Naandito na kami sa baryo ng San Josefa at ngayon ay mag che-check in kami sa isang hotel.Hindi naman sya kagaya ng hotel sa maynila pero maayos na ito ikumpara sa dati kong tinuluyan ng may coverage ako sa isang lugar na kung saan ay puro nagaadik ang mga nakatira.
"Ito susi mo Alliana.Tumawag ka lang kung may kailangan ka ha.Katabi lang naman ng kwarto mo ang kwarto namin,kaya one call away lang kami."sabi nito.Sya pala ang incharge sa grupo namin.kung baga sya yung guide namin dito and his name is Tomi.
"Ah sige salamat."sabi ko dito bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid.Ayos naman sya,hindi mo masasabing pangit,hindi mo rin masasabing maganda.Kumbaga nuetral lang.
Cream ang kulay ng dingding.May air conditioner,may sala set,kusina at dalawang kwarto na sa palagay ko ay C.R at ang magiging silid ko.
Pumunta muna ako sa kwarto para ilagay ang mga gamit ko.Inayos ko na rin ito para wala na akong gagawin mamaya.Hindi ko nga alam kung bakit dito pa nila ako inilagay.Sobrang laki kasi nito para sa isang tao lang, Samantala sila doon ay nag sisiksikan.
Nang maayos ko na lahat ng gamit ko ay napagpasyahan kong maligo muna para presko.Masyado kasing mainit dito kahig sabihin mo pang naka air
conditioner.Nang matapos akong maligo ay dumaresto ako sa kusina para makapagluto na ako ng hapunan ko.Nagsaing lang ako ng isang gatang at nagluto na lang ako ng meatloaf.Tinatamad kasi ako magluto ng heavy meals kaya mag titiis na lang muna ako sa meatloaf.
Tapos ko nang prituhin yung meatloaf kaya inayos ko na lang ang lamesa.Lumipas ang ilang minuto ay naluto na rin ang kanin,kaya nagsandok na ako.Onti lang naman ang kinakain ko.Hindi kasi ako sanay kumain ng marami.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng may kumatok sa pinto.
*tok* *tok* *tok*
"Sino yan?"sigaw ko.Malayo pa kasi ako sa pinto dahil nga nasa kusina ako at kumakain.
"Si Tomi toh."sagot namam nito.Agad ko namang binuksan ang pintuan ng malaman ko kung sino ang nasa labas.
"Ah sorry natagalan."hinging pasensya ko dito.
"Ayos lang.Halika sama ka sa amin.Gusto kasi muna nila maglibot-libot kaya pumayag na rin ako."paliwanag nito.
"Ha?Ah eh nakain pa ako eh."dahilan ko dito.Eh sa totoo naman kasing nakain pa ako eh.
"Mamaya na yan.Sumama ka na lang muna sa akin.Kung sakaling makakita tayo ng makakainan ay doon mo na lang ipagpatuloy yan."mahabang salaysay nito.Wala na rin naman akong magagawa dahil hindi nya ako titigilan hangga't hindi nya ako napapapayag.
"Oo na,oo na."sagot ko na lang dito."Hintayin mo ako magbibihis lang ako."dugtong ko pa.
Agad akong kumilos.Niligpit ko muna yung pinagkainan ko tapoa umakyat na rin ako aa taaa para magpalit ng damit.Nang matapos ay dumaretso na ako sa labas at naabutan ko doon yung mga kasama ko.Naka ready na silang lahat.
"Tara na?"tawag pansin ko sa kanila.
"Oh halika na,naandito na pala si Alliana."sabi ng isa sa mga kasama nya.
Nilock ko na ang pinti at sumunod na sa kanila.Sumakay kami sa Van para malibot namin ng maayos ang lugar.
"Sa plaza muna tayo.Sabi kasi nila marami daw ang pwedeng mabili doon at saktong sakto tayo na piesta pala ng San Josefa bukas kaya sigurado na marami tayong makikita na pwede nating ilagay sa report."sabi ni Glyza.Hindi lang kasi basta report ang gagawin namin.Bukod kasi sa ipapalabas sa T.V ay meron pa kaming ipapasa sa Head namin at rireviewhin nya muna ito bago ibigay sa Direktor namin.
Makalipas ang halos lagpas isang oras ay nakarating na rin kami sa plaza.Marami ang tao,siguro dahil na rin sa diperas ngayon.
Nang makahanap na ng mapaparkingan ay agad din kaming bumaba.
"So guys maghiwa-hiwalay muna tayo.Magkita-kita na lang tayo ng 10:00 dito.Para malibot nyo kung ano mang gusto nyong puntahan."sabi Tomi.Tumango na kaming lahat bilang sagot.
Naghiwa-hiwalay na kami.Ako naman ay dumaretso sa pinaka sentro ng plaza.Dito na lang muna siguro ako tatambay.Umupo ako sa bench na malapit sa may malaking puno.Maliwanag naman dito dahil halos lahat ng tindahan ay nakabukas ng mga ilaw na animoy pasko sa sobrang liwanag.
Kahit maliit ang baryo ng San Josefa ay masasabi kong masaya ang bayan nila.Parang wala silang pinu-problema dahil sa saya na nakapaskil sa mga mukha nila.Hindi mo rin halata merong crisis na kinakaharap ang bayan nila.
Nilibot ko ulit ang aking paningin nang may mapansin akong bata na nasa gilid lang at nakaupo.Nakayuko ito sa kanyang tuhod.Nilapitan ko naman ito.
"Hey kiddo!"bati ko dito.Tumingin naman ito sa akin.
"Are you lost?"tanong ko dito.Sa tingin ko ay nasa 5 or 6 years old na ang batang ito.
Pero sa halip na sagutin ako ay inirapan lang ako nito.
Potek ang suplado naman ng batang ito...
Napabuga ako ng malalim na hininga.
Tiis ka lang Allian,bata yan...
Kahit kailan talaga ayoko sa mga bata.Nako.Kung hindi lang nawawala ito?hindi ko talaga lalapitan ang batang toh.
"Where's your Mo—"hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko ng may biglang sumulpot na lalaki sa aking tabi at biglang nagsalita.
"Thank God Calix!!your here."
______________________________________
Sino kaya ang lalaking dumating?
Kaano-ano kaya ng lalaki si Calix?
If you want to know,just vote and leave a comment for appriciation,thanks.
—Lovelotss😍😘