Simula: Itim na Pusa

65 6 20
                                    

Annaliza's POV

Simula High-School, magkakasama na kaming magkakaibigan, hindi mapaghihiwalay sa kahit anong bagay, sa pagpasok sa paaralan, sa recess, sa recitation, maging sa uwian.

Si Clark, ang aming palabiro at mapang-asar na kaibigan lalo na sa akin. Si Hannah, ang pinaka-inosente at tipong parang bago sa kanya ang lahat ng bagay na nakikita niya. Si steph, ang tahimik at ang palangiti sa lahat. Si Angelica, ang kikay at ang game na game sa lahat ng gala ng barkada. Si Jolan ang isa pa sa pinakamalakas mang-asar.Si Maryrose ang siyang pinakamababaw ang kasiyahan, ngunit ang pinaka emosyonal. Si Pearl, siya ang pinakamatapang at pinakapalaban sa aming lahat. Si Gi-an ang tagapayo ng grupo sa oras na may problema ang kahit na sino sa amin. Si Levy ang pinakamahilig mangamba kahit sa pinakamaliit na bagay hahahah at si Melissa, ang pinaka kalmado at laging naghahanap ng katahimikan. Si Shanine, ang go with the flow sa tropa at ako? Ang tagasuporta sa bawat gusto nila.

Malapit na kami makatapos ng kolehiyo kaya puspusan ang aming binibigay na oras at panahon para dito. Isang umaga, ang aming guro ay nagbigay ng pinal na proyekto sa asignaturang Pilipino, na kung saan dapat umiikot sa nakagisnan ng mga Pilipino simula noon hanggang sa kasalukuyan.

Isang mahabang diskusyon ang nangyari sa aming magkakabarkada kung ano ang eksaktong pwede naming magawa para rito.

"Bakit kaya hindi natin gawin ang nakagisnan ng ating mga magulang, yung pagdadasal simula sa panahon nila, hanggang sa paano dinala sa panahon natin ngayon?" Ang aking maganda at masayang tugon sa kanila.

"Masyadong makarelihiyoso, baka masunog tayo" ang pabitrong tugon ni clark sa aking mungkahi

"Edi mga larong pinoy, DUUUHHH!" mataray na sambit ni angelica

"Edi mag-isa ka! Hahahahaha" banat ni Jolan mula sa naisip ni angelica

"Suggestion ko lang naman, DUHHHH!, KAGIGIL KA, KAINIS!" naasar na sagot naman ni angelica.

"Hoy tumigil na kayo diyan, kailangan yung maayos na plano at magandang proyekto, huli na to guys, ayokong bumagsak!" ang paalala ni Levy sa dalawa, na nagpatahimik sa lahat.

"Hmmmm. May naisip na ako, paano kaya kung yung mga pamahiin na nakagisnan ng ating mga magulang, simula bata hanggang sa pagtanda nila, dala dala nila bilang pangaral satin?" Ani ni Clark

"Hmmm. Mukhang maganda ah!" pag-sang ayon naman ni Gi-an sa naisip na proyekto

"Guys, time na!, kailangan ko na umuwi hahanapin na ako ng ate ko" ang natanging nasabi ni Hannah na sa tagal ng pag uusap ay walang nasambit na kahit anong plano.

"Ako din, uwi na tayo" dagdag ni Melissa

"Ganito nalang guys, mamayang gabi, magkita-kita tayo, kahit diyan na lang sa sementeryo, lahat naman tayo malalapit diyan, para lang mafinalize na natin to" ani ni clark "kahit huwag ka nap ala annaliza hahahha!" dagdag pa nito.

"Kahit kelan ka talaga! Wala ka ng ginawa kung hindi ang asarin at inisin ako! Peste ka!" ang inis na inis kong tugon mula sa kanyang sinabi.

Wala na kasing ginawa yan kung hindi ang asarin ako at sirain ang araw ko, hays, pero syempre alam ko pa rin namang biro iyon, hindi lang talaga mawala sa akin ang inis.

Base sa napag-usapan, gabi na ngayon, at unti unti na kaming nabubuo para pag-usapan ang nasabing gagawin sa proyekto na huling ipapasa sa asignaturang Filipino.

"Masyado na tayong ginabi!, hays kabagal niyo talaga magsipag kilos" pahayag ni levy na pinaka-unang dumating, na hindi ko masisisi dahil anong oras nga naman na, at mag-aalas dose na.

"Baka masyado mo lang inagahan" pabirong tugon ni shanine

"Tama! Hahahahahah" panggagatong naman ni Maryrose

Sa kalagitnaan naman ng aming paglalakad, tila isang tili naman ang nagpagulat sa aming lahat ...

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHH! YUNG ITIM NA PUSA! BIGLANG SUMULPOT! Ang takot na takot at gulat na gulat na sigaw ni angelica.

"Mas nakakatakot yung sigaw mo!" iritang sambit naman ni Pearl

"Ano ba kayo?, diba nga may kasabihan, malas daw ang itim na pusa kapag nakakasalubong" natatarantang tugon ni Angelica

"Nagpapaniwala ka naman?" sagot ni Clark

"kaya nga jusko naman, aatakihin kami sayo!" dagdag pa ni Shanine

"Bahala kayo diyan!" huwag kang lalapit sa aking itim na pusa ka ah!" ani ni angelica na tila hindi lang kami ang kinakausap, kundi maging ang itim na pusa.

Sa kalagitnaan, ng aming paglalakad...

Tinitingnan ko ang itim na pusa, dahil sa layo ng paglalakad namin ay tila nakatingin pa rin ito, na ikinatayo ng mga balahibo ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Jolan, na napatitig din sa nakakuha ng aking atensyon.

"Ah yung itim na pusa? Hahahha sige tabuyin ko", bigla nalang ako nagulat ng tumakbo at lumapit si Jolan sa itim na pusa.

Matagal akong nakatitig kay Jolan, tila ba parang kinakausap ang pusa,

"Guys, iihi lang ako" pagpapaalam sa amin ni pearl, "tawagan niyo na sila Hannah, Melissa, Steph at Gi-An, malapit na maghatinggabi at wala pa sila" dagdag pa nito, bago tuluyang mawala sa aming paningin.

Samantala ang atensyon ko ay nanumbalik sa itim na pusa at kay Jolan, na huli dahil wala na si Jolan, maging ang pusang Itim.

"Guys, si Jolan?, diba nakita niyo rin na nilapitan niya yung itim na pusa? Nasaan na sila?' aking nasambit sa pag-aalala.

"Andiyan lang yan" sagot ni angelica, na tutok sa telepono niya

"Wala siya!" ang pagtatanong na puno ng pangangamba.

"Angelica, hintayin mo si Pearl, umihi lang".

"Maryrose, Clark, Levy at Shanine, samahan niyo ako, hanapin natin si Jolan, tingnan natin yung liblib na lugar na yun ng sementeryo" Aking nasambit na puno ng pagkataranta.

Habang papalapit na kami sa liblib na parte ng sementeryo, tila biglang lumitaw ang itim na pusa na kinakaba ko, maging ng mga kasama ko, dahil ditto buong tapang naming tinakbo ang liblib na likod ng sementeryo, kung saan lumabas ang itim na pusa.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH" ang nakakabinging tili ni Maryrose, ng Makita naming ang bangkay na katawan ni Jolan, na may mga saksak ng kutsilyo sa iba't ibang parte ng katawan at yuping mukha nito.

"OH MY GOSH, JOLAAAANNNNNN!" sigaw ni Hannah na kararating lang kasama si Angelica, Pearl, Melissa, Gi-an at Steph, na tila gulat na gulat at di makapaniwala. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PROJECT: SUPERSTITIONWhere stories live. Discover now