Thinking Out Loud.

37 1 0
                                    

One Shot Story by 54satomi

Brrrr. Sobrang lamig. May bagyo ba? Nakakainis naman kasi oh! Kung hindi lang sana ako nakatulog sa detention kanina at lalong lalo na kung hindi ako nadetention dahil sa matandang dalagang si Mrs. Cruz edi sana nasa bahay na ko ngayon at natutulog o di kaya naman ay nagffacebook at pinagmamasdan na naman ang profile nya.

Haynako! Nakakabakla na to ah! Dulot siguro ng ulan kaya nagddrama ako ng wala sa oras...

Kring... Kring... Kring...

Oh Great! May cellphone nga pala ako! Bakit ngayon ko lang naalala.

Ay teka lang! Hindi aking cellphone yung nagriring. Kung ganon...may kasama akong stranded sa God forsaken school na to?

"Hmm. H-hello?"

Okay. Mukhang dreamy voice pa ata yung kasama ko sa pagsagot ng cellphone nya, teka lang, nasa loob sya ng detention room? Bakit parang wala naman akong nakita kaninang tao don. Well, tuloy tuloy lang naman kasi ako sa paglabas kanina at nagpaka busy na sa paraan para makauwi pero baha sa baba ng Emir building. Tsk.

"HAH? Oo nga! 5:30 na! Im sorry Ma, nakatulog ako dito sa detention... Yea, alam ko... Uuwi na po ako... Cge bye"

Sandali lang... Hindi ako pwedeng magkamali! Boses nya yun!

*Door Opens*

"Whoaaa! Ginulat mo naman ako dun! May tao pa pala sa school ng ganitong oras?"

Ang cute nya. Halatang bagong gising sya at walang kamalay malay sa bagyong nasa harap nya...

"Ahh.. Michael? Okay ka lang? Bakit ang pula mo?"

Inilagay nya yung likod ng palad nya sa noo ko. Nako! Mas mamumula ako nyan e!

Pero! Kilala nya ko! Tama ako ng rinig diba? Alam nya yung pangalan ko!

"Huh? Ah Eh. Sino ba namang hindi makakakilala sayo diba? Prom King ka last year? Hahaha"

Shit. Nasabi ko pala ng malakas yun...

"Hmm.. By the way, I'm Andrea... Classmates tayo pero mukhang hindi mo ko makikilala kasi lagi kang tulog sa klase."

Ang ganda ng ngiti nya. Sobrang babaeng babae.

"Kilala kita."

"Talaga? Wow. Hahaha. Baka may third eye ka sa ulo o kaya naman naiirita ka pag nagrerecite ako sa unahan... You know... Mas kilala kasi ako bilang campus geek."

Sinabi nya yun tapos inayos yung salamin nya.

"So? Masyado na ata akong madaldal at naiinis ka na sakin, so... Alis na ko huh? Nice meeting you Michael."

Oh no. Not so fast. Pagkakataon ko na to e!

Hinila ko yung braso nyang patalikod na.

Fck. Anong sasabihin ko?

"U-Uhm. H-hindi ka makakauwi. Baha sa baba. Trust me. Kanina pa ko nahanap ng paraan para maka-alis dito."

Nung una hindi pa nagsisink in sa utak nya yung sinabi ko hanggang sa unti-unti na syang napanganga at tska tumingin sa paligid.

"Oh no! Naulan! Bakit ang lakas? Bagyo na ba? Bakit hindi ko napansin? Paano na tayo uuwi? Oh no!!!"

"Andrea. Kumalma ka lang. Diba may cellphone ka naman? Ah.. Eh.. Wala kasi akong load e. Baka may maitetext ka."

Nagpanic naman sya sa pagkuha ng cellphone nya not knowing na ipinatong nya yung bag nya sa porch at saktong paglabas nya ng cellphone nya ay nadulas ito sa kamay nya.. Tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thinking Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon