Cupid's Heart

24 1 1
                                    


"I'm so sorry, I don't really like you."

"No, you're lying. Please tell me you're lying..."

"No, I'm not." Inilingan ko siya dahil iyon ang totoo.

Looking this man in front of me crying and kneeling, nakaramdam ako ng guilty.

"Aminin mo nga ang totoo. Kahit konti wala ka bang naramdamang pagmamahal sa akin?"

His eyes were full of frustration at nag-aabang siya sa magiging sagot ko sa tanong niya.

"Ikaw ang nakakaalam sa sagot sa tanong mo."

Hindi ko naman talaga sinasadya ang ginawa ko. Tama naman na makipag-break sa isang taong hindi mo naman gusto, 'di ba?

This man, he's a Grade 9 student. Ako naman ay Grade 7 pa lang. Schoolmates kami sa iisang school na pinapasukan namin.

Then there was the time that he asked me if he can court me, I said no. Inayawan ko talaga dahil sa dalawang rason. Una, dahil bata pa ako. Pangalawa, sagabal lang iyan sa pag-aaral.

Hindi lang naman siya ang nagyayang manligaw sa akin, may iba rin. Karamihan ay mga Seniors. Wala akong pinayagan ni isa sa kanila.

"Alam mo, nagmumukha ka lang na baliw d'yan sa kakaluhod. Tumayo ka nga!" Inalalayan ko siyang tumayo. Hindi niya pa rin inaalis ang kanyang titig sa akin.

Pinunasan niya ang kanyang basang pisngi dahil sa kanyang luha at hinawakan ako sa braso. "Ano ba kasi ang nagawa kong mali sa'yo? Wala naman akong matandaan!"

He's too aggressive to know the reason.

"Wala ka namang maling nagawa sa pagiging boyfriend mo sa akin in three days." Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"Pero kasi... sawa na ako sa pagmumukha mong palaging unang bumubungad sa akin dito sa school."

Sinabi ko talaga sa kanya in straight forward. Kailangan talaga para maintindihan niya ang totoong rason.

"Ganon? Ganon pala, ha?!" He burst out another batch of tears.

Kinabahan ako dahil sa tono ng kanyang pananalita na naghahamon at may binabalak na masama.

Kinuha niya ang isa sa mga roses na  ibibigay niya sana sa akin kanina pero hindi ko tinanggap.

Hindi ko inakalang ang kinuha niya ay iyong may maraming tinik. Nanlaki ang mga mata ko nang pinilit niyang ikinuyom ang kanyang kamay na nakahawak sa may mga tinik na rosas.

"Are you out of your mind?!" Nasigawan ko siya.

Pumipikit siya dahil sa ginawa niya at sobrang dinaramdam ang sakit sa pagkakabaon ng mga tinik. May dugong umaagos sa kanyang mga daliri na nakakuyom pa rin.

"O, ano pa ang mga dahilan?! Sige! Sabihin mo na!"

Naiiyak na ako sa pinanggagawa ng lalaking ito. He's crazy! Hindi niya ba alam ang ginagawa niya? Mukhang pinapakonsensya niya ako.

"Stop... Please." Pagmamakaawa ko.

Hindi ko lubos maisip na may isang lalaking mas matanda pa sa akin ang gagawa nito.

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo pa sinasagot lahat ng mga tanong ko!" Nanggigigil niyang sabi na patuloy pa ring umaagos ang luha sa kanyang pisngi.

Gusto ko gamutin ang mga kamay niya at patahanin. Hindi ko na lang iyon binalak na gawin. Hindi pwedeng magpakita ako ng kahit na anumang affection sa kanya. Mas lalo lang siyang aasa at masasaktan.

"Sinagot ko na ang mga tanong mo. Ikaw lang ang hindi nakakaintindi."

Mas naging maalab ang mukha niya sa sinabi ko. Nakakatakot na ang kanyang aura, parang mananakit na sa akin.

"I'm so sorry. I didn't intend to do that. Alam mo naman noon na hindi talaga ako pumayag sa'yo, pero nagpupumilit ka. Kaya kita pinayagan na lang."

Tinignan ko siya sa mata. Dahil sa sinabi ko, naging makalma ang mukha niya.

"Lahat ng sinabi ko sa tanong mo ay totoo. Sana maintindihan mo iyon lahat... kuya."

Alam kong masakit ang mga salitang iyon para sa kanya. Pero hindi ko ito kayang patagalin pa dahil baka mas lalo pang lumalim ang kanyang nararamdamam para sa akin. I don't want that to happen.

Hindi ko na siya hinintay magsalita pa. Walang dahilan para magtagal pa ako doon, kaya tinalikuran ko siya sa harapan niya at umalis sa lugar na iyon.

Kahit sino sa lahat ng mga gustong manligaw sa akin simula noong Grade 4 pa ako, ni isa sa kanila ay hindi ko pinayagan.

Maraming mga lalaking gustong manligaw sa akin noon na pursigido ring manligaw kahit ilang beses na hindi ako pumapayag sa kanila.

"Mommy, bakit ang dami kong manliligaw kahit bata pa ako? Hindi ko naman po sila kailangan." I asked mom that kind of silly question.

I ever wondered about it. Even my cousin noon ay gustong manligaw sa akin. Ano ba ang mayroon ako na kinagigiliwan nila?

She just answered, "Dear, they are just kids who wants to know and experience a puppy love."

Hindi ko pa nga makalimutan iyon. Lagi na 'yung nakatatak sa isip ko hanggang ngayon.

Kahit sabihin na nating hindi na mabibilang ang mga naging suitors ko, mas importante pa ring pahalagahan ang pag-aaral.

Pwede naman tayong pumasok sa love life kapag nasa tamang oras at panahon na tayo.

True love can wait even if it takes a long time to find and experience it.


Cupid's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon