Naghihiyawan. Nagpapalakpakan. Nagsasayawan... bata man o may edad, payat o mataba, babae, lalaki o kahit sino pa, mga taong napapatili at nagsisigawan sa sayang dulot ng tawag ng musika.Pero paano kung ang tawag nito ay ihahatid ka sa taong hindi mo inaasahang sa iyo'y itinadhana?
__________
Ako si Andrei Cortez, Drei for short, isang simpleng probinsyano na sobrang adik sa Music. Madalas niyo akong makikita sa kahit saang Live Concerts. Talagang napakasarap sa pakiramdam sa tuwing naririnig ko na ang malakas na hampas ng drums, ang makinis na tunog ng gitara at ang mapang-akit na boses ng mga bokalista. Bonus na lang kung may kagandahan ang mukha.
Minsan ay dumalo ako sa isang Live OPM Concert na isinagawa sa city plaza. Punung-puno ng mala-batalyong mga tao na nag-aabang sa mga bandang nakilahok mula pa sa ibat-ibang sulok ng probinsya. Kasama kong nanuod ang aking pinakamatalik na kaibigan at kababata mula sa Brgy. Kwarto-Sinco. Si Jasmine Salvador.
"Bilisan mo naman Drei! Magsisimula nang tumugtog ang susunod na band." Sigaw ni Jasmine habang hinihila ang aking kamay sa kalagitnaan ng madla. "Ayun oh! Medyo maluwag dun!"
Malakas ang hiyawan ng mga tao. Talon dito, sigaw doon. Dumagdag pa sa masiglang vibe ang mga makikinang na neon lights na sa sobrang sinag ay napalitan ang kadiliman ng gabi. Nagpatuloy ako sa pakikipagsiksikan sa madlang people habang hawak pa rin ni Jasmine ang aking kamay. Dama ko ang higpit ng paghawak at ang lambot ng kanyang dalisay na mga daliri. Biglang napatigil ang aking katawan sa pwesto na direktang nakatuon ang nakakasilaw na spotlight malapit sa harapan ng entablado.
Nanlaki ang aking mga mata nang biglang naglakad paharap ang bokalista ng banda. Nakasuot siya ng maong na jacket na medyo fit at kitang-kita ang tikas ng kanyang katawan, itim na skinny jeans, mapormang black na sneakers na may puting stripes. Dahil sa nakakasilaw na ilaw, unti-unti kong pinikit ang aking mga mata para makita nang lubos ang kanyang mukha. Mahaba at nakatali ang kanyang buhok na kasing itim ng gabi. Matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay, malaman na labi at ang kabuuang hugis ng mukha ay maihahalintulad sa isang sikat na artista sa kapanahunan nina Leonardo de Caprio at Johnny Depp.
"Good evening po sa inyong lahat. We are the SHUFFLEPLAY! 1...2...1, 2, 3!" Pagpapakilala ng banda sabay beat ng drummer para simulan ang isang pamilyar na tugtugin.
"There I was an empty piece of a shell
Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all aboutThen you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you"-APO Hiking Society
"When I Met You"The loud bang from the drummer, the strumming of the bassist set the pace of the music. Para akong nasa isang pelikula. Mistulang naka slow-motion ang lahat. Naaaninag ko pa rin ang mga taong galak na galak ngunit ang tanging narininig ko lang ay ang tibok ng aking puso na sumasabay sa pagtugtug ng mga musikero.
Ang malalim ngunit kalmadong boses niya na tila pinapagaan ang buong kalooban ko ang nakaakit sa aking atensyon. Tila lahat ay napatigil sa pagsisigaw at nagwagayway ng mga kamay kasabay sa ritmo ng kanta. Nakabuka ang aking mga labi na sumasabay sa pagkanta habang pinagmamasdan ang tila isang anghel na kumakanta sa harap ko. Sa puntong ito, hindi ko na alam kung ang kanta ba o ang mismong kumakanta ang parang gumagayuma sa akin.
"You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you"Hindi naman sa pagiging-feeler pero sigurado ako na sa sandaling iyon, nakita ng dalawa kong mga mata na nakatitig siya sa akin habang kinakanta ang bawat salita ng chorus. Naramdaman ko ang mensahe ng kanta. Nadinig ito ng puso ko na walang ginawa kundi ang tumibok nang tumibok.
At natapos ang mala-teleseryeng pangyayari na 'yon sa pagbibigay ng masigabong na palakpakan ng mga taong naantig sa kanta.
Parang bula ang bilis ng paglaho ng sandaling ligaya na nadarama. Bumalik muli ang reyalidad ng buhay habang ako...nakatulala lamang sa unti-unti nilang paglisan sa entablado. Hindi ko magawan ng anumang dahilan pero parang may nagsasabi sa akin na dapat ko siyang sundan. Binitawan ko ang kamay ni Jasmine at agad na nagtungo sa backstage na nagbabakasakaling maabutan ko pa siya. Nakita kong nililigpit ng bandmates niya ang kanilang mga gamit habang siya ay umiinom ng mineral watersa isang sulok. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan ko siya at nagtanong. "A-ano po ang pangalan mo?" Pero bago pa man siya makasagot ay tinawag na siya ng kabanda niya.
"Eric let's go! Mag ce-celebrate pa tayo ng unang gig natin." Sigaw ng drummer nila.
Agad niyang hinawakan ang aking kamay saka nilagay ang kanyang plastic bottle na may natitirang tubig habang ang isa ay hinawakan ang kanang balikat at bigla niyang sinabi...
"Sa susunod nating pagkikita, baka hindi na kita maalala.
Ang pakiusap ko lang sa iyo, yakapin mo ako O aking sinta."______________________
Next update will be on Friday!
Feel free to leave any comment or question. Answers will appear on the next update.
_____________________________________________________
BINABASA MO ANG
My Roommate's Playlist
Romance"Music is like Love in a way that it gives climactic pleasure depending on the genre" Inyong matutunghayan ang makulay na kwento ng binatilyong ginamit ang kanyang L.S.S. at pagiging tapat na alagad ng OPM sa paghahanap ng kanyang sinisinta. Punung...