CHAPTER I

126 2 0
                                    


“Keal, huwag kang lumayo! Dito ka lang!” sigaw ni Parrah nang makitang naglalangoy
palayo sa kanya ang kaibigan. Malaki rin ang bahaging iyon ng ilog na kinaroroonan nila na
nasa likod lang ng bahay nila. Mula sa back door ng two-storey nilang bahay ay may mahabang
tulay na umuuga sapagkat ito’y gawa sa mga makakapal na alambre at ang tinatapakan ay mga
pinagsunod-sunod na tabla at sa magkabilang dulo ng tulay ay isang matibay na hagdan pababa
na gawa sa bato. Sa ilalim ng tulay ay ang malalaking bato na inaagusan ng malinis na tubig na
mula pa sa bundok. Tipikal iyong ilog kung titingnan sa itaas, ngunit mamamangha ka kapag
nakarating ka na sa ibaba. Sa may tagong bahagi niyon, sa may parteng gilid ay may isang
punong nayuyungyungan ng malalabay na sanga at malalagong dahon kung kaya’t malilim sa
ilalim noon kahit matindi ang sikat ng araw. May malaki iyong uka sa may parteng katawan na
tila sadyang binutas para magkasya ang isang tao. Doon niya naging ugaling magpahinga at
humimlay kapag gusto niyang takasan ang mga sermon ng nanay niya kapag pinagagalitan siya
nito.
“Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”ganting-sigaw ni Keal na bagama’t tumigil ay hindi pa
rin naman lumapit sa kanya. “Magbasa ka na ng buhok mo.”
“Giniginaw nga ako, mag ingat ka pati at malakas ang agos, baka madala ka,”ganting
sigaw niya. Hindi kagandahan ang panahon ng araw na iyon, ilang araw na ring sunod sunod ang
malakas na ulan. Niyakap pa niya ang sarili nang bahagyang humihip ang malamig na hangin.
Dapit-hapon na noon. “Bumalik ka na rito.”
“Ba’t pala bumaba tayo rito kung hindi ka maliligo?” anito bago sumisid palapit sa
kanya. Sa gulang na dalawampu ay tila isang atleta sa swimming ang kaibigan niya bagaman
hindi ito nahilig sa mga ganoong laro, palibhasa siguro’y nasanay na rin ito ng ama at malapit
lang naman sila sa ilog at dagat. Inilitaw nito ang ulo upang sumagap ng hangin at muling
lumubog.
“Pagkatapos mo diyan, umuwi na tayo,” sabi niya bago nagsimulang maglakad paalis sa
tubig.
“Maaga pa, Icing,” ani Keal nang muling lumitaw. Nakasanayan na siya nitong tawaging
Icing dahil una niyang nilalantakan ang icing sa mga cake kapag may mga handaan. “Wala ka
naman yatang gagawing assignment.”
“Wala nga---,” napatili siya ng malakas ng sumalpok ang mukha niya sa tubig ng bigla
nitong yakapin pailalim ang mga paa niya. Nagpapalag siya.“Keal, ano ba?”
Nagtawa ng malakas ang bata ng sabuyan siya ng tubig sa mukha gamit ang sarili nitong
mga kamay.Gumanti siya at ilang sandaling nagpalitan sila ng sabuyan ng tubig hanggang
mapagod na ng kusa si Parrah at naupo sa isang malaking tipak ng bato.
“Naaalala mo pa ba noong una tayong pumunta rito?”walang ano-anu ay nasambit ni
Keal. Napatingin dito si Parrah at nakitang nilalaro nito ang tubig habang nakatingin sa kawalan.
Inilibot pa nito ang mga mata na tila binabalikan sa isip ang unang hitsura ng lugar na iyon.
“That was quite a very long time, Icing!” he then exclaimed.
Napangiti ang labing walong taong gulang na dalaga, kaipala’y bumabalik sa isip niya
ang ilan sa mga matatagal pero malilinaw pang eksena. “Oo naman, who would forget? Napalo
pa nga ako ni Nanay Eliz noon di ba? Basang basa kasi ‘yung uniform ko. Iisa pa naman ‘yun
kaya hindi ako nakapasok kinabukasan,” natatawang bumaling siya rito. “Eh Ikaw? Naalala mo
ba nung tinangay ng aso ‘yung short mo? Galit na galit ka pa nga noon sa akin kasi ‘di ‘ko
nahabol ‘yung aso, kasi takot ako sa aso hanggang ngayon,” napapangiti si Parrah sa pagbabalik
ng mga ala-ala. Unaware ay napuno ng iba’t ibang mga damdamin ang mga mata niya habang
nakatitig sa ilog.
“Tagal narin Icing ‘no?” tila nagtanong lang sa kawalan si Keal. The moments flowed
like a river. Nagbalik sa alaala niya ang mga happy moments nila ni Parrah. Sumisid ito palapit
sa kinatatayuan ng dalaga at hinatak patungo sa inupuang bato. Nagulat si Parrah; halos
masubsob siya sa dibdib nito dahil sa pagkawala ng balanse, ngunit naging maagap ito para
alalayan siya. Napatitig si Keal sa mga mata niya, unti-unti ay umangat ang kamay nito paakyat
sa mukha niya pero ipinikit pa niya ang mga mata! Itinago ni Parrah ang pagsinghap, pati na ang
bigla ay tila pagririgodon ng mga daga sa dibdib niya. Mabilis siyang nagmulat at bumawi ng
tingin na tila walang nangyari at umayos ng upo sa batong inuupuan ni Keal. Pinaghalong lamig
at di-maipaliwanag na damdamin ang bumalot sa dibdib niya sa pagkakaalis niya sa mga braso
nito. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya, at hindi nakatulong na maging normal iyon lalo na
ng maramdaman niya ang palad ni Keal sa kanyang buhok. Oo, madalas itong gawin ng
kaibigan niya, pero sa pagkakataong iyon, may kung ano siyang nararamdaman. May ibang
hatid na damdamin na noon lang niya naramdaman ang masuyong paghaplos nito sa kanyang
buhok. “It’s been a while, Parrah,” suddenly, Keal uttered to her ears. Narinig niya ang malalim
na buntung-hiningang pinakawalan nito. “Halos hindi ko na alam kung paano mabuhay ng wala
ka,” ipinagpatuloy nito ang masuyong paghaplos sa buhok niya. “Eighteen years narin. And you
grown more beautiful than I can ever imagine. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya that I
had given the chance to witness those change each day of my life with you. Eighteen years is too
long…,” he paused for a moment para lang lalo siyang hapitin bago sumandal sa balikat niya.
“…and too bearable to accept that for succeeding years, you will be gone in my life forever, Lihim na napangiti ang dalaga, unable to utter even a single word na hindi nito
mahahalata kung gaano siya napapasaya ng mga sinasabi nito. “Adik!” idinaan niya sa
bungisngis ang sagot at halos lapirutin niya ang mukha ng kaibigan sa sobrang panggigigil niya.
Hindi man niya tingnan ang mukha niya sa salamin, alam niyang malawak na malawak ang ngiti
niya at nakita iyon ni Keal. Napailing siya sa pagpipilit na itago iyon bago napapangiting hinigit
ang braso nito. “Alam mo, nilalamig na ako, kita mo oh, nangangatog na ako sa lamig,” aniya.
Napatingin ng pailalim sa kanya si Keal. “Hindi kaya kinikilig ka lang sa mga sinabi ko?”
may panunukso sa mga mata ng binata habang naglalaro ang malokong ngiti sa mga labi.
Namula si Parrah, batid niya na kumalat ang init sa buong mukha niya.
“You…conceited!” natatawang tinampal niya ang kaibigan. “Ang kapal nito. Alam mo Keal,
magkaibigan tayo ‘no?” kunwari ay umirap siya bago napailing . “At ayaw kong mawala ‘yun
ng dahil lang sa isang maling desisyon.”
Napangiti si Keal. “Nakikita mo ba ‘yung parte ng ilog na ‘yun?” itinuro nito ang dulong
bahagi ng ilog.
Napakunot ang noo ni Parrah, nagtataka kung bakit napunta doon ang usapan nila.“Oo,
bakit?”
“Para kasing ganun kalalim angating usapan,”malakas na tumawa ang binata, na
ikinapatawa na rin niya.
“Oo nga,” ayon ni Parrah bago muling niyakap ang sarili. “Nilalamig na talaga
ako,”reklamo niya.
“Kaya ka nilalamig ay dahil basa ka tapos hindi ka naman nakabatad sa tubig,” Saktong aahon sana si Keal. Inilahad nito ang kamay na tila ipinaaabot sa kanya ng
madulas ito at mahulog sa tubig pailalim. Kasamang inanod ng malakas na tubig ang katawan
nito. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi na niya mamataan ang kaibigan. Halos
mangatal sa takot si Parrah. Ang tanging namalayan na lang ng dalaga ay ang kanyang
pagsigaw. Kumakabog ng pagkalakas-lakas ang dibdib niya, sigaw siya ng sigaw, tumakbo siya
sa baybay para mahabol pa niya si Keal subalit hindi na niya makita kung saan ito napunta.
Malakas na sigaw ang ginawa ni Parrah at tinawag ang pangalan ni Keal. Subalit walang
sumagot sa tawag niya. Naghalo na ang luha at sipon niya kasabay ng pagbuhos ng malakas na
ulan. Ang mga luha niya ay naging hagulhol.Sumigaw siya ng sumigaw sa pag-asang lilitaw ang
kaibigan. Ngunit ang ingay ng bumabagsak na ulan ang tanging naging sagot niya. Halos
lumaylay na ang dalawang balikat ni Parrah. Napaluhod na siya sa kawalan ng pag-asa habang
binibigkas ang pangalan ni Keal.
“KASI naman ikaw bataka, wala kang kadalaan,” sermon ngunit puno ng pag-aalalang
sambitng kanyang ina na si Mama Elizhabang inihahain sa lamesa ang tasa ng mainit na kape.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na huwag na kayong pupunta sa ilog kapag hapon na?
Tingnan mo ang nangyari, napahamak pa ang kaibigan mo. Nasaan siya ngayon? Ni katawan
niya, ‘di makita. Diyos ko naman, nasaan na si Keal?” tila nahahapong problemado itong naupo
sa tapat niya.
Napahagulhol na naman si Parrah, hindi na niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang
mama. Simula kanina ay halos naibuhos na rin niya ang lahat ng luha niya dulot ng pinaghalong
takot at pag-aalala para sa matalik na kaibigan. Hindi niya matanggap na wala na si Keal at siya pa ang naging dahilan kung bakit napahamak ito. Nilapitan siya ni Mama Eliz at mahigpit na niyakap. “Parrah, kumain ka muna at baka
magkasakit ka,” naiiyak na hinagod ng mama niya ang mahabang buhok niya. Naawang pinahid
nito ang mga luha niya. “Hinahanap na ng mga tanod si Keal. Let’s just pray he’s alright. He
will survive, hija. Kumain ka na at baka magkasakit ka,” inilapit nito sa kanya ang nilutong
mainit na sopas.
Iniiwas ni Parra ang tingin doon. Wala siyang ganang kumain; how could she when she
do not know what else did happen to Keal? Iniisip niya kung saan napunta ang kaibigan. Kung
buhay paba ito o tuluyan na itong nilamon ng ilog. Kanina pa sumasakit ang dibdib niya sa
huling naisip niya. Hindi niya iyon kayang tanggapin. Ayaw niya. Hindi niya kaya.
Kanina pa siya tumatawag sa mga santo sa harapan niya. Ngunit ilang minuto na ang
nakararaan ay wala pa ring balita ang mga tanod na naghahanap sa paligid. Gustong sumama ni
Parrah sa paghahanap ngunit hindi niya kayang tingnan kung gaano kasakit sa mga magulang ni
Keal ang paglipas ng mga sandaling hindi pa rin natatagpuan ng mga itoang anak. Ganoong-
ganoon ang sakit na nararamdaman niya. Kaya imbes na siya ay ang Papa niya ang sumama.
Tumutulong itong mahanap ang kaibigan niyang itinuring na rin nitong parang tunay na anak.
“Hija…,” tawag ng Mama Eliz niya, pinisil nito ang balikat niya tanda ng pagsuporta.
Tiningala niya ito, at muli ay ang pagbuhos na naman ng masaganang luha niya. “M-
Mama,” helplessly ay naisubsob niya ang mukha sa likod ng palad nito at doon humagulhol.
“H-Hindi siya puwedeng mawala, Mama,” namamalat ang boses na anas niya. “H-Hindi puwedeng mawala si Keal…” Walang naitugon ang Mama niya. Napaiyak na rin ito dulot na rin siguro ng sakit na
nakikita nito sa mukha niya bago siya niyakap ng mahigpit. Umamot siya ng lakas sa mga braso
nito at yumakap ng mahigpit rito.
MALAKAS ang paspas ng hangin at kung titingnan mo ang mga puno ay para itong
sumasayaw sa saliw ng isang kanta. Tila pinapawi niyon ang lungkot na lagi na ay lumulukob sa
pagkatao ni Parrah simula ng mawala si Keal. Subalit ni isa sa mga dahon niyon ay hindi
nagtagumapay na pangitiin man lamang siya.
It has been a week. Pero ni anino ng kaibigan ay hindi niya nakita. Hindi man siya sinisi
ng mga magulang ni Keal at ipinagpalagay ng mga itong aksidente ang nangyari na di
magtatagal ay matatagpuan rin ito, batid niya kung gaano kalaki ang pagdadalamhati ngayon ng
mga pamilya nila. At lahat sila ay patuloy na umaasang buhay pa ang binata.
Napatingin na naman siya sa kawalan. Nakaupo siya sa bato kung saan huli niyang
nakasama ang kaibigan. Parang kung may anong kurot na nadarama si Parrah sa bawat hampas
ng hangin sa kanyang mukha. Naaalala niya ang malungkot na mga salita ni Keal noong araw na
iyon, ang malakas na tawa nito, ang paghagod nito sa kanyang buhok. Hindi niya namalayang
nakatakas na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Mga luha na naging hikbi, at di
kalaunan ay naging hagulhol.
Naramdaman niya ang pagsabay ng mga butil ng ulan na pumatak sa mukha niya, tila nakikiramay sa kanyang pagdadalamhati. TUWING dapit-hapon sa tuwing tumutungtong ang alas singko, walang palya, ay
pumupunta si Parrah sa ilog at nauupo sa batong madalas nila noong upuan ng kaibigan. Doon ay
inaalala niya ang bawat saya’t kulitan nila Keal. At sa tuwina ay lagi lang nauuwi sa pag-iyak
ang tagpong iyon. “Paano ko papawiin ang sakit, Keal?” malungkot na nakatanaw si Parrah sa
kawalan habang yakap ang sariling mga braso. Naalala pa niya kung paano siya nito hapitin
kapag nilalamig siya, at naninibago siyang wala ngayon ang binata sa tabi niya. “H-hindi ko na
alam kung paano maging masaya,” gumaralgal ang tinig ng dalaga. Pero pinilit niyang pigilin
ang nagbabantang mga luha. She needed to be strong, to be able to cope up with the situation.
Pero habang inaalala niya kung ano na kaya ang kalagayan ng kaibigan makes her weak.
Pagdating kay Keal ay napaka-sensitibo niya. Mapag-alala siya. Ayaw niyang isipin na may
masamang nangyari rito kahit sa sulok na bahagi ng utak niya ay alam niyang posible iyon lalo’t
hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang katawan nito.
Napayukyok sa sariling mga tuhod si Parrah, pinilit niyang kumalma habang nakakuyom
ang mga palad. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung sakaling ganoon ang
nangyari. “Keal… sana ako nalang ang nilamon ng ilog. Sana ako na lang ang tinangay,”
namamasa ang mga matang tumitig siya sa bahaging kinabagsakan nito. Napailing-iling siya ng
maramdamang tumulo sa magkabilang pisngi niya ang perlas na kanina pa niya iniiwasan. “H-
Hindi ko kaya…Hindi ko kayang wala ka…,” sumisinghot na hirap na sambit niya. Mariing
hinawakan niya ang sariling palad na tila mga palad ng kaibigan ang pinipisil niya. “It’s hard
Keal, bumalik ka na, please,” napahagulhol na mariin siyang napakapit sa batong inuupuan niya.
“Bumalik ka na Keal, please! Please, bumalik ka na!” sa tindi ng nadaramang sakit ay malakas
na sigaw niya. Punong-puno ng galit na pinagsusuntok niya ang buhangin. Napahagulhol siya
ng wala siyang marinig na sagot. “W-Walang silbi…,” nanghihinang hinayaan niya ang sariling
nakasalampak sa lupa. “P-Para mo na ring nilamon ang katinuan ko ng ilayo mo siya,” sumbat niya habang nakatingin sa ilog na animo may buhay iyon. Punong-puno ng pangungulilang
sinamyo ni Parrah ang kanyang mga balikat na akala mo’y hawak-hawak ito ni Keal.
ILANG linggo pa ang lumipas at tuluyan nang nawalan ng pag asa ang lahat na makikita
pa kahit ang katawan ni Keal. Naging masakit sa mga magulang nitong tanggapin ang haka-haka
ng mga matatanda na baka naging alay na ito sa ilog at kinuha na ng mga engkantada ang
katawan nito. Ang iba nama’y sinasabing baka raw kinain na ng buwaya ang katawan nito. Pero
kahit ano pang sabihin ng iba, si Parrah ay patuloy parin na umaasa na darating ang panahon na
makikita niya ang kanyang matalik na kaibigan. “Oo Keal,” aniya habang nakatingin sa bahagi
ng ilog na kinalubugan nito. Sa pagkakataong iyo’y pigil niya ang damdamin na luluha siya
anumang saglit. Malungkot siyang ngumiti sa hangin na tumatangay sa mahaba niyang
buhok.“Titigil lang ako sa pag-asang tuluyan ka nang nawala…kung titigil sa pag-agos ang ilog
kung saan ka lumubog…dahil habang patuloy sa pag-agos ang ilog…patuloy akong aasang
magbabalik ka...”

BAKIT MAHAL PARIN KITAWhere stories live. Discover now