Maven

14 2 0
                                    

                

Tanghali na at awasan na ng aming klase, papauwi na sana ako nang yayain ako ng aking mga kaibigan at kaklase na kumain ng lomi bago umuwi, naengganyo naman ako sumama sakanila.

Ang ngalan nga pala ng mga kasama ko ay Marie, Angelo, Christopher, Adrian at Jhon, habang kumakain bigla nilang pinag-usapan ang thesis nila ngunit hindi nila ako kagrupo doon, kaya nang magkayayaan sila pumunta kina Angelo tinanong nila kung nais ko pa rin bang sumama kahit na hindi nila ako kagrupo.

Napaisip ako sapagkat may kalayuan ang bahay namin sa bahay nila Angelo at isa pa may lakad pa ako kinagabihan.

Ngunit may kung ano sa puso ko na nagnanais sumama kaya naman sinigurado ko sakanila hindi kami masyadong magpapagabi at agad naman sila sumang-ayon roon.

  Narito na kami ngayon sa bahay ng aming kaklase na si Angelo, ang dami kong nalaman sa bawat isa. Napuno ng tawanan at halakhak ang pamamahay nila. Naramdaman ko namang mas napalapit na ako lalo sakanila ngayon kaya nagbahagi na rin ako sakanila ng mga mahahalagang kaganapan ng buhay at mga likha kong sining. Nakakatuwa't namangha sila roon.

Sabi nga nila bumibilis ang takbo ng oras kapag masaya ka kaya di nakapagtataka na hindi rin namin namalayang unti-unti na ring nagdidilim.

"Uy Maven hindi mo pa ba kailangan umuwi?" Tanong sa akin ni Adrian.

Agad kong kinuha ang telepono ko at nagtipak ng mensahe sa kaibigan kong makakasama mamaya na kung matutuloy ba kami.

Ilang saglit lang ay nagreply ito at nagtanong kung sigurado ba daw ako na sasabay ako sakanya papunta sa paroroonan namin sapagkat siya'y gagabihin. Agad ko rin namang sinabi na oo ayos lang sapagkat nasa bahay rin ako ng aking kaibigan at medyo malayo ito.

Nawala ang atensyon ko sa telepono nang tanungin ako ni Angelo kung sigurado ba daw ako na aalis pa ako mamaya sapagkat delikado umalis ng gabi, agad ko rin namang ipinagmalaki  sakanila at sinigurado na huwag silang mag-alala sa akin sapagkat may magsusundo at maghahatid naman sa akin. Nang banggitin ko iyon ay tila napanatag na ang kanilang loob.

Ilang oras pa ang lumipas at nakauwi na ako. Pagkatapos magpahinga ay naghanda na ako sa susunod na alis ko.

Habang naghihintay sa sundo ko ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Angelo, naglalaman lamang ito ng pasasalamat sa oras na sumama ako sakanila at paalala na mag-iingat ako sa aking lakad.

Aaminin ko at nagalak ang aking puso nang sandaling mabasa ko ito sapagkat hindi ko naman maitatanggi na ako'y may lihim na pagtingin kay Angelo.

Naputol ang aking pagngiti ng kausapin ako ng nakatatanda kong kapatid.

"Maven anong oras na, susunduin ka pa ba ni Theo?". Tumango naman ako at nagpaliwanag na natagalan lamang ito sapagkat galing pa ito sa aming eskwelahan.

Si Theo ay ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, limang taon na rin kaming magkaibigan. Isa siya siya pinagkakatiwalaan kong lalaki sa buong buhay ko.

"Saan nga ba kayo papunta?" dagdag niya pang katanungan.

"Ngayon ang selebrayson ng kaarawan ni Stella nakakatuwa nga at pinayagan akong umalis ni mama ng ganitong oras" pag papaliwanag ko sakaniya."

"Mapalad ka sapagkat kilala ni mama mga kaibigan mo kaya pinagkakatiwala ka nila sakanila" ngiti ng aking kapatid sa akin.

Ilang sandali pa ay sinamahan ako ng aking kapatid sa may gate kung saan ako susunduin upang masiguro na ligtas akong maisusundo at hindi nagtagal ay dumating na rin si Theo.

"Ingatan mo ang kapatid ko." Narinig kong wika ng aking kapatid  bago paandarin ni Theo ang kaniyang sasakyan.

Bago dumako sa bahay ni Stella ay agad muna kaming dumaan sa isang convenient store upang bumili ng sorbetes na siyang ibibigay naming handog kay Stella, ako na ang kusang bumaba ng sasakyan at bumili. Nang makabalik ako sa sasakyan ay agad ulit itong pinaandar ni Theo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon