Familiar
Today is Monday, January 2 2017. Makulimlim ang langit sa labas pero hindi naman ata uulan.
"Winter melon, with pearls. 50% yung sugar level." Sabi ko sa counter at nagbayad atsaka nag hanap na ng mauupuan.
Luminga linga ako sa buong milktea shop at nakita ang nag iisang vacant table sa gilid malapit sa bintana, agad akong umupo doon. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang wattpad app ko, magbabasa nalang siguro ako habang nag hihintay ng may biglang..
"Is this seat taken miss?"
Gwapo. fuck. Matangkad, matipuno, may halong jewish yung mukha na sobrang perpekto ng jaw line at kumikislap yung mga mata.
"Miss?" Ulit niya pa.
Bigla akong natauhan. Umiling ako at ngumiti sa kanya. Umupo naman siya ng walang pag alinlangan.
"Thanks!" Utas niya.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa at dumating na din ang order ko.
I sipped on my wintermelon at nakita kong papasok na ng shop ang kambal ko.
"Twin! Here!" I waived at him so he could see me, Naglakad siya papalapit saakin habang nasa bulsa niya ang dalawang kamay niya.
"I didn't know na kilala mo si Austin?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko, nakatingin din yung lalaki sa kanya.
"Oh! you knew each other twin?"
"Llianndrew." Ngumiti yung lalaki sa kapatid ko. Tinignan lang ni drew yung lalaki at agad rin siyang tumingin saakin.
"Let's go yannie." Tinalikuran niya kami at nag simula na siyang maglakad at agad naman akong sumunod, nang makalabas kami sa shop bigla siyang nag salita. "May sinabi ba siya sayo?"
Umiling ako. "You were being rude. Bakit mo ginawa yun, hindi mo man lang binati. Magkakilala pa naman kayo." Kahit kelan sobrang sungit niya talaga, saakin lang ata siya sweet. Malas magiging Jowa neto'
"Wag kang makipag kaibigan sa lalaking yun, kung pwede lumayo ka."
"Bakit naman? Di ko naman kilala yun ay isa pa di naman ako nilalapitan, sino ba kase yun."
"Basta."
"Ganyan ka eh! Di talaga kita maintindihan ewan ko sayo."
Umirap ang kapatid ko at sumakay sa sasakyan niya. Sumakay din ako sa front seat.
Umuulan na ng malakas nung nakarating na kami sa bahay. Akala ko pa naman na hindi na uulan.
Days have passed, at mag reresume na naman ang klase. Kakatamad naman. Huling taon ko na ito sa college. Kahit na ayaw ko ng pumasok, ma mimiss ko naman ng sobra ang mga kaibigan ko at kaklase.
Sobrang bilis ng panahon. Parang isang pikit lang ng mata ko, march na agad. Ilang araw nalang graduation na namin. Panay practice kami, mauubos na ata energy namin sa practice.
BINABASA MO ANG
Today
Teen FictionDon't let yesterday take up too much of today. What happened yesterday is gone and today is our story.