"Ipasa mo ang bola sa'kin, kuya" sabi ko habang tinataas ang kamay ko.
Naglalaro kami ng basketball kasama ang mga pinsan ko. This is two vs. two. Kakampi ko si kuya Clark at nasa amin ang bola.
Binabantayan ako ni Vince. Tumakbo agad ako ng maipasa ni kuya Clark ang bola sa'kin at ilan lamang sandali ay nagpakawala ako ng isang maangas na 3 points. Ngumiti ako ng malapad. Yeah, its me Sam.
"Wooohhh, ang galing mo talaga Sam." inakbayan agad ako ni kuya Clark at ginulo ang buhok ko. Inis kong nilayo ang aking sarili at pinandilatan siya sa mata. "Nangangamoy libre... Woohhh ilibre niyo na kaming dalawa ni Sam" sigaw ni kuya.
Napakamot ng wala sa oras ang dalawa kong pinsan. Nanalo kami sa laro kaya dapat lang na manlibre ang dalawang 'to sa'min.
Lumapad ang ngiti ko.
"Libre. Libre. Libre. Libre" paulit ulit kong sigaw. Sinabayan naman ako ni kuya Clark kaya walang nagawa ang dalawa kundi dalhin kami sa ice cream shop.
Hindi gaanong malayo ang ice cream shop mula sa basketball court dito sa subdivision namin kaya nilakad lang namin ito.
Ang kulit ng tatlong 'to kaya pati ako ay nahahawa sa kakulitan nila.
"Which flavor do you want, Sam?" tanong sa'kin ni Justin pagkarating namin sa ice cream shop.
"I want chocolate" sabi ko.
Nag order na ang dalawa at humanap kami ng mauupuan ni kuya Clark.
"Clark" may tumawag kay kuya Clark kaya napatingin kami sa taong 'yon. Kasama nito ang apat na babae at tatlong lalaki sa iisang lamesa.
Ngumiti si kuya Clark sa kanila at pinuntahan ito. Tsk, wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Nakikipag apir ito sa lahat at nakikipag kumustahan.
"O guys, my cousin Sam." pagpapakilala niya sa'kin. Duh!
"Hi Sam" sabi nila. Bilang ganti ay ngumiti lang ako sa kanila.
Kilala ang walong ito sa school namin dati kaya hindi malabong hindi ko sila makilala. Anong ginagawa nila dito sa subdivision namin 'e ang alam ko lang nakatira dito ay si Jasmine which is walang Jasmine na kasama nila.
"Kailan ka pa naka-uwi dito sa pinas, Sam?" sabi ni Harold. Well -- kalat na pala ang pag-alis ko dati.
"Kakadating ko lang 'nong isang araw" sabi ko.
"Ah -- kaya pala. Its nice to see you again" ngumiti ako na may halong plastik. Nice? -- nice mong mukha mo.
"Ano pala ang ginagawa niyo dito?" agad na tanong ni kuya sa kanila.
"We want to suprise Jasmine for coming here but wala pala sila sa bahay nila. Mamayang gabi pa sila makakauwi ng mga magulang niya." mala anghel na sabi ni Monica. The spoiled brat. Tsk, ganyan lang yan kasi kausap niya si kuya Clark. Crush niya yan 'e dati pa.
"Ganon ba, nasaan pala sila?" tanong ulit ni kuya. Tsk, daming tanong ah hindi ba pwedeng maupo muna kami saka sila magkwentuhan ulit.
"Sabi ng yaya nila, pumunta sila ng Cavite para sa bahay nila doon" sagot naman ni Kenzo. The Nerd.
"Oy, hi guys. Kumusta ang bakasyon natin" bungad ni Justin sa kanila. Magkakilala pala silang lahat. Na out of place tuloy ako o kailangan ko na talagang umuwi.
"Hey.. Hey.. you are all here? Anong meron" bungad din ni Vince sa kanila.
I think I need to go.
Kinuha ko ang ice cream mula sa kamay ni Justin kaya napatingin silang lahat sa akin.
"I have to go. Thanks for the treat Justin. Kuya mauna na ako" sabi ko sa mga pinsan ko.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at dali-dali ng umalis sa harap nila. Oo, ganyan ako ka bastos. Well, who cares anyway?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Enemies Turned Into Lovers
HumorSamantha Yvonne Gabriel was living in London for 2 years. She came back to the philippines and to her beloved former school as well. She meet the arrogant yet handsome boy Zian Tolentino, a smart SSG president of their school and also used to be an...