NARRA

22 1 2
                                    

This is a work of FICTION

--
NARRA

"Oh sa mga walang jowa diyan, mag praktis na kayo mag sabi ng I love you. Mamayang uwian punta kayo sa may puno ng Narra sa labas tapos sabihin niyo 'Narra, I love you' HAHAHAHA"

Sabi ni sir Danilo bago lumabas ng room namin. Mapeh teacher namin siya at last subject narin. Pag kalabas ko palang sa classroom ay nag paalam muna ako sa mga tropa ko na pupunta muna sa garden ng school.

Wala naman masama kung i-try ang sinabi ni sir Danilo diba? Mabuti na yung handa HAHAHAHA

Tumingin ako sa paligid kung may ibang tao. Wala naman kaya gagawin ko na tong trip ko WAHAHAHA

Tumgil ako sa tapat ng Narra tree at tingnan ito

Itutuloy ko ba? Baka next week mag pa schedule na ako sa mental hospita pag nag kataon

"Yow! Hi Narra tree! I love you!!"

Sinigaw ko iyon ng malakas dahil wala naman estudyante na malapit saakin

Tumakbo ako ng mabilis nang may narinig ako na tumikhim sa likod ng puno

Hala! Baka may engkanto doon! Waahh

Hingal na hingal ako ng makarating sa hallway na kung saan naroroon ang mga kaibigan ko

"Oh, 'san ka galing Melody? Bakit hingal na hingal ka?" Tanong sakin ni Kaye

"Wala may hinanap lang ako"

"Tara uwi na tayo"

--

"Melody, ginawa mo ba yung sinabi ko nung isang araw? Nag I love you ka ba sa Narra? HAHAHA"

"Ah eh opo sir hehe"

"Ayus yun para pag mag boy friend ka na madali nalang sayo para sabihin yun HA HA HA HA" tawa ulit ni sir Danilo

"Ah ehehehe opo opo"

"Sige una na ako Melody. Baka hinihintay na ako dun sa faculty ni Lyndon" kinindatan ako ni sir na nang aasar

Alam niya kasi na super duper ultra mega supermart crush ko si Lyndon. At anak pa yun ni Sir Danilo! Wahh amporksteyk niyooo

Pumunta ulit ako sa tapat ng Narra tree. Pang apat na pag kakataon na yata ito na nag I love you ako sa tapat ng Narra. At palagi naman na matapos kong mag salita ay may tumitikhim sa likod. 'Di ko alam kung may engkanto o dwendeng gala sa eskwelahan namin or what.

Inikot ko ang puno at wala namang tao doon, nag salita nalang ako

"Hey, wasap Narra? Kumusta? I love you. Alam mo ba? Siyempre 'di mo alam. Yung anak ni sir Danilo, si Lyndon. Crush ko yun. Kaso ang cold kausap di tulad ng ama niya parang kaklase lang namim. Pero kahit ganun yun, crush ko padin siya hehe. Alam mo ba na parang may engkanto dito? Palagi kasi may tumitikhim pag katapos ko mag sabi ng I love you. Pero ayus na yun hehe. Sige, I love you! Bye! Mwah!"

Nag lakad ako palayo sa puno ng may nabangga akong malapad

"Ay aray sakit nun ah"

"Ly- lyn... Lyndon!? A-anong ginag-awa mo riyan? Kanina ka pa ba!?"

"Yeah mga three minutes na rin" ngumisi ang loko

"What!? Narinig mo lahat na sinabi ko?"

"Uhm yes?"

Namuka naman ang mukha ko at tinakpan ko ito ng mga kamay ko. Hiyang hiya ako

"Ako pala yung tumitkhim palagi diyan sa likod ng puno. Di ko akalain na may sumonod pala kay Dad na mag I love you sa harap ng Narra. Ke gwapo ko naman para maoag kamalan na engkanto" tumawa siya

Inalis ni Lyndon ang aking kamay at yumuko ng konti katapat ng mukha ko. Ngumisi nanaman ang loko!

"I love you too, Melody"

Tumakbo siya palayo saakin at nakita ko si sir Danilo sa di kalayuan na kumkaway.

Naku po! Ano ba pinag gagawa ko sa buhay.

Salamat sa Narra! WAHAHHAHA

Istorya (One-shots)Where stories live. Discover now