Chapter 1: Log in

47.9K 904 256
                                    

Panimula: ako po'y isang baguhan sa pagsusulat ng isang kwento, subalit gusto kong gumawa ng kwentong hango sa aking sariling imahinasyon. Pagpasensyahan nyo na po kung sakaling hindi nyo gaanong maintinhan ang aking mga sinulat.  To all commentator » hindi ako demanding pero please lang kailangan mo munang umabot sa chapter 7 bago ka magcomment hindi ito boring na kwento tulad ng iniisip mo. Mga ilang taon lang meron ng ganto MARK MY WORD.
Paalala: Ang mga pangalan ng mga karakter o lugar ay pawang katang isip lamang ng taga lathala ng estoryang ito. Free to comment negative or positive are all acceptable, im a beginner i need to learn more. Ginawa ko ito para sa mga "Tunay na manlalaro ng mga ONLINE-GAME" no more Prologue nanghihinayang ako sa 1st page. Kung Hindi ka nakakarelate, Utang na loob kailan kapa magliLevel-up? hindi na Stone Age ngayon.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
 

                        c x x x x x ]{ Another World Online ~>>

nagmamadali akong naglalakad papuntang school, kasi mukang malilate na ako sa aming first subject, halos lakad takbo na ang ginagawa ko para hindi ako malate. Napuyat ako kagabi dahil sa aking ginagawang project na ipapasa ngayong araw.. at sa pagmamadali ko sa paglalakad.....

"AAhhhh" napahinto ako, dahil nahagip ng aking kaliwang balikat ang isang lalaking pasalungat ang lakad palabas ng gate habang papasok naman ako. Napalingon ako sa direksyon ng taong iyon. "Hoy pulpul anong tinitingin-tingin mo" marahas na boses ng lalake, walang ano-ano'y isang malakas na suntok ang binitawan nito mula sa kanang kamay, "oooowwwkkk" tinig mula sa aking bibig, agad kong ininda iyon, dahil tumama iyon sa aking kaliwang tagiliran. Nanghina ako at pakiwari ko'y nabali ang ribs ko sa parting iyon..

"Next time wag kang haharang-harang sa dinadaanan ko, dahil kung hindi babasagin ko yang muka mo kasama na yang salamin mo" wika nito, tanging tango na lamang ang aking naisagot habang sapo ng isang kamay ang aking tagiliran. Maya-maya'y nawala na eto dahil nagmamadaling umalis. Franko ang pangalan nya at member sya ng isang baseball team sa school, sya ang pinakasiga sa school at ubod pa ng yabang. "Balang araw makakaganti din ako sayo" dahil sa galit ay nasambit ko mga bagay na iyon sa pabulong na boses, nagpatuloy na ako sa paglalakad..

"Ok class mag-umisa na tayo, ito ang ating 2nd week of school, hindi ko pa gaanong kilala yung iba kaya check attendance muna ulit ha" malumanay na tinig mula sa aming guro. "Yes Ma'am" sabay-sabay na bigkas naming lahat. Nag-umpisa na itong bumigkas ng mga pangalan, alam kong ako na ang susunod na tatawagin "Hamada Rio Marc" tawag ng aming guro, "present po maam!" masiglang tinig na nagmula sa akin.

Rio Marc L. Hamada ang buong kong pangalan, labing pitong taong gulang, pinanganak noong marso 24, 2010. lalaki ang kasarian, wala akong ibang talent pero top 6 ako sa section namin,  mahilig akong magbasa kaya sa madaling salita nerd din ako at ayaw ko ng lagpasan pa ang mga nasa top list sa section namin dahil lalo akong bubulihin ng mga ito. Wala akong kaibigan kasi hindi ko sila kayang ipagtanggol tulad ng sarili ko, kaya mga libro nalang ang kinaibigan ko, pero may mga nagsasabi na maganda naman daw build ng katawan ko, kaso duwag lang daw talaga ako at masyadong mabait. Sa totoo lang ayaw ko talaga ng gulo at ayaw ko ding masangkot sa anumang gulo bukod pa don ay nag-iisang anak lang ako, sabi ng mama ko Ok lang daw na apihin nila ako, babalik din naman iyon sa kanila dahil may tinatawag na KARMA at hindi natutulog ang diyos manalig ka lang sa kanya, yon ang tinanim ko sa aking isip kaya napalaki ako ng aking mga magulang nang maayos at may takot sa diyos.

Another World Online (AWO) - ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon