FICTION LANG

7 0 0
                                    

FICTION LANG

--

"Klare, tara gala naman tayo oh"

Niyayaya nanaman nila ako

"Wag muna ngayon Jen, mag babasa pa ako isang story nalang to eh"

"Ano ba yan Klare, ilang buwan ka ng ganyan simula ng mag wattpad ka palagi ka nalang ganyan"

Naka simangot nanaman sila

--
"Klare! Buhusan mo nga yung mga halaman sa labas" sigaw ni tita sa labas

"Sandali lang po tita, isang chapter nalang po"

"Ano ka bang bata ka wag kang lumabas labas diyan sa kwarto mo ha? Ibalik kita diyan sa nanay mo!"

"Heto na po"

--
"Klare, bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa ako dito eh"

"Sorry Jake, nag laba pa kasi ako ng mga damit ni tita at ng pinsan kong si Tanya"

"Pakealam ko? Kanina pa ako basang basa ng ulan dito ah"

"Bakit nga ba tayo nandito? May sasabihin ka"

"Break na tayo"

"Wha- what?"

"Break na nga tayo eh"

"Bakit? Nag kulang ba ako? Ano ba ang nagawa ko?"

"Dahil diyan sa wattpad mo! Lahat ng oras mo naandiyan sa mga lalakeng binabasa mo! Hindi sila totoo Klare! Hindi! FICTION lang sila!"

--
"Second honor, Tanya Flores"

"First honor, Klare Montes!"

Nag palak pakan ang lahat ng tao sa loob ng classroom matapos inannounce ni sir Archie na ako ang first honor

Ngiting abot langit naman ang aking dinala habang umuwi ako ng bahay nila tita bitbit sa likod ang aking diploma at madalya

"Saan ka galing bata ka! Ayusin mo na ang mga gamit mo at uuwi ka na sainyo"

"Bumalik na po si mama?"

"Hindi, hindi na siya babalik. Libing na niya ngayon"

"Ano po? Tita? Ngayon na po libing niya? Kailan ho siya namatay- bat di niyo ho sinabi saakin?"

"Anong hindi sinabi? Last week ko ba saiyo sinasabi iyan! Dahil diyan sa kaka wattpad mo! Naka limutan mo na na may pamilya ka! Baka nga siguro pati pag aaral mo napabayaan mo na"

"Tita..."

"Fiction lang sila Klare! Hindi sila totoo! Kami, kaming pamilya mo kami ang totoo"

Oo nga't totoo kayo. Ngunit bakit naman ganito ang trato ninyo saakin? Mas mabuti nalang na mag basa ako ng wattpad. Para kahit naman sa maikling panahon maramdaman ko na mahalaga ako.

Makaramdam ako ng pag mamahal, at pag papahalaga

Wattpad

Aplikasyon kung saan lahat ng bagay ay hindi totoo, ngunit maaari kang makatakas sa madakit na reyalidad

Istorya (One-shots)Where stories live. Discover now