CHAPTER 1

12 0 0
                                    

3 years later... Manila, Philippines

WARNING: Explicit language

POLICE OFFICER'S POV

"Captain, give me your best police officer." this is Noah Carterson, ang iniidolo ng co-workers ko na security enthusiast. May ni-release siyang libro kung saan tuturuan ka kung paano mag-undercover, mag-spy sa mga heist crews, basics ng lock pick at kung paano ba nakakatakas ang mga fugitive na essential members sa heist crew. Para masabi kayong heist crew, ano ang kailangan para mabuo? Lahat ng sikreto ng heist, nandoon. Inilahad din sa libro na iyon na spy siya dati ng Indigo heist crew.

"Banerji, pumunta ka sa opisina ko." siya si Deputy Director General Lawrence Santiago, matagal ko nang suitor. Hindi ko alam kung bakit na naman niya ba ako iniimbita sa opisina niya. Naalala ko, one time, inaya niya akong mag-sex, ipo-promote niya raw ako into sergeant. Ano ako, tanga? Alam kong hindi na niya kontrolado yung mga ganoong bagay, 'no.

"Banerji, nakikinig ka ba?" nagising ang diwa ko nang marinig ang boses na pamilyar ng Deputy Director namin. Sus, kunwari pa 'tong professional, pero sobra ako kung landiin sa labas ng opisina. Well, mabuti na 'yon kasi alam niya rin ang limitasyon niya.

"Yes, Sir?" sinagot ko siya habang nakatingin sa mga mata niya.

"Pumunta ka na lang sa opisina ko. Wala akong gagawin sa'yo, nandoon sina Sir Noah at Director General Asuncion."

"I told you, Mr. Carterson, International Police Agency will be in charge of the notorious crew. Philippine National Police can not, and will not be involved in further investigation." pakiusap na pahayag ng Heneral kay Sir Noah.

"Chill, shit, chill. Hihiramin ko lang naman para maging assistant ko."

Wait, narinig ko talagang nag-Tagalog siya?!

What the...

"This is not a game, Mr. Noah. Seryosong sitwasyon 'to, kailangan nating—"

Naputol ang salita ng Heneral nang biglang hampasin ni Mr. Noah ang la mesa na namamagitan sa kanila. "Well, fuck it!" sigaw nito. "Laro lang naman 'to para kay Blaster, eh. Gusto niya ng laro, so bibigyan natin siya ng laro!" hinilot-hilot ni Mr. Noah ang sentido niya at bumuntong hininga out of frustration. "look, just give me what I want and we'll figure this out. You have to trust me." pilit na kalmadong paliwanag niya sa Heneral.

Bumuntong hininga ang Heneral, at walang nagawa kundi sumang-ayon na lang kay Sir Noah.

"Banerji, alam mo na siguro kung bakit ka nandito, 'di ba?" sambit ng Heneral sa akin.

"Yes, sir— what?!"

Talaga?! Ako talaga yung pagkakatiwalaan nila para sa misyon na ganito?! Walong taon nang minamanmanan ang Indigo crew dahil kahit gaano pa kahigpit ang seguredad sa kahit anong establishment, ay kayang-kaya nilang nakawan nang walang nakakaalam... Mastermind nila si Blaster. Blaster pa lang ang alam naming impormasyon sa kanya, kahit na apelyido, wala. Baka screen name niya lang 'to. Limang taon nang naging katrabaho ni Noah si Blaster pero sobrang cautious daw nito, na kahit pangalan ng magulang, karelasyon, hindi nila alam.

Nasa penitentiary na si Reese Manabat, ang isa sa Indigo crew. Matunog ang pangalan niya dahil sa pagiging demolition prodigy niya. Ang problema nga lang, hindi siya nagsasalita. Kahit na kakatiting na impormasyon ay wala siyang ibinigay sa media. Tahimik lang siyang nakikinig sa bangayan, at hindi sinasagot ang kahit na anong katanungan niya.

Si Bryce San Diego, matalino siya, pero wala ang talino niya kung hindi siya inuutusan ni Blaster, matalino lang siya sa mga computations, at pagkakabisa ng mga bagay.

The Heist Case: Indigo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon