Erich POV
Nasa room ako ngayon walang magawa nakatunganga lang wala pa kasi yung teacher namin first subject kaya in short ang boring dito ngayon. May meeting pa daw kasi yung mga teacher kaya wala pa yung guro namin. Siguro ang iba kong mga kaklase nagcucutting na siguro walang teacher eh. Hahahaha.
Kaya kinuha at nilabas ko Yung cellphone ko para malibang naman ako sandali habang wala yung teacher namin. Magpefacebook nalang ako may wifi tong skul namain eh mayaman yata toh hahah joke lang.
Ayy, wait hindi niyo papala ako kilala guys noh hehehe. Ok sige magpapakilala na ko. Ako nga pala si Erich Jin, 18 years old, grade 12 nako, nag-aaral sa Hindi Pinag-isipan Ang Pangalan National High school. Ewan ko ba Kung bakit ganyan ang name niyan halata hindi talaga pinag-isipan walang kaeport- eport obvious naman talaga sa pangalan palang ng school namin.
Back to me
So, ayon sabi ng iba na matalino daw ako at maganda pero para sakin tama lang tagala. May mahaba akong buhok na kulot at napaka itim nito, itim din yung kulay ng mga mata ko na may mahahaba at mapipilantik na pilikmata, maputi at makunis din ang balat ko, may roon din akong matatangos na ilong at may kissable lips ma natural ang pagkapula. In short maganda nga talaga ako hahaha ang yabang ko ba sorreh naman nagsasabi lang ng totoo. May kasabihan nga na honesty is the best for society hahaha charot lang simpre policy yun.
Habang nag-iscrolle ako dito sa newsfeed ng facebook account ko Hindi sinasadyang napadaan ang isang tao at hindi bagay na naging dahilan ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Lub dub lub dub luh dub. Yung piling na parang may nagliliparang paru-paro sa loob ng tiyan ko. Pagkakita ko pa lang ang mukha niyang napakasarap halik-halikan yuck nagiging pervert na yata ako pero sa kanya lang naman eh. Enebe be hahaha.
Tinignan ko ulit yung pic niya. Mark Jay Flores update her profile picture. 1hour ago.
OMG guys, ang gwapo niya talaga kaya crush na crush ko yan eh. Yung nakakaakit niyang mga mata at yung pamatay niyang mga ngiti kaya lalo lang akong nahuhulong sa kanya.
Pero kaya nga lang kagaya ng ibang merong may crush sa kanya hanggangtingin na lang talaga. Kahit na alam kung maganda ko o higit pa sa ibang nagkakaroon ng crush sa kanya alam kung hindi niya ko magugustohan. Satagal ko na ba siyang crush manga almost 4years na pero hanggang ngayon ganon pa din baka nga hindi nya ko kilala eh.
Hayyy, MJ my luv's kaylan mo ba ko mapapansin hanggang tingin na lang ba talaga ako at hanggang pasulyap sulyap na lang ba talaga ako sayo huhuhu. Yuck ang drama ko talaga.
Tama na nga ang drama. Ini off ko na ang cp ko kasi nandayan na si ma'am tapos na siguro ang meeting nila. Pero bago ko ini off ang cp ko sinulyapan ko pa uli yung picture niya. Pangkatapos ko itong sulyapan ini off kuna at ipinasok sa loob ng bag ko.
********
Fast forward
Pinagwalis kami ng teacher namin sa may quadrangle dahil medyo marumi daw kuno. Kasama ko'yung iba ko pang mga kaklase. Paminsan-minsan ay lumalakas Ang hangin kaya nililipad yung ibang mga kalat dahilan para matagalan kami sa paglilinis dito ngayon.
Inabot kami ng recess time kaya nagsisibabaan na yung ibang mga studyante. Natanaw ko yung crush ko na papunta sa canteen kasama yung mga kaibigan niya. Sa hindi malamang dahilan biglang na pa sulyap dito sa kinaruruunan ko MJ kaya ako naman itong malandi umiwas ng tingin. Para kung yari sa iba ako nakatingin para hindi niya mahalata na sa kanya ko tumitingin.
Ang gwapo niya talaga. Bulong ko sa sarili ko. Buo na ang araw ko ngayon Nakita ko na siya e. Bunos pa at na pasulyap siya sakin Heheheh kinikilig ako.
Bigla naman akong nakaisip ng kalokohan lalo na nang magkatitigan uli kami. Potek lang yung mga malalandi kong hormones nabuhay na naman.
Kinaladkad ko yung isa kong kaklase papuntang canteen tapos sinabi ko sa kanya yung plano ko. Lumapit kami nang bahagya sa pwesto nila MJ at nagready na kami nitong kaklase ko para sa gagawin naming kalokohan ay hindi ako lang pala nasama lang siya hahaha.
"Kayo na pala nung crush mo ha!" Sabi ko sa kaklase ko. Nilakasan ko talaga para madinig niya.
"Oo, crush niya din daw ako e." Malakas kaming tumawa pareho pagkatapos niyang sabihin yun.
"Hay nako. Sana all kina-crushback!" Talagang diniinan ko iyung huli kong sinabi. Para syempre dapat na marinig na iyun ng crush ko hahahah.
Sinulyapan ko si MJ na ngayon ay nakatingin din sa akin habang nakangisi. Ang gwapo talaga, lumalabas 'yung dimple niya.
Bigla naman siyang tumayo at naglakad banda sa kinaruruunan ko. Bigla akong kinabahan parang gusto yatang lumabas ng puso ko dahil sa subrang bilis ng pagtibok nito. Huhuhu feeling ko yata ang pula pula na ng mga pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaya at tinignan itong katabi kong kilig nakilig kasi kung makahampas kasi akala mo naman hindi tao yung katabi niya ang sakit sakit ng hampas niya. Siya kaya itong hampasin ko ng mafeel niya namn ang nararamdan ko sa hampas niya.
"Kaya mo yan pare!" Kaya ang alin hindi ko sila gets. Nagigingbobo na ba ako. Hindi naman yata diba.
"Ayon oh, nagkalakas din ng loob umamin." Aminin ang ano? Ano ba ang dapat niyang aminin? Clueless na tanong ko sa sarili ko.
"0o nga, at ng makagraduate kana. Hahaha." Sabi ng isa niya pang kabarkada.
Graduate?
Binalik ko ulo ang tingin ko sa kanya at napakurap-kurap dahil dahan-dahan na pala siyang nakalapit sa kin at sabay hapit sa baweng ko. Ramdam ko yung matigas niyang braso. Amoy na amoy ko rin ang panlalaki niyang pabango nakakainlove lalo.
"I- crushback mo na kasi ako para hindi nalang tayo taga-sana all." Kinindatan niya pa ako pagkatapos sabihin Ang mga kataga 'yung. Napanganga na lang ako.
" C-rush mo din ako?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
"Hindi ba halata? Kaya lang naman ako pumupuntang canteen para masilayan ka e. Sulit naman kahit medyo masikip 'yung canteen at maingay." Napatunganga na lang ako at hindi makapagsalita dahil sa sinabi niya. Talaga ba crush niya din ako hheheh kilig to the bone lang ang pig ko ngayon. Lord kung panaginip lang ito ayaw ko ng magising pa pero hindi eh totoo talaga ito. Napabalik lang ako sa realidad ng magsalita uli siya.
"Baby, bawasan natin 'yung 90% ng populasyon ng hanggang taga-sana all nalang. Let me court you. Be my girl, and I'll be your man forever." Saad naman nito bago halikan ang noo ko.
FIN.
I hope you like it guys 😊