Heart&Sketches (One Shot)

59 0 0
                                    

..dahil pinakilig niya ko ng sobra sa BTCHO. Hello alyloony! ^_^v

------------------

Chapter  1

(Meesha’s POV)

Ang cute nya..

Ang ganda ng mga mata nya..

Ang lips nya parang ang...

 ARGHHHH!!! Teka ano ba ‘tong ginagawa ko??!! Dinodrawing ko na naman sya... Meesha, nandito ka sa library para mag-aral at hindi para magsketch. Ano ka ba?!!.. kasi naman eto ulit ako dinorawing na naman ang crush ko.. Si..si... Ano nga ba pangalan nya? Hayy... hanggang ngayon hindi ko pa din sya kilala.. =______= Basta madalas ko lang syang nakikita dito sa library. Lagi din kasi akong nandito..

Noong unang punta ko dito nakita ko sya dun sa may dulong part ng study table na nagbabasa. Hindi ko pa sya msyado napansin non. Wla lang, dedma kasi may iba pa din akong gusto noon. Pero palagi ko syang nakikita dito at unti unti parang sya na nagiging dahilan ng pagpunta ko dito.. at ayun na nga.. Hindi na sya mawala sa isip ko. Pati mga sketches ko ininvade na nya! Hahaha. Medyo marunong kasi akong magdrawing, namana ko sa dadi ko. ^____^ Halos mapuno na ng mukha nya ang sketch pad ko. Obsessed lang? haha. Ang cute cute nya kasi. Ayiee!! Kinikilig na naman akow.

“Oy, Bat wala ka pa?” para kong timang kinakausap yung drawing. Hindi ko pa kasi sya nakikita simula nang pumunta ko dito sa library. Nasan kaya sya ngayon? Hayy... “Enebeyen hindi ko ata ikaw makikita ngayon.”

“Miss, pwede paupo?” Nagulat nalang ako nang biglang may nagsalita sa may gilid ko.

“Ay tae ka!” napasabi ko sa sobrang pagkabigla. Napatingin tuloy ako sa kanya. OH. MAY. GAS. Lalo akong nagulat sa nakita ko.. Si.. Si.... Si Crush. Napatulala ako. Ang gwapo pala talaga nya sa malapitan. Takte! Teka, teka, teka.. Ano gagawin ko?! Nakita kaya nya yung drawing ko?! Pagtingin ko dun sa sketch pad nakabaliktad na. Buti nalang  nabaliktad ko na kanina nung nabigla ako. Pero... pano kung nakita nya bago pa nya ko kausapin. ANONG GAGAWIN KO??? ANO GAGAWIN KO??..UWWAAAA!!!!!

“Hindi ako tae, tao ako.” Sabi nya habang umuupo dun sa may tapat ng upuan ko. Bale magkatapatan kami. 

Ampupu. Nasaang mundo ako? Nananaginip ba ako? Tumingin ako sa paligid ko. Nas library parin naman ako. Pero hindi ko na makita yung ibang estudyante dito dahil parang nagblur sila lahat at etong lalaking nasa tapat ko lang ang malinaw na malinaw parang HD. Hahaha. 

“Miss, bat parang namumula ka ata?” bigla na naman syang nagsalita.

Napahawak ako sa pisngi ko. Hala, namumula ako?? WAHHH!!  NAMUMULA AKO SA SOBRANG KAKILIGAN... ay este sa sobrang kahihiyan pala .. NAKAKAHIYA!! Nakakahiya talaga. Sana hindi nya nakita yung drawing ko. >____<

“UHH..KA..Kasi.. Ang init.. ang init kasi.. hee..hee..” nanginginig kong sabi.

“Huh?! Mainit? Eh malapit tayo sa may aircon ah. Naiinitan ka pa ng lagay na yan?” tapos bigla syang tumawa. Ay Syet. First time ko sya nakita tumawa..tas ako pa ang dahilan. GRABEEEEEE!!!! Kung nananaginip talaga ako, PARANG AWA MO NA ALARM CLOCK WAG NA WAG KA MAGAALARM!..

 “Ahh.. oo nga noh.. hi..hindi ko kasi ramdam, balat kalabaw ako. Hehehe.”  Palusot ko.

“Ah ganun ba? Okay.” ngumiti nalang sya tapos binuksan yung bag at kinuha yung cellphone nya.

Ay, naniwala naman. Hmm... Mukang tapos na conversation namin.  Yun lang yon? Hayy.. Ambilis naman. Nakakabitin. =_________=  

Kuya.. magsalita ka pa. Kausapin mo ulit ako bilis..

Heart&Sketches (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon