May 1, 2011, sa bayan ng Santa Barbara
"Pepe, narito na tayo tumayo ka na dyan at ipasok mo na ang mga gamit mo." nagising sya sa malakas na pagbukas ng pinto ng sinasakyan nilang SUV.
Sa pagmulat ng mga mata nya, sumalubong ang mainit na sikat ng araw kasabay ng mayuming hangin. Narito na sila sa probinsya kung saan nakatira ang kanyang Lola Goreng, ang bayan ng Santa Barbara. Wala syang ideya kung nasaang parte sila ng Pilipinas dahil sa ilang oras na biyahe ay natutulog lang sya at ayaw naman talaga nyang pumunta rito para magbasyon. Dito walang internet, walang computer, walang kalaro o kaibigan, walang kahit anong interesado sya.Kahit labag sa loob ay kumilos na sya para bitbitin ang bag na naglalaman ng mga gamit nya saka bahagya pang tumalon pababa ng sasakyan. Abala ang lahat sa pagaayos ng mga gamit habang sya ay patuloy na minamasid ang paligid.
Ang kabahayan ay may disenyo ng lumang Espanyol at walang ibang kulay kundi kayumanggi, itim at puti, karamihan ng mga ginamit na muwebles at kahoy ngunit mukhang matibay parin ang pagkakatayo nito Malawak iyon at malaki ang bukana ng pinto, mula roon ay matatanaw ang malaking hagdan paakyat sa ikalawang palapag.
"Boring, parang wala namang magagawa dito, halos puro jejemon ang nakikita ko kanina, walang guwapo." naroon na pala ang nakatatanda at kaisa isa nyang kapatid na si Dory at umakbay pa ito sa kanya.
"Oh nandito na pala kayo!" lakad takbong lumapit sa kanila ang Lola Goreng nya na sinalubong naman ng ina nila ng yakap at halik. "Namiss ko kayo! Mga apo halina kayo at magsipasok na." nagmano at humalik muna sila sa Lola at bahagyang nagkamustahan. "Eto na pala ang mga apo ko, Kay lalaki na nila, na miss ko kayo! Kumusta naman? Hija, Dory ilang taon kana? May nobyo ka na ba?" mababakas ang pananabik sa matanda sa pagsalubong sa kanila.
"Naku Lola, 17 palang ako, wala po akong boyfriend, wala po akong oras para diyan!" napairap sya sa naging sagot ng kapatid.
Bumaling naman ang matanda sa kanya at matamis na ngumiti. "Ikaw, Pepe? Ilang taon ka na?"
"11 po Lola." maikling sagot nya.
"Naku bakit parang ang liit mo para sa edad mo? Tuli ka na ba apo?" napayuko sya sa tanong ng matanda habang ang kapatid nya ay malakas na bumungisngis.
"Hindi pa iyan tuli Lola, paano tinatakbuhan yung doktor kapag napunta ng bakasyon." patuloy parin ito sa pagtawa at nakitawa na rin ang matanda pati na ang ina nila sa tabi kaya lalong lumalim ang pagkakayuko nya.
"Tumatanda kana apo, kukunat na iyan." muling nagtawanan ang mga ito. "Nako, tama na nga at napapahiya na itong apo ko, umakyat na kayo at pumili na sa dalawang kuwarto sa itaas, magbihis na kayo, maya maya ay kakain na tayo ng tanghalian."
Iyon ang naging signal at nagtakbuhan silang magkapatid at dahil naunahan sya ay ang natirang silid sa kanan ang tinungo nya. Malawak din ang espasyo doon at may kalakikan ang kama, may salaming bintana rin sa kanang bahagi ng kama. Ngunit ni walang telebisyon o xbox na malalaro doon. Ibinaba nya ang bitbit na bag at nagpalit na ng damit pambahay at tsinelas. Sumilip sya sa malaking bintana, doon nya nakita ang malawak na lupain, naroon ang maraming unipomadong mga kasambahay at nandidilig sa hardin. Ngunit kaiba sa mga nakauniporme ay may maliit na babaeng nakasuot ng bestida at nakatingala sa isang puno na may mga puting bulaklak, sa tabi noon ay katulad ng mga bulaklak ngunit nakapaso at hindi pa puno. Bahagyang pasayaw sayaw pa ang babae at malamyos na umiikot. Mas maliit ang tangkad nito kaysa sakanya at mukhang mas bata rin ang edad. Huminto sa pagsayaw ang babae at tumingin sa likuran nito sa direksyon nya saka ito tumakbo papasok ng kabahayan.
Naroon lamang sya at tahimik na tinatanaw ang malawak na hardin. Hindi nagtagal ay may kumatok sa pintuan ng kanyang silid. "Pepe, kakain na, bumaba ka na."
Tumalikod na sya at lumabas ng silid saka bumaba na sa kabisera. Naroon na at nakaupo ang kapatid, ina at Lola nya sa mahabang lamesa sa kusina. Naupo sya sa tabi ng kapatid habang ito ay hawak ang cellphone at nagtitipa ng kung ano, maya maya ay bahagyang tumili ito ng mahina saka ipinakita sakanya ang screen na nagpalaki ng mga mata nya. "Pe, tignan mo itong 'ano' ng ka text mate ko, sinend nya sakin ang laki! Kaya ikaw magpatuli ka na!" bumubulong ito sakanya pero hindi na nya ito pinansin. Nakita nyang abala ang mga kasambahay sa pagaayos ng pagkain at kubyertos sa lamesa. May lumabas na babae mula sa kusina at may dala itong mga pinggan at lakad takbong papunta sa lamesa ngunit may naapakan itong ano dahilan para matalisod sya at bumagsak ang katawan nito sa sahig kasama ang mga pinggan. Patayo na sya sa pagkakaupo ngunit hindi nya nagawa nang makita ang mukha nito. Iyon ang babae sa hardin kani kanina lang.
"Celeste ano ba! Hindi ka nagiingat ang kulit mo! Sa susunod huwag ka nang sasama rito nakakagulo ka lang! Pasensya na po Madam, ibawas nyo nalang po sa sweldo ko iyong mga nabasag, pasensya na po, ito kasi!" isa sa unipormadong kasambahay ang pumulot sa batang babae saka ito piningot patayo.
"Naku, ayos lang iyan Grace, paki linisan nyo nalang at baka may sugat si Celeste?" imbis na magalit ay mahinahon ang Lola nya.
Lumapit ang kapatid nya at bumulong sa tenga nya. "Yie, crush nya, kilig si Supot!"
*
BINABASA MO ANG
Kalachuchi
General FictionA story of love and regrets Char! Di ko rin alam basahin mo nalang!