RPW 2

9 2 0
                                    

"Dam?!"

Paano? Bakit sya nandito? Paano nya nalaman kung saan ako nakatira?

"Hmm. Hi? Hehe." Potek wag kang ganyan. Lalo ako nahuhulog sayo e.

"Ahh. Hehe. Wala akong masabi. Haha. Nagulat ba kita?" Dagdag nya. Anong nagulat?! Potek gulat na gulat kamo!

"Haha. Paano mo nalaman address ko?" Pag tatanong ko sa kanya.

Alam niya real account ko, pero hindi naman nakalagay doon kung san ako nakatira. Kaya pano nangyari to?

"Hmm. Hindi mo ba ako aayain pumasok sa bahay nyo? Haha."

"Ay sorry. Haha. Halika pasok ka. Sorry nawala sa isip ko. Nag merienda ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Medyo natanga ako ng konti haha.

"Hindi pa. Pero hindi naman yan pinunta ko dito e, kundi ikaw."

Hindi ako nakasagot agad kasi biglang dumating si mama na may dalang merienda. "Mag merienda ka muna iho. Wag ka mahihiya saken ha, feel at home hehe." Sabi ni mama kay Dam. Wow close ba sila?

"Hehe. Salamat po tita."

"Sige maiwan ko muna kayong dalawa jan." At nawala na nga si mama na parang bula. Charot.

Umupo ako at nag kulikot ng phone. Dami nya palang chat at tawag. "Bakit ka nga pala naparito?" Tanong ko habang binabasa mga chat niya. Tae ano ba pinagsasabi neto, akala nya siguro na depressed ako nung nalaman kong may girlfriend na sya. Ngi haha.

"Tsaka pano mo nalaman address ko?" Dagdag na tanong ko.

"Binigay mo saken last time, remember? Tsaka, matagal na kita gustong puntahan," Ay wow. Edi sana ginawa mo agad! Napunta ka pa tuloy sa iba. "nagkaroon lang ako ng lakas ng loob dahil sa sinabi mo saken kanina." Dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung ano ba mararamdaman ko e. Kung kikiligin ba o masasaktan. Kikiligin kase nag effort sya na puntahan ako. Masasaktan kase alam kong may girlfriend na sya at hindi kami pwedeng mag sama. Kase alam kong hanggang kaibigan lang talaga kami.

"Dam, alam ko may girlfriend ka na. Handa akong itigil 'tong nararamdaman ko para sa'yo wag ka lang mawala sakin." Para akong nag mamakaawa sa sinabi kong 'yon, pero wala na akong pakealam.

"Aray ko naman! Bat ka nananapok jan!" Tae bigla ba naman akong sinapok. Aaaaak!

"Siraulo ka kasi! Sino ba nag sabing iiwan kita? Kaibigan kita. Mahal kita. Bat ko naman gagawin sayo yan? Tss."

Awts. Awts. Mahal nga, kaso hanggang kaibigan lang. Hehe. Di naman masakit. Hindi talaga promise. Gusto ko lang talaga manapak ng isang beses.

"Oo na! Oo na! Wag ka manapok! Baka pag ikaw sinapok ko jan tanggal ulo mo talaga!" Ang hirap idaan sa biro lahat. Yun bang gusto mong umiyak sa harap niya kaso, ano na lang iisipin niya?

Kasi tama din naman sya, parehas kami, ayaw ko din na masira pagkakaibigan namin. Mas mabuti nang ganito kami, sweet pero walang label. Mahal ang isa't-isa pero walang kami. Kasi parehas kaming takot mawala ang isa't-isa.

Sa gitna ng kwentuhan namin ay napatigil kami nang biglang lumabas si mama galing kwarto nya na may malakas na tugtog pa.

~Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede~

Napatingin ako ng masama kay mama, habang si Dam naman ay napatawa ng bahagya. Hay nako talaga! Kung pwede lang manuntok ng nanay kanina ko pa ginawa!

"Tita, uwi na po ako. Salamat po sa pag welcome sakin dito. Hehe." Ani ni Dam. Alas sais na din kasi ng gabi kaya kailangan na nyang umuwi. "Salamat Nic. Labas tayo minsan." Dagdag pa niya.

Tumango ako at ngumiti saka sya lumabas ng bahay. Dali dali naman akong pumasok sa kwarto para tignan syang umalis. Tanaw kasi mula rito tsaka gusto kong makasiguro na safe syang makakaalis.

Napaupo ako habang nakatitig lang sa cellphone ko. Hinihintay na mag chat sya o di kaya'y tumawag.

"Hay nako Nicole! Ano ba kasi pumasok sa katawan mo at nagkagusto ka sa kanya!" Sabay sabunot sa sarili. Mababaliw na yata ako.

You got 1 new message from Damian Monteverde*

Nawala naman bigla ang antok ko nang nakatanggap ako ng chat galing sa kanya.

"Hi Nicolet! Kanina pa ako nakauwi. Katawag ko kasi si Eliz. Hehe. Gising ka pa ba?" Amp! Kelangan pa ba talaga sabihin yun? Sige okay lang. Hindi naman masakit hehe.

"Okay lang. Priority first syempre. Hehe." Di ko alam pero naiyak na talaga ako. Bakit ba napaka insensitive nya? Hindi nya ba talaga alam na nasasaktan ako?

Bago pa man sya makapagreply, inunahan ko na agad sya, "Matutulog na ako Dam. Goodnight :)" A lie. Hindi ko na hinintay ang reply nya at pinatay ko na agad ang data.

Hindi ko naman sya naging boyfriend pero bakit ganun? Bakit ang sakit? Damang dama ko yung sakit. Panong sakit? Sobrang sakit bes.

Napatagal ba pag-amin ko sa kanya? O sadyang napaaga lang talaga kung ano ang meron sila ngayon?

Nag punas na ako ng luha sa mata at bumangon. Shet basang basa unan ko kawawa naman. Pumunta ako ng banyo at nag ayos ng sarili para matulog.

Magiging maayos din ako. Mawawala din ang sakit na 'to.
***

"Anak gising na kakain na."

Bumangon agad ako at ginawa ang dapat gawin bago lumabas ng kwarto. Hindi ko na muna kinulikot cellphone ko kasi ayoko muna makabasa ng chat galing sa kanya.

"Anak sino ba yung bisita mo kahapon?" Pag tatanong sakin ni mama. Napaka chismosa naman talaga.

"Si Dam nga mama. Hindi ko ba sya napakilala sa'yo kahapon?" Pagkakaalala ko e pinakilala ko sya kahapon kay mama.

"Hindi ko din alam nak. Hehe. Pero, narinig ko usapan nyo kahapon. Alam mo naman ako. Hihi. Okay ka lang ba?" Kitams? Chismosa po talaga mama ko.

"Opo okay lang ako ma. Tsaka, wag na po natin pag-usapan." Tumango na lang si mama at nag patuloy na kami saming pagkain. Gusto ko muna kasi kalimutan kahit saglit lang. Kasi mamaya pag nag on na ulit ako ng data, masasaktan nanaman ako.

Bumalik ako sa kwarto at syempre nag kulikot na ng cellphone. Nakatanggap ako ng tatlong chat.

1 message from Damian Monteverde.
1 message from Jake Fabiane
2 messages from Eliz Falcon

Eliz Falcon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Role Play WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon