4:00am.
Bumungad sa akin ang mga numero ng alarm clock ko. Sobrang aga naman yata ang gising ko ngayong linggo.
5:00am.
Tumunog ang tiyan ko ng madaanan ko ng tingin ang oras sa isang icon sa ibaba ng screen ng laptop ko. Tatapusin ko muna 'tong bagong update para mamaya ip-pm ko nalang kay Rune para maayos yung grammar. Lumabas ako ng kwarto ay dumeretso sa kusina para magsaing.
6:00am.
"Nak? Ang aga mo naman yata?"
"Napaaga kasi ako ng tulog kagabi, ma." Tumango-tango si mama at pumunta sa may bintana. "Nakakasilaw naman yata ang araw ngayon."
7:00am.
"Ang init sa labas, jusko. Buti nalang nakapaglaba na ako kahapon at natuyo na yung mga sinampay."
Sobrang lakas ng kaba ko sa sinabi ni mama. 7:00am na kaso wala pa rin sumisikat ang araw. Kanina ko pa binabalik-balikan ang lahat ng orasan sa bahay kasama ang mga relo ko. 7:00am walang sobra, walang kulang.
Akala ko ay baka nababaliw na si mama kaso parang binuhusan ako ng malamig na tubig nung nag-open ako ng original kong facebook account.
Happy Sunny Day! #sunniestandbrightestdayever
#pooltimeYes, I know, hindi lang yung araw yung nakakasilaw, pati yung ganda ko. #sunniestandbrightestdayever
Lahat ng post ay may nakainclined na picture kasama ng mga caption nilang may kasamang #sunniestandbrightestdayever kaso yung mga pictures nila, sobrang dilim at tila di mo na mawari kung may tao ba talaga.
Okay, Elly, kalma. I know! Google!
NASA declares that today is the sunniest day that the world has ever seen. The most warmest weeks are coming during this year due to the Earth's new orbit. It is the brightest time of the week! Happy International Brightest Day!
Nababaliw na ba ako? Tumakbo ako uli palabas sa bakod. WALA. WALA AKONG NAKIKITANG ARAW. Ni bituin o buwan, wala. ANONG NANGYAYARI?
YOU ARE READING
Dark Daybreak
FantasyThe sun is missing and the world turns into something else and the rest of the world thinks nothing is going on and it's completely normal. "Ma? Anong sinasabi mo? Wala na ang araw!" Nagkatinginan sina mama at papa at tumingin sa akin, puno ng awa...