×Una

10 0 0
                                    

Alas/Juaqin pov.

Nauuhaw ako, kailangan ko ng

"Dugo"

Nangangati ang mga kamay ko, namimiss ko na yatang

"Pumatay"

Nakikita at naririnig ko ang aking sarili na humalakhak ng napakalakas habang umiinom ng isang pulang likido

A-ako ba talaga yun?

Paano?

Nasa likod ako ng isang malaking baul

Nagtatago

Walang imik

Hindi makagalaw

hindi ko n-naiintindihan, bakit ako napunta sa lugar nato? Huling alala ko ay natutulog lamang ako saaking silid

Dumungaw ako ulit sa lakakeng kamukang kamuka ko na kanina pa tumatawa, katulad ko ay may matangos itong ilong, mapupungay na mga mata, maputing balat at malambot na labi

Hindi ko lubos maunawaan kung anong ginagawa ko dito, hindi rin ako pamilyar sa lugar na ito

"Panginoon" bulong ng kanyang tagasunod

Matalim na tingin naman ang ibinigay ng lalakeng kamuka ko sakanya

"Ako'y iyong ginagambala habang masaya kong iniinom itong paborito kong inuminsaad nung lalakeng kamuka ko

"P-patawad panginoon ngunit--"

Hindi natuloy ang tinuturan ng tagapagsilbi sapagkat siya'y pinatay ng lalakeng kamukha ko

Sa aking gulat ay napatayo ako mula sa aking pinagtataguan, nanginginig ang aking tuhod na lumingon sa gawi ng lalakeng kamuka ko ngunit

Wala na siya

Maging ang mga ilaw ay namatay

Napaawang ang aking bibig ng matanaw ko ang isang babaeng nakaitim na nasa aking harapan ngayon

Nakangisi ito...

Habang nanginginig ang aking tuhod ay pinipilit ko paring hagilapin ang kanyang muka, natabunan kase ito ng suot niyang sumbrero na kulay itim din

"S-sino ka?" Buong tapang kong tanong

"Nakakatawa naman atang pagmasdan ang ginoong nakatayo sa aking harapan ngayon" tugon niya sa tanong ko at kitang kita sa muka niya na siya ay malapit na matawa. Dahil doon ay nakaramdam ako ng konting inis

"Sagutin mo ang aking tanong" seryoso kong sabi

"Ako si Matilda at ako ang nagdala sayo sa panahong to"

Ngumisi siya at umupo sa baul

"Hindi kaba nagagalak? Dapat pa nga siguro ay magpasalamat ka saakin" awtomatikong tumaas ang aking magkabilang kilay sakanyang sinabi

Bakit naman ako magagalak na ako'y kanyang dinala rito? Wala naman akong alam sa lugar nato at isa pa nanganganib ang buhay ko rito

"Nasa taong 1987 tayo" sabi pa niya ulit at tumingin sa trono sa harapan namin

Teka...1987?!

"Nababaliw kana yata binibini"

Ako naman ngayon ang natatawa sa pinagsasabi ng babaeng ito

Devil's LoveWhere stories live. Discover now