PROLOGUE

21 1 0
                                    

Brooklyn, New York USA

"...I'm in. Ang ganda ng lugar na 'to, updated ang technology. Nice."

Hinawakan ng binata ang radio earpiece na nakatago sa wavy blond na buhok nito.

"Bryce, do you copy?"

Narinig ng binata ang boses ng kanyang best friend at literal na partner-in-crime.

"Hear you loud and clear, Blaster. Maligayang pagdating sa Colton building, fifty stories of luxury apartments, and home to our mark." sabi ng kanyang matalik na kaibigan sa kabilang linya. "Maya-maya lang, lalabas na rin si Colton diyan, so keep your eyes peeled. Nandito lang ako sa vantage point sa labas, kung kailangan niyo ng rescue." dagdag pa nito.

"Think I'll be fine." sabi ni Blaster na may natatawang ekspresyon.

Lumingon ang binata sa elevator kung saan may lalaking nakasuot ng magarbong damit, malinis na pangangatawan at talaga namang mukhang mayaman ang hitsura. Pinatunog nito ang dalawang daliri sa harap ng mukha ng isang guard upang pukawin ang atensyon.

"Heads up, I've got eyes on the mark!" bulong ni Blaster sa mga kasamahan na nasa kabilang linya.

"Hey, you!" sigaw nito sa mukha ng gwardya. Gulat na napatingin ang gwardya sa kanya at tinanong kung siya ba ang tinutukoy nito.

"Yes, you, dimwit! I don't pay you salary to slack off. Look alive! I'm giving you all free bagels so that you won't get hungry all the time."

"You don't give us free bagels." mababang tono na pagsagot ng gwardya rito.

"What was that?!" kita ang inis at pagiging matapobre sa Amerikanong mukha nito.

"I-" natatarantang pag-rason pa sana ng gwardya ngunit agad din siyang pinutol ng lalaki.

"Did you just tell me how to run my building?! I don't need any of you poor riff-raff people giving any opinion! You don't know anything about any shit because you all are poor!" galit na pahayag nito.

"Y-yes, sir. Sorry, s-sir!" sambit ng gwardya.

Tinapunan ni Colton ng nandidiring tingin ang gwardya at naiinis na lumakad papunta sa pinto, nabangga pa nga nito si Blaster.

"...Jack-ass." inis na bulong ni Blaster sa sarili.

"Hamish Colton. Corrupt multi-millionaire chemist, and an a-grade douchebag. Papunta 'yan do'n sa massage parlor para magpa-masahe sa mga babaeng ino-objectify niya." kwento ng kaibigan ni Blaster sa kabilang linya.

"Sa gantong oras, may limang nag-iikot na guards sa loob at labas ng building, yung isa nasa front desk. Kailangan natin ng access sa computer ng nasa front desk na iyon." dagdag pa ni Bryce.

"No need to worry, I've got him."

Lumakad si Blaster sa harap ng guard na parang wala lang. Ni-hindi ito tumingin sa kanya, walang kakatiting na interes sa binata.

"How can I help you, sir?"

Sa accent nito, may napagtanto si Blaster.

"Oy, Filipino ka?"

"I- yeah! H-how can you speak- you look white as fuck- I mean, never mind. Paano po kita matutulungan?" gulat na tumingin ito kay Blaster.

"Hmm, wala, kita ko kasing hardworking ka at may kailangang buhaying pamilya sa Pilipinas. I can tell that you might need a break."

Tinignan nito ang binata ng nagsususpetyang tingin, ngunit nataranta ang mukha nang makita ang maayos na itsura at damit niya.

"I- pero hindi 'yon pwede, sir. Gaya nga ng sabi mo, may pinapakain ako sa Pilipinas. Baka masisante ako nang wala sa oras dito kung may gawin ako." paliwanag niya sa binata.

The Heist Case: Indigo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon