Chapter 1

7 1 0
                                    

Naglalakad lakad ako ngayon sa gilid ng kalsada, hindi ko maalala kung paano ako nakarating dito at paano ako na punta sa daanang ito. Ang daming dumaraang sasakyan, ang ingay ng palid pero di ko gaanong marinig. Naapektohan na rin ba ang pandinig ko sa sakit na nararamdaman ko?

Magpasagasa nalang kaya ako sa rumaragasang sasakyan para matapos na lahat ng to? Hindi ko na siguro mararamdaman lahat ng sakit na dulot ng nakaraan, pag tinapos ko na to dito matatapos na din kaya lahat ng paghihirap ko?

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa paligid. Nagulat ako dahil nasa tulay na pala ako ng kabilang Baranggay. Ewan ko pero bigla nalang ako napatingin sa baba. Pag tumalon ba ako dito mamatay na ako?

Hmm pwede yon, kasi di naman ako marunong lumangoy. Tinignan ko ang cellphone ko kung may nag aalala man lang ba sakin dahil gabi na, pero wala, tulad ng dati tutunog lang ito kapag may hihilingin silang pabor sakin.

Dito ko na tatapusin lahat, tamana siguro yung ilang taon kong paghihirap.

Humakbang ako palapit sa mga bakal na nakaharang sa gilid ng tulay. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin. Unti-unting puma pasok sa isip ko lahat ng pinag daanan ko, naisip ko sa wakas matatapos na lahat ng to. Makakapag pahinga na ako. Isang malalim at mahaba ng buntong hiningan ang aking pinakawalan.

"Lord alam kong mali pero di ko na kasi talaga kaya, sana ay papasukin mo at tanggapin mo patin ako jan ng buong puso jan sa langit." sana ay patawarin ako ng Diyos sa gagawin ko.

Inakyat ko ang nakaharang na bakal at hinayaan mahulog ang sarili sa malalim na ilog. Napaka dilim at napaka lamig, kaparehas ng buhay ko ang tubig, sa halip na mabahala dahil unti unti na akong nawawalan ng malay, nakaramdam ako ng luwag sa aking dibdib na sa wakas makatakas na ako sa malupit na mundo. Unti-unti na akong nauubusan ng hangin at nawawalan na ng malay. Sana ay maging masaya na ang lahat sa pagka wala ko. Papikit na ang mga mata ko nang may maaninag akong maliit na liwanag na unti uniting palapit sakin. Eto na ata ang sundo ko.

"Hoy! Gumising ka na jan! Buti pa ang mga maya-yaman gumugising ng napaka aga, dinaig mo pa ang maya yaman, ano ka buhay reyna?! Hala bangon!" may kasama pang sipa ang pag gising sakin ni mama. Hindi ko na dinibdib ang pagsigaw niya at pag sipa niya saakin dahil kasalanan ko naman, medyo tinanghali kasi ako ng gising. Magsasaing pa ako at magpapainit ng tubig. Kailangan pa kasi naming tumulong sa gawing bahay. Pagkatapos non saka lang kami pwedeng mag handa sa pag pasok sa school.

Ewan ko pero etong mga nakaraang araw parang napaka lungkot ng pakiramdam ko para bang may malaking butas sa dibdib ko. Nalulungkot ako sa di ko malamang dahilan. Inaaliw ko nalang yung sarili ko sa pag babasa para mawala to.

"Uyy. Nakatulala ka nanaman Hanna. Ano nanaman bang iniisip mo?" pag puna sakin ni Kwin. Kaibigan ko siya simula pa ng Grade 7 kami ngayon nasa Grade 9 na kami.

"Nako wala to. Iniisip ko lang yung mga irereview mamayang gabi." Nakangit kong sambit. Ayoko nang  ipaalam sakanya ang mga iniisip ko dahil may sarili siyang mga problema at ayoko na maging pasanin pa.

"Nako Jobie, kung may problema ka andito naman ako para makinig ee. Binugbog ka nanaman ba ng mama mo? Siya ba may gawa niyang pasa mo sa braso?" himig na may pag aalala sa boses ng kaibigan niya. Makikita ang pag aalala ng kaibigan.

"Alam ko namang may problema ka rin kaya ayaw ko ng dumagdag pa sa mga iisipin mo. Salamat sa pag aalala pero okay lang naman ako ee." naka ngiting turan ng dalaga. At naisip niya kung sana lang may pamilya din siyang nag aalala sakanya ng ganyan.

"Sus ano lang naman ang problema ko. Death anniversary mamaya ni mama may konting niluto si daddy, dun ka na mag hapunan mamaya aa." Tumango nalamang ako bilang pag sang ayon sa kaibigan. Masaya ako na kahit papaano ay may isang tao na pinaparamdam sakin na may halaga parin pala ang buhay ko. Na may isang tao parin na nag aalala sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DrowningWhere stories live. Discover now