Ang Pagwawakas

8 0 0
                                    

Nagising nalang ako sa isang hospital kung saan ginamot ng mga doctor at nurses ang aking mga sugat. Pagkatapos nun ay nilapitan ako ng isang imbestigador; nang pumasok siya sa kwarto ay iniwan niyang nakabukas ang pinto. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari at kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari ngunit umiling-iling lang ito. Habang nagsusulat siya ay may nahagip ang mga mata ko sa labas ng pintuan; di ako pwedeng magkamali si BRYLLE..... sumigaw ako ng sumigaw at nabigla naman ang imbestigador. Tinawag niya ang mga doctor para pakalmahin ako; tinuro ko sa kanila si Brylle na ngayon ay nagpakita na naman ng malademonyo niyang ngiti, pero di nila ito makita. Ni refer nila ako sa isang mental institution sa pag aakalang baliw ako. Pero alam ko ang totoo; andyan lang siya sa tabi tabi naghihintay ng pagkakataon na mapatay ang huli niyang biktima... 

BrylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon