Chapter 3 - The Roommate

18 2 0
                                    

Panibagong buhay, panibagong mundo.

Araw-araw ay nagigising tayo na hindi batid kung ano man ang mangyayari sa ating buhay. Ang unang pagdilat ng ating mga mata, na pagod pa mula sa mahimbing na pagkakatulog, ang hudyat na magsisimula na ang ating panibagong pakikipagsapalaran sa buhay.

__________

"Kaya ko ba 'to?" Tanong ko sa sarili ko habang bitbit ang isang kulay itim na maleta na may nakapatong na carry-on bag sa ibabaw. "Listen Drei, totoo na 'to. This is the real deal! Seseryosohin mo na dapat ang pag-aaral mo. Ipagdasal mo lang ngayon na hindi ka papalpak first sem pa lang kundi yari ka naman sa papa mong dragon."

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang building ng dormitoryo. Malaki, mataas at ang ganda ng pagkakagawa. Talagang high-class. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa numero unong paaralan sa siyudad, diba? Pumasok ako sa entrance ng building. Mukhang mamahalin yung mga muwebles na naka-display at talagang mamamangha ka doon sa mga parangal ng school na una mong makikita pagpasok pa lang. Taliwas sa inaasahan ko, napakatahimik  at tila kakaunti lang yung mga tao. Inaasahan ko pa naman na maraming mga freshman na gaya ko ang dadagsa sa panahong ito na kung saan ilang kembot na lang ay magsisimula na ang pasukan. Agad kong pinuntahan ang information desk at nagtanong kung saang kwarto ako manunuluyan. Nang makuha ko na ang kinakailangan kong impormasyon ay hinila ko muli ang aking mga bagahe at naglakbay sa landas patungo sa aking kwarto. Isinuot ko ang bigay ni Jasmine na earphones at pinatugtog ang paborito niyang kanta. Sa hindi pa nakakaalam, paborito ni Jasmine yung mga sikat na Western hitsongs ng dekada '80.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa third floor. Nang mahanap ko na ang aking kwarto, room 36, nakita ko na tila nakabukas nang bahagya ang pintuon. Alam ko na merong usap-usapan na haunted daw ang building na 'to pero sa halip na matakot ay inisip ko na lang na baka nauna na yung roommate na makakasama ko dito ng isang taon . Kumatok muna ako ng tatlong beses para ipaalam sa kung sino man ang nasa loob na papasok na ang kanyang makakasama. Isang lalaking naka itim na jacket at broad shorts na nakaupo sa kabilang kama na malapit sa glass window ang agad kong nakita. Hindi niya ako pinansin. Wala man lang kahit kibo. Nagtaka ako kung bakit parang wala lang sa kanya na may biglang dumating na tao. Pinakilala ko ang aking sarili.

"Kumusta! Ako si Andrei Cortez, isang engineering student." Pagpapakilala ko. "Ikaw po?"

Bigla siyang tumayo mula sa kinaroroonan niya at naglakad sa harap ko. Mas matangkad siya nang kaunti, mahaba ang buhok na nakatali sa likod at mala-artista ang mukha. Kinuha niya ang aking kamay. "Erickson Montefalco, engineering din." Pagpapakilala niya. "Since we're  in the same faculty, might as well help each other out. If you need anything, huwag kang mahihiyang magtanong sakin. Isang taon naman tayong maninirahan dito, hindi ba?"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Well don't mind if I do!"

Muling nanumbalik ang katahimikan sa paligid nang maglakad siya pabalik sa kanyang kama at pinagpatuloy ang pag-aayos sa kanyang mga gamit habang ako ay nagsimula na ring mag-ayos. Pagkatapos ng lahat ay pareho kaming nakahiga sa aming mga kama. Nakatutok siya sa kanyang selpon habang ako naman ay inoobserbahan ang tinutuluyan naming kwarto. Mas malawak ito kumpara sa isang tipikal na dormitoryo. Malakas ang air-con kaya hindi ramdam ang init ng panahon. Iisa ang banyo na kompleto mula sa shower hanggang sa washing machine. Ang mga kama namin ay napapalagitnaan lamang ng isang maliit na drawer. Biglang nakatuon ang aking atensyon sa kanya. Hawak niya ang kanyang cellpone sa isang kamay habang ang isa naman ay nakapatong sa kanyang tiyan. May bigla akong naalala...isang tao, ngunit hindi ko ma-visualize nang klaro kung sino siya. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakatitig lamang ako sa kanya ng halos limang minuto. Bigla niya akong tiningnan pabalik.

"May problema ba?"  Tiningnan niya ako, mata sa mata.

"Ahh-eh ano...wala naman po. Patawad po at baka kayo ang naistorbo." Nauutal kong sinabi. Isang kahihiyan. Hindi ko lubos maisip kung bakit nahihiya ako nang ganito sa kanya.

"Siguro gutom ka lang." kinuha niya ang isang paper bag na may lamang pagkain. "Saluhan mo ako. Hindi ko kayang ubusin ito lahat. Bigay lang naman ito sakin nung mga seniors sa Law." 

Bagamat nahihiya at tinatanggap ko ang kanyang alok. Sino ba namang nilalang ang kayang tumanggi sa libreng pagkain? "Ang bait mo pala. Kung ganito tayo araw-araw, napagaan ng magiging buhay natin sa loob ng isang taon. I don't mind if you take care of me na parang kapatid!" Pabiro kong sinabi saka kinagat ang ang hawak kong burger. Tiningnan ko ang kanyang magiging reaksyon. Nakangiti. May namuong kasiyahan sa kanyang mukha. Sinikap kong makipagkwentuhan buong araw at masasabi ko na ang gaan na agad ng pakiramdam ko sa kanya na para bang matagal na kaming magkakilala. Naalala ko sa kanya ang mga kababata ko doon sa amin.

Alas otso na ng gabi, Tapos na kaming kumain. Napagdesisyunan ko na maligo muna bago mag shutdown. Agad akong pumunta sa banyo upang maligo at magpalit na ng aking pantulog habang siya ay nakahiga lang at hawak pa rin ang cellphone. Malamig ang tubig na bumuhos sa aking katawan. Bigla kong naalala ang lalaki sa concert. May pagkakahawig sila ng taong kasama ko ngayon. Nang matapos ako sa pagsho-shower, pinunasan ko ang aking katawan saka nagsipilyo ng aking ngipin. Tapos na sa wakas ang ritwal. Kinuha ko ang aking mga damit na nakasampay ngunit nawawala ang aking boxers. Nagtaka ako kung nasaan 'yun. Baka sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan  ko lang iyon sa aking kama. Binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko nang makita kong nakatayo ang aking roommate sa harap ng banyo, bitbit ang aking boxers.

"Akin yan! Salamat at nakita mo." Pero bago ko pa namang masungkit ang boxers ay nilayo niya ang kanyang kamay. Sinubukan ko ulit na  kunin ngunit mas nilayo niya pa. "Hindi na ako nagbibiro tol! Ibigay mo na sakin yan."  Hinabol ko siya sa buong kwarto. Para kaming mga batang naghahabulan at naghihiyawan. Tumatawa lang siya at nagtatalon pa habang kinukutya ako. Malapit ko na sana siyang maabot ngunit natapilok ako at bumagsak kami sa sahig. Nakapatong yung katawan ko sa katawan niya at ang mga kamay namin ay nakahawak doon sa boxers. Naramdaman ko ang tibok ng kanyang puso at ang init na mula sa kanyang katawan. Nakangiti lamang siya habang nakatitig sa akin. Bigla akong namula, hindi lang dahil sa nahihiya ako kundi sa mismong sitwasyon namin. Kinuha ko ang aking boxers. Hindi na ako nakapagsalita at agad na bumalik sa banyo.

Nakahiga na ako sa aking kama at malapit na sanang bumigay ang aking mga mata nang biglang umupo siya sa aking tabi. Agad kong binalin ang aking katawan sa kabilang direksyon. "Pasensya na...hindi ko namang intensyon na galitin ka. Nakita ko lang yung boxers mo kaya kinuha ko. Isasauli ko naman 'yun kaso parang nasiraan yata ako ng ulo." paliwanag niya. "Patawad. Hindi na mauulit." Bumalik siya sa kanyang kama.

"Good night. See you sa klase natin."

__________________________
Next update will be on Tuesday!
Please  vote and follow me po para sa mga karagdagang updates at iba pa. Feel free to ask any questions! Don't be shy po!

My Roommate's PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon