"Ano ba?!" Asar kong bigkas sabay subok kong lumingon sa humablot sa akin. Sa lakas ng puwersa ay mas lalo yata akong nahilo! Fuck!

Gusto ko biglang manakal! Don't tell me palalabasin nila ako ng bar na ito. Dahil hindi nila ako kilala! Biglang naalala ang babaeng nakasiko sa batok ko. Kung nalaman ko lamang kung sino iyon, sana ay napatalsik na siya sa bar na ito at di na muling makababalik pa!

"Hey, it's me."  sambit ng lalaking humablot sa akin. Nakalapit ang kanyang bibig sa aking tainga kaya nararamdaman ko ang init ng kayang paghinga.

Inilayo ko ang aking mukha sa lalaki at sinubukan siyang lingunin..

Literal na lumingon ako pataas. Dahil kung di ko iyon gagawin ay ang dibdib ng lalaking ito lamang ang makikita ko. 

Nahihilo na ako at medyo nanlalabo na ang  paningin ngunit nakilala ko parin kung sino ang nakatayo sa tabi ko. Si Jammy lang pala.

Nakapulupot na ang kaliwang kamay niya sa bewang ko, nakayuko sa akin.

Pumikit ako panandalian ako minasahe ang batok ko na ngayon pakiramdam ko ay sumasakit na. "Fuck." Sabi ko.

"Do you want us to go back inside the VIP room?" Tanong niya.

"No. I want to dance!" Medyo pasigaw kong bigkas dahil hindi ko alam kung maririnig ba niya ako dahil sa ingay ng paligid.

"Really, Alice? I think you're really drunk now." Bigkas niya. Ngayon ay nakalapit nanaman ang mukha sa aking tainga.

"Yes! I badly want to dance!" Sagot ko.

Tinangal niya ang brasong nakapulupot sa bewang ko at hinawakan ang kaliwa kong kamay.

"Walk behind me. I'll lead the way."

Bago pa ako makapagsalita ay nagsimula na siyang maglakad papuntang centro. Bakit parang ang dali na gumilid ang mga tao nung siya na ang sumubok makipagsiksikan? Maybe because he's tall? Idk!

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, nakasunod sakanya. Hindi namalayang huminto siya ay bumangga ang katawan ko sa likuran niya.

Hindi ininda ang nangyari ay lumingon ako sa paligid. Umiikot na ang paningin ko ngunit nakikita ko na maraming babae at mga lalaki ang nagsasayaw! Naramdaman kong dumaloy ang excitement sa buong katawan ko!! Itinaas ko ang parehas na kamay, ipinikit ang akin mga mata at nagsimula ng magsayaw!

Phases of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon