CHAPTER II

28 1 0
                                    

"ANG lalim ng kanyang sugat, parang dumanas ng matinding pagkakabagok ang kanyang ulo, at pati ang kanyang mga katawan ay puro pasa. Siguro ay halos ihampas ng ilog ang kanyang katawan sa mga bato," naaawang komento ni Aling Mary sa asawang si Marco habang sinusuri kung may iba pang sugat sa katawan ang lalaking natagpuan nila sa may baybay dagat.

Mahina na ang pulso ng binata ng matagpuan nila. Marahil ay hindi nito halos kinaya ang malakas na impact ng pagtama ng katawan nito sa mga batong nadaanan ng katawan nito.

"Pero gayunpama'y pasalamat tayo at buhay siya," sagot ni Marco sa asawa na halatang nag-aalala para sa kalagayan nito.

"Itay, halos mag-iisang lingo na rin po ang nakalilipas, subalit parang walang pagbabago sa estado ng lalaking ito," matiim na pinakatitigan ng dalagang si Ciara ang binatang napulot ng kanyang ama't ina. "Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising," puno ng pag-aalalang turan niya.

"Ciara,huwag kang mag-alala, magigising din 'yan," sabat naman ng kanyang ina. "Sabi nga ni Lucia," tukoy nito sa kapit-bahay nila na maalam ng kaunti sa panggagamot gamit ang iba't ibang dahon. "Na-comatose lang siya. Okay na naman ang tibok ng puso niya. Nagamot na rin natin ang mga sugat niya. Pasasaan ba at gigising rin siya," ani Aling Mary na ina ni Ciara. Ito ang tanging katuwang ng Tatay Marco niya. Ang tanging ikinabubuhay ng pamilya nila ay galing sa pagsasaka nito sa karatig na lupa nila at ang kaunting barya na galing sa pinagbebentahan ng isda na hinuhuli naman ng Tatay niya.

"Sige Ciara, bantayan mo ang bahay at kami ng itay mo ay pupunta sa kaingin," bilin ng nanay niya. "Baka may mapipitas kaming gulay at siyang maiging pananghalian," dugtong pa nito. Hindi pa nagbubukang liwayway noon, pero nakasanayan na ng mga tao roon ang maagang paggising upang magbanat ng buto. Saktong Sabado pa noon at wala namang gagawin si Ciara, kaya tinutulungan niya ang kanyang mga magulang sa ganoong mga araw na walang pasok. Isang maliit na paaralan sa bayan ang pinapasukan niya. Doon ay nag-aaral siya ng pananahi. Tuwing wala siyang magawa ay siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay, pero iba ngayon kasi may isa pa syang alagain. Pero biro nga niya, kung ganito kaguwapo ang aalagaan niya, mas pipiliin pa niyang maging tagapag alaga na lang habambuhay. Nakurot nga siya ng nanay niya ng sabihin niya iyon dito. Ang bata-bata pa daw niya. Pero para sa kanya, sa gulang niyang labingwalo ay normal lang iyon. Minsan nga pagkagaling niya sa vocational school na pinag-aaralan, agad-agad niya itong pinupuntahan. Hindi niya alam pero sa mura niyang edad ayparang kung may kung anong kakaiba siyang nararamdaman sa lalaking 'dipa nya nakikilala hanggang ngayon. Ni pangalan nganito ay wala siyang ideya. "Ciara hoy," untag ng kaniyang ina na nagpalingon sa kanya. "Bakit ba parang napakalalim naman ng iniisip mo, narinig mo ba lahat ng binilin ko?"

"Opo," aniya na may kasama pang tango. "Ako na po ang bahala rito."

"Linisan mo 'yan ha at huwag mong katitigan, baka matunaw 'yan," tila pagbibiro nito ngunit seryoso naman ang mukha. "Pagkatapos ay palitan mo siya ng damit para maging komportable siya."

"Ho?" Napanganga naman si Ciara sa narinig "P-Pero..."

"Akala ko ba narinig mo," kinunutan siya nito ng noo. "Wala nang pero-pero, aabutan na kami ng liwanag na Tatay mo. Bahala ka na dito, ha?" hindi na nito hinintay na sumagot siya at mabilis na itong lumabas ng pinto.

Nakagat ng dalaga ang sariling hintuturo habang nakatitig sa lalaki. Iniisip niya kung paano niya bibihisan ito ganoong ngayon nga lang niya iyon gagawin sa isang lalaki. "Pambihira naman si Nanay oh," napapakamot sa ulong sabi niya. Gayunma'y alam niyang kailangan niyang sundin iyon kung ayaw niyang kurutin siya nito sa singit.

Napailing siya bago dahan-dahang lumapit sa lalaki. Hindi niya inaalis ang tingin sa maamong mukha nito na litaw na litaw na ngayon dahil gumagaling na ang mga galos nito. Napalunok siya ng hawakan ang laylayan ng damit nito. "Bahala na nga," aniya na tila may kausap. "Tulog ka naman eh."

BAKIT MAHAL PARIN KITAWhere stories live. Discover now